Chapter 1

2.6K 27 1
                                    

"Babe antagal mo naman. Kanina pa ako dito" nakangusong sabi ng girlfriend ko

"Sorry babe, mejo natagalan lang ako sa huli kong deliver eh." Sabi ko pakatapos ko itong halikan sa pisngi.

"As usual naman. Kapag nagdedate tayo lagi kana lang nahuhuli" sabi nito sabay inirapan ako.

"Oo nga babe pansin mo? Ehh lagi kasing nagkakataon na madaming deliver sa restaurant" natatawa kong sabi sabay hubad ng sumbrero.

Umismid naman ito.

"Wag kana magtampo. Tara na kain na tayo" sabi ko sabay kurot sa pisngi ni Alissa.

Napakaganda talaga ng girlfriend ko. Nagpapasalamat na lamang ako at pumatol sya sa kagaya ko.
Oo isa akong tomboy. Bata pa lang ako eh ganto na ako. Alam ko sa sarili ko na kakaiba ako sa mga babae. Imbes na magka crush sa lalaki eh mga babae ang natitipuhan ko.
Bata pa lang lantaran ko ng pinapahayag kung ano ang pagkatao ko. Naiilang kasi ako sa mga pambabaeng damit at mga laruan. Buti nalang at buong puso akong tinanggap ng nanay at tatay ko.

Nagpatuloy naman ang date namin ni Alissa. Sa isang taon namin alam kong naging loyal sya sakin dahil ni minsan hindi nya ako niloko, hindi sya naghanap ng lalaki. Siya lang ang pinakamatagal kong naging girlfriend. Yung iba kasi ay buwan lang, iniwan din ako matapos makahanap ng lalaki. Hindi daw kasi sila magkakaanak sakin.

"Babe mejo humahaba na ang buhok mo. Di kaba magpapagupit? Tanong ni Alissa ng matapos sya mag shopping. Eto naman ako taga bitbit ng pinamili nya.

Tumingin naman ako sa salamin na nadaanan namin. Pang lalaki kasi ang gupit ko kaya mabilis mapansin na humaba na nga.

"Oo nga babe" sabi ko sabay ginulo gulo ang buhok ko.

"C'mon babe, dun tayo sa salon. Magpapa pedicure nadin ako" hinila na niya ako at tumuloy na nga kami.

------

"Ayan ang pogi mo na lalo babe" sabi ni Alissa pagkatingin sakin pagkatapos akong ginupitan sabay halik nito sa pisngi ko.
Muntikan naman matawa yung babaeng nagaasist sa paa ni Alissa.Pansin ko nga kanina pa iba ang tingin samin ng mga tao dito sa salon. Mga matang mapanghusga sa relasyon ng mga kapwa. Napailing nalang ako. Sanay na ako sa eksenang ganto.

Pagkatapos ng date namin ay hinatid ko na ang girlfriend ko gamit ang motor ko.
"Salamat sa araw na to babe. I love you" nakangiti nitong sabi sabay halik sa labi ko. Lumapad naman ang ngiti ko.
Ganto lagi ang ganap namin tuwing sabado. Hindi pwedeng hindi kami magdate dahil ito lang ang araw na day off sya sa trabaho. Samantalang linggo naman ang day off ko.
Eto talaga ang pinakadahilan bat ko minahal ng sobra tong babae nato. Hindi ako kinakahiya sa lahat. Napakilala nya ako sa pamilya nya at mga kaibigan. Higit sa lahat laging pinaparamdam na ako lang at hindi na nya kelangan ng lalaki sa buhay nya.

"I love you too babe. Syempre naman mahal na mahal kita." Nilapit ko sya sakin at niyakap sabay halik sa buhok nito.

"Tara pala babe pasok ka muna sa loob." Sabi nya ng umalis na sa yakap ko.

"Hindi na babe, maaga pa bukas alam mo naman peak season na sa resto. December na naman kasi"

"Oo nga pala. Oh sige na babe. Ingat paguwi ha"

"Sige babe paki kamusta nalang ako kina tita" hinalikan ko siya saglit sa pisngi sabay suot ng helmet ko.

Pag kauwi ko sinalubong naman ako ng kapatid kong si Kristopher.

"Oh Tophe san ka pupunta ha" sita ko dito ng napansin kong ayos na ayos ito.

"Inutusan kasi ako ni mama ate eh. Mamalengke ako para sa rekado na lulutuin nya bukas" sabay pakita ng listahan.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now