Chapter 23

495 11 2
                                    

- hello guys! Sensya na ngayon lang naka update. Tinamad lang nung nakaraan. Vote, comment, follow.

Salamat sa mga readers ko.
Enjoy reading!

You can also message me to motivate a frustrated writer like me XD























"Magiingat kayo doon ha" sabi ni mama.
Bago kami pumuntang airport ay dumaan muna kami sa bahay nila mama para magpaalam.

"Opo ma. Kayo din po dito ha" tumango naman si mama.

"Charles ikaw na bahala kay Kai at Lilac. Huwag kayo mag alala at dadalaw dalaw kami ni Tophe sa bahay niyo"

"Opo ma. Tsaka kung gusto niyo po dun din po kayo matulog, may groceries po kami sa ref na iniwan. At heto po" sabi ni Charles sabay abot ng pera kay mama.

"Aba Charles huwag na. Okay na yun na pupunta kami ni Tophe sa bahay niyo para minsan matulog" sabi ni mama at pilit na binabalik ang pera.

"Ma. Huwag niyo na po tanggihan. Para sainyo po talaga yan. Panggastos niyo po habang wala kaming pamilya dito. Pasasalamat ko na din po yan sainyo" sabi ni Charles at ngumiti.

"Charles nakakahiya naman. Sobra sobra na ang naitulong mo" sabi ko sa asawa ko.

"Its okay love. Pamilya tayo. Pasasalamat ko na rin yan kay mama." Sabi niya at ngumiti. Napabuntong hininga naman ako at tumango.

"Oh Tophe huwang mong papabayaan si mama dito ha" sabi ko sa kapatid ko.

"Opo ate"

"Bye po lola mama, bye po tito Tophe" sabi ng anak ko at niyakap si mama at Tophe.

"Oh siya baka malate pa kayo sa byahe niyo. Ingat kayo"

Tumayo na kami at nagpaalam na. Dumiretso na kami sa airport naghintay pa kami saglit. Nang makasakay na kami ng eroplano ay tuwang tuwa ang anak namin. Pumapalakpak pa habang nakatingin sa labas. Napangiti naman ako. Napakaganda ng kalangitan. Naramdaman ko na hinawakan ni Charles ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Punong puno ng kaligayahan ang mata ni Charles habang nakatingin samin ng anak niya.
Ngumiti naman ako. Napagisip isip ko na tama ang desisyon ko na huwag piliin ang sarili ko. Kundi mas isipin ko na ang pamilya ko.

Mahaba habang byahe ang pupuntahan namin. Naisip ni Charles na sa papa niya muna kami sa England bago sa mama niya sa America.

--------------

Nang lumapag na ang eroplano ay naghihintay pala ang papa at bagong asawa nito kasama ang dalawang anak. Sinalubong kami ng yakap.

"Good to see you son" sabi ng papa niya.

Tumingin naman siya sakin at niyakap ako.

"Good to see you too Kassandra. You seemed different. You look prettier" sabi niya.

"Salamat po pa" ngumiti siya at pakatapos ay binuhat niya naman ang apo niya.

"God! I miss you so much my apo" sabi niya at kinurot kurot sa pisngi si Lilac. Tumawa naman ang anak ko.

"Let's go. I'm sure they're hungry" sabi ng asawa ni Pa.

Bumyahe na nga kami papunta sa kanila. Pagkarating namin sa bahay nila ay namangha ako. Napakaganda ng mansion nila. Napakalawak.

"Charles ang ganda pala dito" sabi ko na namamangha. Hinawakan naman ni Charles ang kamay ko.

"Gusto mo iupgrade natin ang bahay natin na ganito love?" Tanong niya.

"Ahh baliw ka Charles, hindi noh. Nagandahan lang ako" sabi ko.

Ginuide na kami ng katulong nila kung san kami matutulog para maayos na ang mga gamit namin.

"Hayyy ang sakit sa pwet" sabi ko sabay higa. Narinig ko naman tumawa si Charles.

"Mommy" tawag ng anak ko.

Bumangon ako at umupo.

"Yes po baby ko?"

"Pwede po ako makipag play kay ate Heather at kuya Xander?"

"Sure baby ko. Basta pakabait ka sa tito at tita mo" tumango tango naman ang anak ko sabay labas dala ang mga laruan niya.

"Love"

"Hmm" sabi ko habang nagaayos ng mga gamit.

"Magluluto daw si Tita Jane. Masarap yun magluto"

"Talaga? Sige Charles. Tutulong na rin ako sa kanya mamaya"




-----------------





Pagabi na at tapos na rin kami magluto ni Tita Jane. Napakabait nila. Nakakatuwa ang papa ni Charles. Napaka strikto sa business pero kapag nasa bahay ay napaka makwento. Ganun din ang mga kapatid ni Charles. Binata at dalaga na rin at napakabait.

Hinanda na namin ni Tita ang hapunan. Nagkwentuhan kami. Lalo na ang anak ko. Napaka daming kwento ng anak ko sa lolo at lola niya.

Matapos ang masayang kwentuhan ay maaga kaming nagpahinga dahil sa pagod sa byahe kanina. Ang anak namin ni Charles ay parang walang kapaguran. Gusto niya daw katabi ang lolo at lola niya kaya hinayaan na namin.

Malamig ang klima ngayon dito sa England. Kaya tinamad na ako maligo. Nahiga na ako at pagpikit ko palang ng mata ko ay antok na antok na ako.

"Love" malambing na tawag ni Charles. Niyakap ako nito mula sa likod ko.

"Charles pagod ako. Gusto ko na matulog" sabi ko at inalis ang kamay niya.

Napahinga naman siya ng malalim. Akala ko aalis na siya. Yun pala ay bigla itong umibabaw sakin.

"Charles sabi ng.." hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng ipasok na niya ang pagkalalaki niya sakin.

"Ahh love, don't worry. I'll do it while you're sleeping" sabi niya habang atras abante ang pagkalalaki niya sakin.

"Takte Charles. Pano ako makakatulog" sabi ko na napapa ungol na rin.

Hindi na siya sumagot at ginawa niya na ang gusto niya gawin sakin. Hindi na nga niya ako pinatulog. Nawala na rin ang antok ko kaya sinabayan ko na rin ang kalibugan ng asawa ko.

----------



Kinaumagahan ay antok na antok ako. Hikab ako ng hikab. Nakakainis kasi si Charles ano oras na naman kami natulog.

Napagdesisyunan nga nila na pumunta kami sa magagandang lugar dito. Manghang mangha naman ako sa kagandahan ng England. Parang panaginip lang na nakapunta ako rito. Makikita mong ibang iba ang lugar na to sa pilipinas. Mejo liberated na rito. Marami rami ang babae na ang iikli ng damit.

Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa mga babae.

"Love? Bat mo sila tinitingnan?" Sabi ni Charles na seryosong nakatingin sakin.

"Ah wala. Ang iikli kasi ng damit nila"

"So? Nagugustuhan mo na ulit ang babae ngayon?" Sabi niya na kunot na kunot ang noo.

"Hindi syempre. Napatingin lang ako sa kanila kasi masyadong liberated ang damit nila" sabi ko. Aba mukhang nagseselos ang asawa ko.

Hindi na siya kumibo at mukhang nawala na siya sa mood hanggang sa makauwi na kami ng bahay.

Mukhang mahaba habang suyuan na naman nito mamayang gabi. Napailing iling nalang ako.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora