TWENTY-SEVEN

120 6 0
                                    

Chapter 27
Elixxir's Point Of View

We never talked after that. She is avoiding me, I do too.

But sometimes, I unconsciously take a glance at her seat. Because since then, I never saw her stay in our classroom or in the cafeteria to eat.

I don't have any idea where she is eating. Basta bigla nalang siyang nawawala sa klase.

"Everyone, go back to your seats. May announcement ako."

Kaagad akong umayos ng upo nang marinig ang boses ni Luhence.

He is our class president kaya naman siya ang naka-assign sa mga announcement sa klase.

For the time being, wala pa kasi kaming adviser.

"Wala na rin tayong klase sa susunod na subject kaya naman pinapayagan ko na kayong umuwi."

Walang paligoy-ligoy na sabi niya.

Naghiyawan ang lahat.

"Wala ng pupunta kung saan saan ha! Ako ang responsable sa pagpapauwi sa inyo ng maaga!"

Pagsigaw pa niya na hindi naman ganoon ka-pinansin pa ng lahat.

Hindi naman kasi nila susundin.

Nang magawi ang mga mata ko sa upuan ni Uhna, napansin ko na wala siya roon pero naiwan doon ang bag niya.

May pinuntahan pa ba siya?

Why do I care?

Hindi na ako nagpaalam pa sa mga kaibigan ko dahil ni-isa sa kanila ay hindi ko mahagilap sa loob ng room. Nandito pa ang mga bag pero wala naman yung mga may-ari.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko sina Xsana at Jekyll na mukhang mayroon nanamang pinag-aawayan.

Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang lakas para awayin ang isa't isa araw araw.

"Elix? Uuwi ka na? Maaga pa."

Kaagad na pigil a akin ni Xsana pagkalapit namin sa isa't isa.

"May balak pa akong puntahan. Sabihan niyo nalang yung iba na umalis na ako. Lalo na si Eumee. Baka hagilapin ako no'n."

Kaagad silang tumango sa akin at nagpaalam na kami sa isa't isa.

I am about to pull my car out of the parking lot when a motorcycle stopped in the driveway.

Napamura pa ako sa gulat dahil bigla nalang iyong huminto sa likuran ng sasakyn ko.

Kung hindi ko pa nakita sa rear view mirror ay masasagasaan ko talaga ang taong iyon.

Sinilip ko ang kinaroroonan niya at sumigaw.

"Excuse me, can you please move away."

Magalang na pagsigaw ko. But that person didn't move.

I guess he didn't just hear what I've said.

Kaya naman bumaba ako ng kotse at nilapitan siya.

"Excuse me, pauwi na ako. Can you please move your motorcycle?"

Tumango naman siya kaagad kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Thank you."

Sabi ko bago sana babaik na sa sasakyan ko nang magsalita ang lalaking iyon.

"In one condition."

The person removed his helmet and I was in shock.

"Answer my questions."

VENGEANCEWhere stories live. Discover now