Chapter 42

497 16 4
                                    

-xTinayy-

hey guys! alam ko nainip kayo kakahintay dahil busy rin ang inyong author sa sarili kong buhay. Sabi ko nga sainyo Patience is the key.

7k reads na tayo! Thank you sa mga nag follow and votes. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako pinasaya!

keep supporting guys and enjoy reading!





















Masayang masaya ang pamilya nila Charles at Kassandra ng malamang sa wakas ay gising at maayos na ang kalagayan ni Charles. Nagpasalamat sila ng sobra sa Diyos dahil dininig ang kanilang dasal.

Samantala ay higit na masayang masaya si Charles habang pinagmamasdan ang asawa na nagaasikaso ng pagkain niya. Hindi niya namalayang nakangiti siya at punong puno ng saya ang mata niya.

"Oh okay kalang ba asawa ko?" Tanong ni Kassandra ng matapos na ito sa pagbalat ng mga prutas.

Asawa ko. Parang nililipad si Charles sa kalawakan kapag naririnig niyang tinatawag siyang ganon ng asawa. Napakasarap pakinggan. Abot tenga ang ngiti niya. Hindi niya akalain na darating pa pala talaga ang araw na to. Mabuti nalang at hindi niya sinukuan ang asawa at lahat ng hirap at pagod niya ay nagbunga.

"Oo love. ayos lang ako. Sobrang saya ko lang kasi mahal mo na ako at ang sarap pakinggan ng tawag mo sakin"

Napangiti naman si Kassandra. Lumapit siya kay Charles at hinalikan ito sa labi.

"Ako rin. Akala ko impossibleng magmamahal ako ng isang lalaki. Pero ayoko lang pala tanggapin ang katotohanan noon na mahal na kita"

Hinawakan ni Charles ang mukha ng asawa. Inalis niya ang sumbrerong nakatalikod na suot nito.

"Pasensya kana asawa ko kung... kung bumalik ulit ang pananamit ko sa dati" sabi ni Kassandra at napayuko.

"Its okay Love. Gusto ko lang makita lalo ang kagandahan mo. I love you" sabi ni Charles at hinalikan ang kamay ng asawa.

"Mahal din kita" sabi ni Kassandra at matamis silang nag ngitian.

Pinakain na ni Kassandra ang asawa ng prutas upang bumalik na ang lakas nito.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at sabay silang napatingin.

"Mukhang naistorbo natin ang lovebirds mama" pabirong sabi ni Tophe kasama ang mama niya at si Lilac.

"Oh ma. Akala ko hapon pa po kayo darating?"

"Nako pano ba naman itong anak mo gustong gusto na makita ang daddy niya."

Inayos na ni Tophe at Aling Karing ang dala nilang pagkain para kay Charles.

Lumapit naman si Lilac sa ama at mahigpit itong niyakap.

"I miss you so much daddy" sabi ni Lilac sa ama na maluha luha.

"I miss you too baby"

Napangiti naman si Kassandra habang pinagmamasdan ang mag ama niya.

"Baby why don't you greet mommy too?" sabi ni Charles.

Tumingin naman si Lilac sa ina.

"Hello po.. mommy"

Naramdaman naman ni Charles ang lungkot ng asawa. Alam niyang may tampo parin ang anak nila sa kanya.

"Baby.. okay na kami ni mommy mo. Mommy promised me na mabubuo na ulit tayong family at hindi niya na tayo ulit iiwan. Kaya baby.. please be good to mommy na ha. Lalo pa bawal ma stress si mommy kasi malulungkot ang kapatid mo"

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن