FIFTEEN

178 8 0
                                    

Chapter 15
Uhna's Point Of View

Pagpasok sa loob ng classroom ay wala pang ibang tao sa room.

Ganito talag palagi, madalas na nauuna ako sa pagpasok dahil mas ginaganahan ako na mag-aral sa tuwing tahimik ang paligid.

Isa pa, iba ang vibes ng eskwelahan tuwing umaga. Nakakakalma ang katahimikan na akala mo ay nasa forest ka.

Peeo habang dumadami ang pumapasok ay dumarami rin ang distractions ko.

Nagkaaingay kasi ang lahat.

Inilabas ko ang earpods ko para magkaroon ng sariling mundo.

Sari-sari kasi ang naririnig ko sa mga kaklase ko kaya naman ako nagugulo.

Wala akong pakialam sa kung ano ang gusto nilang gawin. Mahalaga ang pag-aaral ko sa akin dahil ito lang ang maipagmamalaki ko kay Mama.

Kung magiging top student ako, baka maging proud na siya sa akin.

Kasi iyon lang naman ang tanging gusto ko kaya ko ginagawa ang lahat ng ito. Kaya ako nagpapakasubsob sa pag-aaral imbis na kagaya ng mgamasa edad ko ay ine-enjoy ang mga buhay nila.

Pero atensyon lang ng mga magulang ko ang makkapagpasaya sa akin at hindi ang mga ginagawa nilang pagpunta sa mga party.

Pero hindi pa man nagtatagal ang earpods sa tainga ko ay mayroon ng nanggulo sa akin.

Mayroong kung sino ang sumipa sa bangkuan ko kaya naman nasulatan ko ang parte ng papel na hindi ko naman talaga dapat balak na sulatan.

Kaasar. Wala pa naman akong correction tape.

Ayaw ko rinnaman na nanghihiram sa mga kaklase ko. Kahit nga kay Mara ay nahihiya akong humiram kahit pa kaibigan ko siya magmula pa noong elementary kami.

Dahan-dahan kong itinaas ang paningin at nakita doon si Jekyll na nakangiti sa akin.

Alam ba niyang nakakaasar ang mga ngiti niyang iyon? Imbis na hindi ako makaramdam ng inis naasar tuloy ako.

Hinubad ko ang suot na earphone para pakiggan ang sinasabi niya.

"Hindi ko sinasadya. Aksidente ko lang na nabangga."

Tanga lang ang taong maninwiala. Paniguradong sinadya niya iyon para inisin ako.

Halata naman sa ngiti niya.

Hindi na rin ako magtataka kung ganoon nga. Dahil kalat sa buong school na may ganong ugali si Jekyll. Kaya namn kahit na gwapo kagaya ni Elixxir ay iniiwasan siya ng mga estudyante sa school.

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa kaniya.

I will let this slide. Hindi rin naman ako sigrado kung sinadya ba niya o hindi.

"Sa susunod ay mag-ingat ka nalang sa paglalakad."

Tanging sinabi ko sa kaniya bago muling ibinalik ang earphone sa tainga at muling nagsimula sa ginagawang pag-aaral.

Pero nang mas lumapit siya sa upuan ko at natakpan ang liwanag ng araw na nagpadilim sa pwesto ko ay muli kong tinanggal ang earphone para sana kausapin siya.

Pero bago pa man ako makapagsalita ay naunahan niya ako.

"Ang sabi ko ay aksidente yung nangyari. Why is there something to be careful about? You are making me feel bad."

Hindi ko alam kung paano niya ininterpret ang sinabi ko pero hindi niya gusto na sinabi ko iyon.

Wala akong gana na makipag-usap sa kaniya kaya naman kaagad ko rin siyang sinagot.

VENGEANCEWhere stories live. Discover now