Chapter 4

770 12 0
                                    

17 years ago..

Papauwi na noon ang walong taong gulang na si Charles galing eskwelahan. Hindi niya na hinintay ang sundo niyang kotse dahil minsan ay late talaga ito dumating.

Napadaan siya sa may eskinita na short cut papauwi sa kanila. Una niyang beses dadaan dito kaya naman ay hindi siya pamilyar sa lugar. Mangilan ngilan lamang ang taong dumadaan dito.

Nakauyuko lang itong naglalakad ng bigla siyang mabangga sa harapan ng dalawang bata sa tingin niya ay mas matanda ito ng dalawa oh tatlong taon. Isang mataba at Isang katamtamang katawan na bata.

"Hoy ibigay mo samin ang baon mo na pera kung ayaw mong bugbugin ka namin" sabi ng matabang bata.

"W-wala po akong pera" natatakot na nauutal niyang sabi. Bigla naman siyang kinwelyuhan ng batang may katamtaman ang katawan. Nahulog naman ang salamin niya kaya lumabo ang kanyang paningin sa mga to. Mas lalo pang lumabo ng malapit ng mamuo ang mga luha niya dahilan ng pagkatakot sa mga nambubully sakanya.

Lumapit naman ang matabang bata saka kinuha ang bag niya. Hinagis naman siya ng batang nagkwelyo sakanya at tumulong sa kasama nito na halungkatin ang bag ni Charles.
Wala namang nagawa si Charles kundi tahimik na umiyak habang pinagmamasdan ang dalawa na hinahalungkat ang bag niya at isa isang tinatapon ang laman nito.

"Wala palang pera ha eh ano to" sabi ng batang may katamtaman ang katawan ng makita nito ang baon niyang isang daan. Lumapit naman ito at sinuntok siya. Malakas iyon na siyang nagpaiyak sakanya. Takot na takot na umiiyak si Charles.

"Kunin niyo na po. Wag niyo lang ako sasaktan" pagmamakaawa nito

Ano ba namang laban niya dito. Napaka patpatin ni Charles at napakahinhin kung kumilos. Kaya siya madalas ibully dahil sa kanyang panlabas na itsura. Minsan nga ay sinasabihan siyang bakla dahil sa kilos nitong mahinhin pa sa babae.

Akmang uulitin pa ng batang yun ang pagsuntok sa kanya ng may sumigaw sa likuran nito.

"HOY!" napatigil naman sa ere ang kamao nito. Napamulat naman si Charles at tiningnan kung sino ang sumigaw. Isang batang babae nasa tingin niya ay mas bata sa kanya ng isang taon.Kahit na medyo malabo ay naaninag niya ang bata. Naka suot ito ng sumbrero at malaking tshirt na pang lalaki. Naka paa lang ito dahil nakasuot ang tsinelas nito sa kanyang braso. Madumi din ang mukha nito kaya inakala niyang batang hamog iyong babae.

"At sino ka naman ha" sabi ng matabang bata

"Wala kang pakialam kung sino ako. Matagal na kayong kilala dito dahil sa panghuhuthut niyo sa mga batang estudyante na walang kalaban laban sainyo" matapang nasabi nito. Napanganga naman si Charles dahil sa pinakitang tapang ng batang babae.

"Aba matapang tong isang to ha"

Kinabahan si Charles ng lumapit na ang matabang bata sa batang babae.
Nang makalapit na ito ay akmang susuntukin din nito ang batang babae, grabe at walang respeto ang mga bully na yun dahil Pati babae papatulan.
Tinaas ng batang babae ang manggas ng tshirt niya na animoy sasabak sa malaking gyera.

Mas lalong nanlaki ang mata ni Charles ng sipain nito ang gitnang parte ng batang mataba na ikina sanhi ng pag kakahiga nito na namimilipit sa sakit.Umiiyak na ito sa sakit.Napangiwi naman si Charles sa nasaksihan.

Nagalit naman ang kasamahan nito at dagling lumapit sa batang babae pero biglang may inilabas itong bato sa bulsa at binato ito sa ulo na sumaktong tumama sa noo nito.

"ARAY! TANGNA MONG BUBWIT KA HUMANDA KA SAKIN"

Takip takip nito ang noong may dugo. Lumapit pa ito pero binato ulit ito ng batang babae na siyang nagpaatras dito.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now