FIFTY-NINE

88 4 0
                                    

Chapter 59
Aihna's Point Of View

I only diatinguish the world into two categories : Those on my side and those who are not.

I'll either risk my life to protect, or risk my life to destroy.

But tonight, I just did both.

I risk my life to protect someone and to destroy someone's life.

He won't be able to see the future after what I did to him.

His eyes are now probably at a critical condition after I kicked it.

"Let's go now."

Sabi ko kay Elixxir matapos na mabawi ang lakas.

Pero hindi siya gumalaw at nanatiling mahigpit ang pagkakayakap sa akin.

Iniikot ko ang mata at bumuntong-hininga.

"Get off me already!"

Muling pagsasalita ko kasabay ng pagsuntok sa sikmura niya.

"Aw. Shit."

Pagmumura niya matapos kong gawin iyon.

"Ano?"

May pagbabanta sa boses ko nang subukan niyang magsalita matapos na tumingin sa akin.

Hindi naman niya sinubukan na magsalita pa at umayos na ng tayo.

I am sure na mahina lang iyon dahil wala na gaanong lakas ang katawan ko matapos makipagbuno sa limang lalaki kanina.

Napakahina ng katawan niya.

Should I teach him how to fight?

Para hindi na ako palaging mag-alala sa tuwing lumalabas siya ng mag-isa at kung saan saan nagpupunta.

"Tara na."

Pinilit kong hindi matawa sa hitsura niya.

Mukhang siya pa kasi ang may kailangan ng alalay kaysa sa akin.

"Pinagtatawanan mo ako?"

Kaagad kong iniiling ang ulo.

"Hindi ah."

Pagtanggi ko habang pilit na tumatalikod sa kaniya.

"Tumatawa ka!"

Inunahan ko na siya sa paglalakad at hindi mapigilan ang tuluyang matawa.

He's really an idiot.

Dahil sa alam kong pagkakaguluhan ako paglabas ko at hindi siya pupwedeng makita na kasama ko ay sa ibang daan kami pumunta.

"Aihna, hindi dito yung daan. Nandoon sa kabila sina Yerin."

Sabi niya habang sumusunod sa akin.

"Basta sumunod ka nalang."

Sabi ko sa kaniya habang patuloy lang sa paglalakad.

Hindi naman ganoon karami ang natamo kong sugat matapos ng laban kanina.

I didn't let anyone touch me for more than 5 seconds at kaagad silang sinusuntok o kaya naman ay sinisipa.

Ang iba namang pag-atake ang mabilis kong naiiwasan.

Sa tingin ko nga ay wala pa sa sapung beses akong tinamaan ng pag-atake sa akin ng limang lalaking iyon.

Si Jekyll ang pinaka-nakarami. Yung mga kasama niya ay mga takot na labanan ako kaya naman mabilis kong napatumba.

Ang lakas pa ng loob ng lalaking iyon na suntukin ang mukha ko. Dumugo tuloy ang labi ko.

"Saan nakaparada ang sasakyan mo?"

VENGEANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon