Chapter 12

716 14 0
                                    

Nagising ako sa bigat na nakapatong sa tyan ko. Unti unti kong minulat ang mata ako, ng magkukusot ako ng mata ay naramdaman ko ang sakit sa mga braso ko at buong katawan, lalong lalo na ang ulo ko.

"Aray ano ba nangyari" bulong ko sa sarili ko habang hinihilot ang sumasakit kong ulo. Nagbalik ang atensyon ko sa kamay na nakapatong sa tyan ko. Dahan dahan kong tiningnan kung sino ang nagmamay ari ng kamay.

"C-Charles?" Gulat na gulat ako sa nakita ko.

"Tangina mo Kai. Ano bang ginawa mo"inis kong sabi sa sarili ko. Hindi ako agad makakilos dahil sa sakit ng buong katawan ko lalo na sa may gitnang parte ng hita ko. Unti unti ay bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Lasing na lasing kami kaya namin to nagawa.Shit talaga.Akala ko masamang panaginip lang yung nangyari na nakikipagtalik ako sa lalaki na hindi malinaw ang mukha.Totoo pala lahat yun.Galit na galit ako sa sarili ko dahil nagpababoy ako sa lalaki.Ni minsan ay hindi ko naisuko ang sarili ko sa mga naging girlfriend ko dahil sa nirerespeto ko sila at gusto ko ay yung siguradong panghabang buhay na. Kahit tomboy ako ay hindi ako ganun kapusok, marunong ako rumespeto.

Ramdam na ramdam ko ang pagkalalaki ni Charles sa may gilid ng hita ko. Pati ang init ng kanyang katawan.Gusto ko ng lamunin ako ng lupa. Pinagmumura ko ang sarili sa inis. Dahan dahan kong inalis ang kamay at binti niya sa ibabaw ko. Kahit nabibigatan at masakit ang braso ko ay pinit ko paring inalis ang katawan niya sakin. Maingat ko itong inalis saka dahan dahang umupo.
Gusto ko ng iumpog ang ulo ko sa sakit dala ng hangover dumagdag pa ang sakit ng katawan pati ang pagkababae ko. Muli kong tiningnan si Charles na mahimbing na natutulog. Langya naman Kai kung kelan okay na ang pagkakaibigan namin hays.

Matagal akong nakapagbihis dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mabuti nalang at hindi nagising si Charles. Ang laking kahihiyan nito. Kasalan ko kung bakit nangyari to, kung hindi lang sana ako nagpadala sa lungkot at alak di sana mangyayari ito.

"Aray" napasigaw ako at napapupo ulit dahil sa sakit ng hita at ibabang parte ng katawan ko. Parang binugbog ng sampong beses ang pagkababae ko.

Akala ko nagising sa sigaw ko si Charles pero mabuti at hindi.

Kelangan ko ng umalis bago pa magising tong lalaki nato. Ayokong ng ungkatin ang nangyari samin. Masamang gabi lang yun na kelangan ng kalimutan.

Masakit man ay paunti unti akong naglakad palabas na parang papilay pilay.

Pumara na ako ng taxi at nagtungo na pauwi samin.

--------------

"Ma" pagtawag ko kay mama ng naabutan ko itong nagsasampay ng nilabhan.

Alalang alala siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Diyos ko naman Kassandra Araneta. Pinagalala mo kami. San kaba pumuntang bata ka ha hindi kaman lang nagpaalam." Mangiyak ngiyak na sabi ni mama ng humiwalay na sa yakap.

"Sorry po ma. Nagkayayaan po kasi maginuman." Sabi ko na kakamot kamot sa ulo.

"Oh siya. Pumasok kana sa loob at kumain"

Gumayak na nga kami sa loob.

"Anak, bat paika ika ka maglakad? Naaksidente kaba ha?" Bigla ay napalingon ako kay mama. Mas nauna kasi ako sakanya maglakad. Kinabahan ako kaya nagisip ako ng ipapalusot.

"Ah eh hindi po ma. Nasobrahan lang po kasi kagabi sa alak baka hindi ko po namalayan na natisod ako kaya nagkaganto yung paglakad ko" hindi makatinging sagot ko.

Nakahinga naman si mama ng maluwag at mukha namang napaniwala ko siya.

"Ganun ba. Basta okay kalang anak ha." Tumango nalang ako bilang sagot.
Naghain na si mama ng pagkain. Dun ko napagtanto na gutom na gutom na ako dahil puro alak lang ang laman ng tyan ko.

-----------------------------

Ilang araw na akong hindi pumapasok sa resto. Naisip ko kasing magresign na dahil ayoko ng makaharap si Charles. Nagpapasalamat na lamang ako dahil simula ng may mangyari samin ay hindi ko na siya nakita at hindi na rin siya dumalaw sa bahay.

"Fred punta ako sainyo" text ko kay Fred upang ibigay na lamang ang resignation letter ko.

Pumunta na nga ako kila Fred. Day off niya naman ngayon kaya ayos lang na istorbohin ko siya.

"Ikaw talaga par napaka masekreto mo na sakin ha. Hindi kana pumapasok. Bakit anong nangyari ba sayo?" Sunod sunod na sabi ni Fred ng nakaupo na ako sa sala nila.

Inabot ko naman sakanya ang papel. Binasa niya naman iyon saka nagtatakang tumingin sakin.

"Par? Seryoso" napabuntong hininga na lamang ako.

"Oo par. Naisip ko kasi na maghanap na ng ibang mas mapagkakakitaan. Gusto kong mag abroad para sa pamilya ko"
Naipaalam ko na kay mama ang plano ko. Sa una ay hindi siya payag dahil ayaw niyang malayo ako at okay naman daw ang sahod ko sa resto. Pero sa huli nakombinse ko naman siyang pumayag. Ang totoong pagresign ko ay para umiwas na kay Charles. Kapag nagpatuloy pa ako sa trabaho ko sakanya paniguradong hindi na ako makakakilos ng maayos dahil maiilang na ako sakanya.

"Hayy.. mukhang hindi kana papapigil Kai. Pero bat pala hindi nalang ikaw ang personal na magbigay kay Sir Charles nitong resignation letter mo?"

"Ehh kasi.. aasikasuhin ko na kasi ang mga papeles ko wala na kasi akong oras para pumunta sa resto."

"Ahh sige par. Ibibigay ko nalang to bukas" ngumiti naman ako at nagpasalamat.

"Nga pala Kai, alam mo bang lagi kang hinahanap ni Sir sa resto. Lagi niyang tinatanong kung alam ko daw ba kung bat di kana pumapasok. Mukhang malungkot nga yun si Sir eh."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Bakit naman Fred?"

"Ang dami kasing ginagawa ni Sir nung nakaraan. Hanggang ngayon nga eh. Ang dami niyang tinatapos at sobrang busy niya. Nagkaroon kasi ng malaking problema sa isa nilang business. Sobrang napepressure si Sir kasi malaking pera ang nawala sa kanila." Bigla ay parang naawa ako kay Charles.

"Pano mo naman nalaman yan?"

"Sa mga katrabaho natin. Naging mainitin daw kasi yung ulo ni Sir. Iniintindi nalang nila kasi may problema nga. Nung isang araw nagpa meeting nga siya at humingi ng dispensa"

"Kawawa naman pala si Sir Charles."

Nagusap pa kami saglit ni Fred saka umuwi na ako.

Matapos ng may mangyari ay tawag ng tawag siya sakin at text ng text pero lahat ng yun di ko sinasagot dahil sa kahihiyan. Naawa ako dahil sa kaibigan ko parin si Charles. Gusto ko siyang damayan pero mas nanaig ang hiya.

Nagtext ako sakanya na na kay Fred ang resignation letter ko at aalis na ako sa resto. Humingi na din ako ng pasensya.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now