Hawak ko ang kamay ni Charles habang kausap niya ang mga dati naming tauhan sa resto sa group video call. Masakit at mabigat man sa loob kelangan naming harapin ito.
"Guys.. una sa lahat gusto kong humingi ng tawad sainyo dahil binigo ko kayo" sabi ni Charles at ramdam ko ang pagpisil ng kamay niya sakin.
"Ginawa natin lahat ng effort para mabalik sa dati.. but we failed. For now magsasara muna ang resto.." narinig kong may nagiyakan sa video. Alam kong maging si Charles ay nagpipigil rin ng luha. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Kelangan kong ipakitang matatag ako para sa kanya.
"Don't worry guys magbibigay parin ako ng financial assistance sainyo para panimula niyo habang tigil operasyon ang resto. I'll still do my best para maging maayos ulit ang lahat. And sana kapag... kapag naging okay muli ang ang resto sana available pa kayo para muling bumalik samin"
"Maraming salamat po sir Charles sa lahat lahat"
"Makakabawi rin po kayo"
"Solid parin ako sainyo sir Charles"
Sabi ng mga dati naming empleyado.
Pagkatapos ng tawag ay napabuntong hininga si Charles at hinarap ako. Nilagay niya sa pisngi niya ang hawak niyang kamay ko.
"I'm sorry Love ha. Nadadamay ka sa stress ko. Nakakasama pa naman yun sa baby natin, sorry talaga" sabi niya.
"Ano kaba asawa ko okay lang naman kami ni baby. Sinusunod ko naman yung bilin ng doktor at itong nangyayari satin iniisip ko ang positibo na mangyayari hindi yung mga negatibo kaya huwag kana mag alala" sabi ko at ngumiti.
Niyakap niya ako at ramdam kong kahit papano ay gumaan gaan na ang pakiramdam niya.
"Alam ko na asawa ko.." sabi ko pagkatapos kong kumalas sa yakap.
"Hmm? Ano yun Love?"
"Ano kaya kung mamasyal tayong tatlo? Para naman makapag libang libang tayo" sabi ko kay Charles na buong pusong nakangiti.
"Sige ba Love. Saan ba gusto mo mamasyal?" Sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
"Gusto ko sana sa paborito nating lugar asawa ko. Okay lang ba?" Alanganin kong sabi. Naisip ko kasing hindi pa maayos ang sitwasyon namin lalo na hanggang ngayon hindi parin namin alam kung nasaan si Alissa.
Matagal nagisip si Charles..
"Sige Love.. if that's what you wanted"
"Salamat asawa ko. Basta ngayon tigil ka muna sa trabaho para kapag nagtrabaho ka ulit bukas, mas makakapagisip kana ng mabuti kung paano mababalik sa dati ang resto"
"Oo nga Love. Thank you for always cheering me up. I love you so much" sabi niya sabay halik sa labi ko.
"Walang anuman asawa ko. Mahal na mahal din kita." Sabi ko at siya naman ang hinalikan ko ng matagal sa labi.
-------
Nang sunduin na namin si Lilac sa skwelahan ay ipinagpaalam muna namin siya sa kanyang teacher para umabsent ngayon. Alam kong pati ang anak namin ay nakakaramdam ng lungkot kaya ngayon ay ginawa muna naming family day.
"Mommy Daddy where are we going po?"
"Mamasyal tayo baby. Its our family day today" sagot ni Charles
"Really daddy?" Tuwang tuwa na sabi ng anak namin.
"Excited na excited na ang baby ko" sabi ko sabay kiliti sa kanya.
Naglibot libot kami sa bagong lugar namin para kahit papano ay maging panilyar naman kami rito. Kapag may pasyalan ay pupunta kami at mag pipicture.
Kumain rin kami sa isa sa sikat na sikat na kainan rito. Busog na busog kaming tatlo lalo na ako at ang dami kong kinain.
YOU ARE READING
I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13)
RomancePossible nga kayang magkagusto ang isang tomboy mula pagkabata sa isang lalaki na naging matalik niyang kaibigan? Kassandra a.k. a Kai ay isang tomboy at naging kaibigan niya si Charles dahil sa isang insidente noong mga bata pa sila. Paglipas ng t...