Chapter 34

426 9 0
                                    

Author's POV




Busy ang lahat sa resto para paghandaan ang isang napakalaking event. Maging si Charles ay kahit na araw araw ay wala na siyang gana mabuhay ay pinilit parin ang sarili na kumilos dahil ayaw niyang biguin si Mr. Alfonso dahil isa ito sa tumulong sa kompanya nila.

Habang inuutusan niya ang mga empleyado niya kung anong gagawin ay biglang nag ring ang cellphone niya.

"Yes Hello?" sabi niya sa kabilang linya.

"Sir may nakita ang isang lead namin kung nasaan ang asawa mo. Nakita itong bumili sa grocery store sa Quezon" direktang sabi ng nasa kabilang linya.

Pagkarinig nun ni Charles ay biglang nabuhayan ang buong pagkatao niya dahil sa wakas malapit niya ng makita ang asawa.

"Talaga? Saan siya nakatira ngayon?"

"Sa ngayon po sir yun lang po ang sinabi ng agent ko, nawala daw po kasi bigla dahil madami dami daw po noon yung customer"

Nadismaya naman siya dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung saan nakatira ang asawa.
Napabuntong hininga siya. Okay na rin iyon sa isip niya kahit hindi pa niya alam kung saan nakatira ang asawa at least alam niya kung saang lugar ito ngayon.

"Do as you can. Dadagdagan ko pa ang bayad kapag nahanap niyo ang asawa ko." sabi niya at binaba na ang tawag.

Bumalik na siya dahil malapit ng dumating ang anak ni Alfonso.

Iginaya na ng mga nasa dining ang mga guest kung saan ito mauupo. Napakadaming tao, lahat mayayaman at mga high class.

Napangiti naman si Charles at kahit papaanoy nabawasan ang lungkot niya dahil malapit niya na ulit makita ang pinakamamahal niyang asawa. Habang nakaupo sa may mini bar at pinagmamasdan ang mga tao ay napadasal siya sa isipan na sana ay mapatawad at bumalik na sakanya si Kassandra.

Sampong minuto pa bago dumating ang celebrant ay naisipan ni Charles na ivideo call si Aling Karing para kamustahin ang anak.

"Ma kamusta po?" bungad niya sa kausap.

"Heto okay naman Charles. Halika apo tumawag ang daddy mo" tawag ni Aling Karing kay Lilac.

"Daddy miss you na po" sabi ni Lilac at mangiyak ngiyak na naman ito. Miss na miss niya na rin ito pero ayaw niyang makita siya ng anak niya na gabi gabing lasing at umiiyak dahil sa pangungulila sa ina nito.

"Miss na rin kita baby, mamaya dadaan ako jan okay?" sabi niya. Nagningning naman ang mata ni Lilac dahil dadalaw ang ama niya sakanya.

Tuwang tuwa naman ang bata sa narinig.

"Baby may balita pala ako sayo" masayang sabi niya sa anak.

"Ano po yun daddy?"

"Si mommy mo nasa Quezon, malapit na natin ulit siya makasama" masayang sabi niya ngunit bigla namang nawala ang ngiti ni Lilac.

"Oh baby why po? hindi ka po ba masaya?" takang tanong niya sa anak.

"Hindi po daddy. She left and forget us. Kaya po ayoko na po siya maging mommy" Nagulat naman si Charles sa sinabi ng anak.

"Baby.. that's bad okay? huwag ka magsasalita ng ganyan sa mommy mo. Galit lang si mommy kasi may nagawang bad si daddy pero hindi ibig sabihin nun kinalimutan na tayo ng mommy mo. Love na love niya parin tayo lalo na ikaw. Nagpahinga lang si mommy at babalik din siya baby. Kaya don't be angry to mommy" pangaral ni Charles sa anak. Napayuko naman ang bata at tumango nalang. Nagpaalam na ito at ibinigay na ang cellphone sa lola.

Napabuntong hininga naman si Aling Karing sa narinig.

"Charles totoo bang nasa Quezon si Kai?"

"Opo ma. Nakita siya ng agent na kinuha ko para hanapin siya"

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) Where stories live. Discover now