Chapter 44

438 14 6
                                    

Author's POV

"What are you doing here?" Tanong ni Charles kay Ash. Lumapit naman si Charles sa asawa at hinalikan sa noo.

May kung anong inis naman na naramdaman si Ash sa nakita. Samantala nagpaalam na muna si Fred na may gagawin upang hindi siya makaistorbo.

"I'm here to visit you. Its been a month since huli tayong nagkita. I just wanted to talk to you" sabi ni Ash na isinawalang bahala na naroroon ang presensya ni Kassandra.

"Look Ash, aalis rin kasi kami agad ng asawa ko dahil marami pa kaming aasikasuhin" tatalikod na sana si Charles at Kassandra ngunit pinigilan ni Ash ang kamay ni Charles.

"But Charles"

Napatigil naman ang dalawa. Napakunot noo naman si Kassandra at inalis ang kamay ng babae sa asawa.

"Teka nga miss.. punong puno na ko sayo ha. Mahina kabang umintindi? Bat ba habol ka ng habol sa asawa ko? Para sabihin ko sayo ha hinding hindi ko hahayaang maagaw mo ang asawa ko sakin!" Galit na sabi ni Kassandra.

Nung una ay nagulat si Charles ngunit nakaramdam siya ng mumuting kilig ng sabihin iyon ng asawa niya. Naramdaman niyang nagseselos ito at ayaw nitong maagaw siya ng ibang babae. Pigil ang ngiti ni Charles dahil ayaw niyang pagkamalan siyang baliw ng mga taong nasa paligid niya na nakangiti siya habang nagkakaroon ng tensyon ang asawa niya at si Ash.

"Really huh? Wala ka ngang ibang ginawa kundi pasakitan siya at-" hindi na naituloy ni Ash ang sasabihin dahil pinigilan na siya ni Charles.

Ang ilang empleyado naman sa resto ay rinig ang mga pinaguusapan nila at nakikiusyuso. Sinita naman ito ni Fred at sinabihang bumalik na sa trabaho.

"Hey hey.. enough." Napabuntong hininga si Charles at napag desisyunang kausapin na ang babae.

"Okay Ash. Lets talk"

Nanlumo naman si Kassandra pagkarinig ng sinabi ni Charles. Nainis siya dahil paano kung maagaw nga ng babaeng iyon si Charles? Ayaw niya iyong mangyari lalo pat mahal na mahal niya na ang asawa.

"Pero asawa ko.."

"Don't worry Love. We'll just talk. I promise you hinding hindi ako gagawa ng ikakasama ng loob mo. We'll talk to finish this issue okay? I'm only yours. I love you" pagpapagaan ni Charles sa loob ng asawa.

Tumango naman si Kassandra at hinalikan siya ni Charles sa labi bago ayain si Ash papuntang opisina niya.

Nang masaksihan iyon ni Ash ay animo'y parang piniga ang kanyang puso. Pinigilan niya ang luhang nagbabadya. Sobrang nasasaktan siya.

Pumasok na nga sila sa opisina. Nakatayo lamang sila at saglit na namayani ang katahimikan.

"Look Ash.. I know and appreciate ang pagiging concern mo sakin. But please.. don't worry because I'm okay now. Don't tell any bad things about my wife"

"Sa tingin mo ganun lang yun kadali ha Charles? I seen everything! She hurted you! What if  linoloko ka niya? What if sumama ulit siya sa ex niyang babae?"

"Ash.. hinding hindi na yan mangyayari okay?"

"At paano ka nakakasiguro ha?"

"Enough!"

Napatigil si Ash sa sigaw ni Charles.

"I'm sorry" sabi ni Charles at nagbuntong hininga.

"Charles.. i love you. I really do. I don't want you to get hurt again. Please let me do that" napaiyak na si Ash.

Nainis siya dahil unang pagibig niya ay ganito pa ang nangyari. Bakit sa lalaki pang pamilyado na siya nagmahal.

Naawa naman si Charles sa babae. Nais niya sana itong icomfort kagaya ng pag comfort nito sa kanya noong panahong nasasaktan siya ngunit ayaw niyang bigyan ng pag asa ang babae.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now