Chapter 50

385 7 0
                                    

Author's POV

Hindi na nga mapakali ang mag asawa ng malamang hawak ni Alissa ang anak nilang si Lilac. Dinoble rin nila ang paghahanap upang mas mapabilis makita si Lilac.

Nasa sala ang mag asawa at inaalo ito ni Charles dahil sa walang tigil na pag iyak at pag aalala sa anak.

"Love.. i know what you are feeling right now. Mahahanap rin natin si Lilac maniwala ka"

"Asawa ko ang sakit sakit sa loob ko. Ginagantihan tayo ni Alissa paano kung saktan niya ang anak natin? Hindi ko kakayanin yon" sabi niya at nagpatuloy sa pagiyak.

Niyakap ng mahigpit ni Charles ang asawa. Ginawa na nila ang lahat upang mahanap ang Alissa na yun ngunit hindi nila ito mahaligap.

Maya maya ay may nag doorbell sa gate nila. Sabay naman nilang pinuntahan ang gate upang tingnan kung sino iyon. Isang delivery rider at may inabot itong nakabalot na plastic.

"Wala po kaming inaasahang order" sabi ni Charles na nagtataka.

"Sainyo po kasi sir naka address at nakapangalan eh. Bayad na rin ho ito"

Takang taka na nagkatinginan ang magasawa at ni receive na lamang iyon.

Pagkapasok nila sa bahay ay agad nila iyong binuksan. Balot na balot ito ng plastic kung kaya natagalan sila sa pagbukas.

Nagkatinginan muli ang mag asawa. Kapwa nakaramdam ng kaba dahil pagkabukas nila ay isang CD ito at baka kung anong nilalaman nito.

Agad agad isinalang ni Charles ang CD sa cd player. Pagka play ay agad bumungad ang mala demonyong tawa ni Alissa.

Halos hindi makahinga si Kassandra pagkarinig ng malakas na tawa ni Alissa dahil ramdam niyang hindi maganda ang nilalaman ng video na iyon.

Pinanood nila ang nilalaman ng video at bumuhos agad ang luha ni Kassandra ng makitang kinaladkad ng mga lalaki ang anak niya palabas sa kulungan ng aso.

Galit na galit naman si Charles at pinagmumura si Alissa. Samantalang si Kassandra naman ay iyak ng iyak at hindi na makatingin sa video dahil sa kalupitang ginawa ng babae sa kanilang pinakamamahal na anak.

"POTANGINA MO ALISSA MAGBABAYAD KA!!!" Malakas na sigaw ni Kassandra at pinagtatapon ang bawat makita niyang bagay sa mesa sa harap niya.

Pinatay na ni Charles ang video dahil hindi na nila kaya pang makita ang hirap ng pinagdadaanan ng kanilang anak. Maging si Charles ay napaiyak na rin dahil sa mga nakita at narinig. Wala silang magawa habang tinatawag sila ng kanilang anak at humihingi ng tulong.

"ANG ANAK KO!! IBALIK MO!!" sigaw ni Kassandra at halos madurog ang puso niya.

Niyakap siya ng mahigpit ni Charles dahil nagwawala na siya at galit na galit siya kay Alissa.

"Love sisiguraduhin kong magbabayad si Alissa sa ginawa niya sa anak natin. I'll let her suffer!" Mariing sabi ni Charles habang napapaluha dahil sa sitwasyon ng anak.

Biglang nag ring ang cellphone ni Kassandra at agad niya iyong sinagot.

"Ano Kai? Napanood mo na ba ang surpresa ko?" Sabi ng babae sa nang iinsultong boses.

"FUCK YOU ALISSA!! IBALIK MO SAMIN ANG ANAK NAMIN HAYOP KA! AKO ANG SAKTAN MO HUWAG ANG ANAK KO! MAAWA KA SA BATA!"

Galit na sigaw ni Charles. Tinawanan naman siya ni Alissa sa sinabi niya.

"Maawa? Eh bakit naawa ba kayo sa pananakit niyo saking mga POTANGINA kayo? Noong panahong ginago mo ko at inagaw mo sakin si Kai naawa kaba sakin? Hindi diba? Ngayon magdusa kayo dahil karma niyo to sa lahat ng kasalanan niyo!" Sabi ng babae at muling tumawa ng malakas.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now