Chapter 28

451 12 0
                                    

Author's POV


Kinaumagahan...

Nang maalimpungatan si Kassandra ay napansin niyang may kamay na nakayakap sa tiyan niya. Agad niyang inalis ang kamay ng asawa. Shit may nangyari sa kanila kagabi sa kalasingan niya. Nainis siya at dali daling nagsuot ng damit. Pinuntahan niya sa kwarto ang anak na tulog na tulog.

Hinalikan niya ito sa noo at hinaplos ang buhok.

"I'm sorry anak..." sabi niya. Napabuntong hininga naman siya.

Bumaba na siya at nagluto na ng agahan. Pagkatapos ay umalis na ulit siya sa bahay nila at pumunta sa isang lugar.

-------

Pagkagising ni Charles ay wala na sa tabi niya ang asawa. Tiningnan niya ang oras at alas syete na. Naligo na siya at nag ayos ng sarili dahil papasok pa ang anak nila.

Bumaba na siya at nakita niyang may nakahain na sa mesa na pagkain. Napangiti siya kahit papano dahil kahit na naging malayo bigla ang loob ng asawa niya ay hindi parin nito nakakalimutang maghain ng pagkain.

Ginising niya na ang anak para sa pagpasok sa skwelahan.

"Daddy nakausap mo na po ba si mommy?" Tanong ng anak niya habang binabaybay nila ang daan patungo sa skwelahan.

"Hindi pa baby eh. Kagabi kasi may inasikaso ang mommy mo kaya gabi na siya nakauwi" pilit na ngiti niyang sabi sa anak.

Ngumiti nalang ng malungkot ang anak niya at tumingin nalang sa labas. Kahit ang anak niya ay miss na miss na ang mama nito. Sa isip ni Charles ay mejo naiinis siya sa asawa dahil bakit hindi nito sabihin kung anong problema at nadadamay pa ang anak nila. Napabuntong hininga nalang siya sa mga naiisip.

Pagkahatid sa anak niya ay hindi muna siya dumiretso sa opisina nila. Pumunta muna siya sa paborito nilang lugar ni Kassandra. Naupo siya at pinagmasdan ang napakagandang tanawin. Napatingin siya sa may gilid niya at naalala ang huling punta nila ditong tatlo. Masaya silang naguusap ni Kassandra habang pinagmamasdan ang anak nilang naglalaro sa damuhan. Naiimagine ni Charles na nasa harap niya ang asawa at matamis itong nakangiti sakanya. Napangiti siya sa imahinasyon niya. Pumikit siya at ninamnam ang dampi ng hangin sa mukha niya. Napaka presko. Napakasarap sa pakiramdam. Tinext niya ang asawa na nasa paborito nila siyang lugar. Nagbabakasakali na dumating ang asawa.

"Ahh kuya excuse me po" napamulat siya ng may biglang nagsalita sa harap niya.

"Ahh gusto ko lang sana tanungin kung may pantawag ka po? Naiwan ko kasi yung cellphone ko sa bahay sa pagmamadali ko. Urgent lang po sana"

Napakunot noo naman si Charles. Marahil ay isa itong babae na nagpapansin lang sa kanya. Tiningnan niya ang babae. Siguro ay nasa edad 22 palang ito. Nagmamakaawa ang mukha nito kaya sa huli ay pinahiram niya na ang cellphone niya.

"Salamat po kuya" sabi ng babae at agad na nagpipindot sa cellphone niya. Hinayaan niya nalang ito.

Hindi sinasadyang mabasa ng babae ang text messages ni Charles kay Kassandra.

"Kawawa naman si pogi," bulong na sabi ng babae.

"Tapos kana ba miss?"

"Ah oo kuya. Hindi kasi sumasagot kaya tinext ko nalang. Sige salamat po" sabi ng babae at binalik na kay Charles ang cellphone.

Tumayo na si Charles at naglakad na paalis.

"Sungit. Pasalamat ka gwapo ka. Pero sayang may asawa na pala si pogi" sabi ng babae ng makalayo na si Charles.

Ng mawala na sa paningin niya si Charles ay naalala niya na naman na naiwan siya sa tour nilang magkakaibigan.

"Pano na kaya to. Wala pa naman akong pera" sabi ng babae. Naisip niyang sundan ulit si Charles. Tumakbo siya at pasalamat siyang nasa harap palang ito ng kotse niya. Samantala si Charles naman ay tinatawagan ulit ang asawa niya subalit hindi niya parin ito macontact.

Huminga ng malalim ang babae at kinalabit si Charles sa balikat. Tumingin naman dito si Charles at napakunot noo.

"Pasensya na po kuya. Kakapalan ko na po ang mukha ko pero pwede po ba ako makisabay sainyo? Kasi po wala po talaga akong dalang pera naiwan ko lahat sa bahay. May tour sana kami ngayon kaso naiwan ako. Promise kuya babayaran nalang kita"

Kumuha si Charles ng 200 at binigay sa babae.

"Mag commute kana lang miss." Sabi ni Charles at tumalikod na.

"Kuya pano ko to mababayaran?" Muli siyang hinarap ni Charles.

"No need. Bigay ko na yan sayo" sabi niya at sumakay na sa kotse. Napabusangot naman ang babae. Napaka antipatiko porket gwapo sabi niya sa isip niya.

Biglang naalala ng babae na hindi pala siya marunong mag commute. Dahil buong buhay niya ay lagi siyang hatid sundo ng daddy niya.

"Hayy bahala na nga"

----------

Binabaybay na ni Charles ang daan papuntang resto. Nainis siya sa babae kanina dahil napakakulit nito. Gusto niya sana mapagisa kanina pero bigla bigla iyong sumulpot.

Pagkarating ay binati siya ng mga empleyado niya.

"Sir Charles" pagtawag sa kanya ni Fred. Tumigil siya at tiningnan ang lalaki.

"Heto po pala yung huli kong bayad sa motor ni Ma'am Kai" tumango lang siya at kinuha ang pera. Gumayak na siya papuntang opisina niya.

Napansin naman ni Fred na wala sa mood si Charles. At ipinagtataka niya dahil hindi na pumupunta dito ang kaibigan niya. Tinext niya si Kai para kamustahin.

"Hoy par kamusta.. bat di na kita nakikita rito sa resto?" Text niya sa kaibigan.

Pagkapasok ni Charles sa opisina ay lutang na lutang na naman ang isip niya habang tinitingnan ang mga reports sa laptop niya. Bawat sulok ng opisinang ito ay naalala niya ang asawa niya. Kahit san yata siya pumunta ay laging si Kassandra ang nakikita niya. Sa muli ay nalungkot na naman siya. Pilit niyang ipinokus ang sarili sa trabaho dahil may isang customer na nagpa reserve ng resto nila at kelangan niya iyong tapusin.

------
Pagkarating niya sa eskwelahan ay hindi niya nadatnan ang anak. Tinanong niya sa guro nito pero ang sabi ay sinundo na ng mommy nito. Napangiti naman siya. Ilang linggo na hindu ginagawa iyon ni Kassandra, kaya sobrang saya niya.

Pagkauwi sa bahay ay nadatnan niya ang asawa. Nagulat siya dahil gabi na ito kung umuuwi.

Agad siyang lumapit sa asawa at niyakap ito. Miss na miss na niya ito ng sobra. Pilit naman na kumalas ang babae.

"Ano ba Charles bitawan mo nga ako." Binitawan siya ni Charles at hinawakan sa balikat.

"Love please.. magusap tayo. Ayoko ng ganito tayo." Pagsusumamo ni Charles sa asawa. Walang emosyong tiningnan lamang siya nito.

"Aalis ako."

"Love please naman oh. Bakit ba tayo nagka ganito? Ano bang problema? Please sabihin mo naman sakin. Huwag naman ganito oh. Kahit si Lilac ay nahihirapan din na ganyan ka" Sabi ni Charles sa malungkot na boses.

"Hayaan mo muna ako Charles. Gusto ko munang makapag isip isip."

Napabuntong hininga naman siya.

"Mahal na mahal kita love. Please don't hurt us like this" naluluha niyang sabi sa asawa. Umiwas naman ng tingin ang babae. Pinipigilan ang sarili. Halo halo ang nararamdaman ni Kassandra.

"Gusto ko munang huminga sa relasyon na to." Pagkarinig ni Charles ng sinabi ng asawa ay animoy tumigil ang mundo niya.

"W-what? Anong sinasabi mo love? Nakikipaghiwalay kana ba sakin?" Mas humigpit ang hawak ni Charles sa balikat ni Kassandra.

"Ewan ko. Hayaan mo muna ako" sabi ng babae. At tinalikuran siya. Nanghina si Charles sa narinig sa asawa. Sa muli ay iniwan na naman siya nito.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now