Chapter 37

453 13 2
                                    

-Author-

Eto guys mahabang update, bawi ko na to sa mga nagtatyagang naghintay at patuloy na sumusuporta:)
Salamat sa mga nag vote and nag add sa library!

*You can support me by continue voting, commenting, and following*

Enjoy reading guys!


















Matapos na makabawi ng lakas ni Charles ay agad agad niyang pinuntahan ulit ang asawa ngunit gaya ng inaasahan ay muli na naman siyang tinaguan nito at umalis na doon kasama ang babaeng kabit nito. Subalit hindi siya tumigil at muli niyang ipinahanap sa agency.

Kagaya ng dati ay muli na naman siyang nalugmok. Magsisimula na naman siya ulit. Mag iisang buwan na silang hindi maayos ng asawa at habang patagal ng patagal ay para siyang kandilang unti unting nauupos.
Kahit na ilang beses sabihin ni Ash na tigilan niya na ang asawa ay hindi siya makikinig rito.

Napahilot naman siya sa sentido habang naalala si Ash at pangyayaring iyon sa bahay nila. Napabuntong hininga siya dahil kahit alam niyang tama ang sinabi ni Ash noong huli silang magusap, ewan niya ba kung bakit parang niloloko niya ang sarili niya at naniniwala parin siya na mahal siya ng asawa dahil ramdam niya iyon noong maayos pa silang nagsasama. Iyon ang pinanghahawakan ni Charles kung kaya't hinding hindi niya susukuan ang asawa.

Kagaya ng dati ay maghihintay na naman siya sa tawag ng agency kapag alam na ng mga ito kung saang lokasyon ang asawa niya.

"Bat kaya hindi dumaan si sungit" bulong ni Fred sa sarili habang naglalakad sa opisina ni Charles.
Nagtaka siya dahil dalawang araw hinahanap ng babae si Charles ngunit ngayong naririto na ay hindi naman nagpakita ang babae.

Kumatok siya at saka pumasok.

"Sir heto po pala ang reports na pinadala ng accounting" panimula ni Fred.

Tumango naman si Charles habang tulalang nakatingin sa labas at umiinom. Nakaramdam ng awa si Fred sa kaniyang boss dahil ang laki ng ipinagbago ng itsura nito. Kahit na wala siyang alam ay ramdam nyang may problema sila ng asawa niya na kaibigan niyang si Kai.

"Boss mawalang galang na ho" sabi niya kay Charles ngunit hindi naman siya nito pinansin.

"Hindi naman ho sa nanghihimasok ako noh. Gusto ko lang sana itanong kung kumusta na si Ma'am Kai? Kinakamusta ko lang siya sir dahil naging kaibigan ko siya noong panahon na nagtatrabaho pa siya rito. Kaya huwag niyo po sana mamasamain."

Hinarap siya ni Charles. Akala ni Fred ay galit ito ngunit ngumiti ito ng mapait.

"She's fine Fred, i know you're just worried about her kasi naging magkaibigan kayo. If she may happen to contact you, please notice me. Nagkaroon kasi kami ng problema na hanggang ngayon hindi pa namin naayos" sabi ni Charles at nagbuntong hininga.

"Ganun po ba boss. Naniniwala po ako na maayos niyo yan." Sabi ni Fred.

Ngumiti naman si Charles.

"Nga pala boss nung nakaraan pumunta dito si ano nga pangalan non.. Ashley. hinahanap ka" sabi ni Fred. Hindi niya maalala ang pangalan nung babae dahil ang naiisip niyang pangalan ay sungit.

"Really" sabi ni Charles na parang wala lang.

"Fred, you seemed to like her don't you?"

Nanlaki naman ang mata ni Fred sa sinabi ng boss niya.

"Hala boss hindi po" sabi niya na namumula. Napangiti naman ng tipid si Charles.

"Don't deny it. Lalaki rin ako. Alam ko kung pano tumingin sa babaeng gusto ko" sabi niya at sa muli, naalala na naman niya ang asawa niya.

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now