Chapter 40

443 17 0
                                    

Kinaumagan ay pupunta ulit ako ng hospital, wala man lang text si Cheryl kung nagising na ba ang kuya niya. Napabuntong hininga ako at tinawagan ko si mama upang kumustahin ang anak ko habang papuntang hospital.

"Apo.. halika dito nasa telepono ang mommy mo" rinig kong sabi ni mama sa kabilang linya.

"No. I don't want to talk to her po lola mama" mahina pero rinig kong sabi ng anak ko. May kung anong kirot sa puso ko akong naramdaman.

"Apo diba nagusap na tayo.. hay ikaw talagang bata ka"

Napabuntong hininga naman ako at pinigilan ang luha na nagbabadya na namang tumulo.

"Ma.. dadahan dahanin ko nalang ulit kunin ang loob ni Lilac. Naiintindihan ko naman po kasi na may sama ng loob ang bata sakin."

"Buti pa nga anak.Alam mo naman tong anak mo may pinagmanahan ng katigasan ng ulo. Manang mana talaga sayo" sabi niya habang mahinang napatawa.

Oo nga talagang mana sakin ang anak ko. Kapag nasaktan walang pinapakinggan.

"Oo nga po ma." Sabi ko na pilit rin tumawa.

"Pupunta ka ba ngayon ng hospital?"

"Opo ma. Papunta na nga po ako dun eh. Kayo po ba ma dadaan ba kayo?"

"Oo nak. Maya maya. Aasikasuhin ko lang muna ang mga dapat asikasuhin dito sa bahay at pupunta na kami jan. Isasama ko tong anak mo"

"Sige po ma. Salamat po sa pag alaga kay Lilac"

"Wala yun Kai. Oh siya sige na para mamaya makapunta na rin kami ng hospital"

Pagkatapos ng tawag ay tahimik lang akong nakatingin sa labas ng van. Iniisip ko pa rin si Charles. Sana naman gumising na siya. Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kwintas na suot ko. Muli kong sinuot ito dahil ito ang isa sa mga tanda ng pagmamahal ni Charles sakin.

Bago ako pumunta sa kwarto kung saan na admit si Charles ay dumaan muna ako sa chapel upang manalangin. Manalangin na sana maging okay na ang lagay ng asawa ko.

Nang makarating na ako  sa kwarto ay naabutan kong nandun parin ang mama nila Charles. Nag dalawang isip akong pumasok pero ng tiningnan niya ako at ngumiti, tumuloy na ako.

"Magandang umaga po ma." Bati ko sa kanya.

Tumayo siya at niyakap ako. Nagulat ako dahil kahapon lang ay galit siya sakin pero ngayon ay nakangiti siya at niyakap ako.

"I'm so sorry Kassandra. Mali ako na sinisi kita sa lahat" sabi niya at lumayo sa yakap ngunit hawak niya parin ang kamay ko.

"Ayos lang po yun ma. May kasalanan naman po talaga ako dahil nagpadala ako ng sobra sa galit ko." Sabi ko at napayuko.

"No. He also has a fault. I'm sorry kung ikaw lang sinisi ko sa nangyari" sabi niya at hinawakan ang pisngi ko.

Nanlabo bigla ang mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya na namang tumulo.

Niyakap niya ako at doon na napaiyak.

"Tama na ang pag iyak. Makakasama yan sa apo ko" sabi niya na nangangatal na rin ang boses.

Nang kumalma na ako ay lumayo ako sa yakap. Ngumiti siya sakin.

"Che told me na buntis ka. I'm so happy ng sinabi niya yun sakin."

"Maraming salamat po sa pagpapatawad sakin ma. Hetong nangyari samin ni Charles, ito po ang nagpabukas sa isip ko na... na hindi ko po siya kayang mswala sakin. Mahal na mahal ko po si Charles. Pinagsisihan ko po lahat ng ginawa ko" sabi ko at muli na namang umiyak.

"Maybe it's meant to happen para mas maging matatag kayo ni Charles at ang pamilya niyo. And for you to realize how important Charles in your life." Sabi niya at hinagod ang likod ko.

"Oo nga po ma. Kaya ho pinapangako ko.. pagkagising niya aayusin ulit namin ang pamilya namin." Sabi ko at hinaplos ang tyan ko.

Ngumiti siya at muli kaming nagyakapan.

-----------

Bandang alas onse na ng makarating si mama at Lilac. Hindi ako tinitingnan ng anak ko kung kayat nakaramdam na naman ako ng kalungkutan.

"Baby ko" pagtawag ko rito. Ngunit dumiretso ito sa ama niya niyakap.

Nakatingin pala sakin si mama at mama ni Charles. Malungkot ko naman silang tiningnan.

"Balae what happen?" Tanong ng mama ni Charles.

"Nako. Yang apo natin nagmana jan kay Kai. Ang lakas ng tampo" sabi ni mama at mahinang tumawa.

"Yeah I can see nga balae"

Maya maya pa ay nagpaalam muna sila na sa labas muna upang makabawi at magkaoras kami ng anak ko.

Kinuha ko ang binili kong laruan at paborito niyang tsokolate. Lumapit ako sa anak ko.

"Baby ko" sabi ko. Hindi niya ako tiningnan at nakatingin lang kay Charles.

"Heto oh binilhan kita ng toys at chocolate na paborito mo" sabi ko at iniabot ito sa kanya. Kinuha niya naman iyon

"Thank you po" sabi niya ng hindi parin nakatingin sakin.

Hinaplos ko ang buhok ng anak ko at niyakap ito. Nung una ay pumalag siya ngunit kinalaunan ay tumigil rin.

"Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal ko rin ang daddy mo. Patawarin mo si mommy ha. Promise ko sayo baby ko, hinding hindi ko na ulit kayo sasaktan." Sabi ko.

"Magkakaron kana ng kapatid baby ko. Kaya sana maging mabuti kang ate ha. Promise ko sainyo na hinding hindi ko na kayo iiwan" sabi ko at mas hinigpitan ang yakap.

Walang imik ang anak ko pero ayos lang dahil alam kong may galit pa ito sakin. Unti unti akong babawi sa lahat ng pagkakamali ko sa pamilya ko.

----



Magtatatlong araw na hindi parin gumigising si Charles. Araw araw ko ring pinagdarasal na sana gumising na siya at huwag kaming sukuan.

Ako lang muna ang nandito na nagbabantay sa kanya dahil umuwi muna si Cheryl at mama niya. Si mama at Lilac naman ay mamaya pa pupunta dahil may pasok ang anak ko.

Naisipan ko munang umidlip dahil ilang araw na akong walang maayos na tulog. Inisip kong nakakasama iyon sa baby ko kung kaya babawi muna ako ng tulog.




Maya maya ay may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko.Minulat ko ang mata ko at napatingin sa relo ko hapon na pala at napasarap ang tulog ko.Bumalik ang atensyon ko sa kamay na humahaplos sa buhok ko.Napatigil ako at unti unting napatingin kay Charles. Biglang tumulo ang luha ko ng makita ko itong nakatingin sakin at punong puno ng luha ang mata niya. Tumayo ako agad at hinawakan siya sa mukha. Akala ko ay nanaginip lang ako. Sa wakas... gising na ang lalaking pinakamamahal ko.

"L... love" utal niyang sabi.

Mas lalo akong napaiyak. Akala ko nakalimutan niya na ako. Akala ko mawawala ang alaala niya dahil yun ang isa sa sinabi ng doktor na possible siyang magka amnesia dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kanya at impact sa utak niya.

"Salamat sa Diyos at gising kana Charles" sabi ko sa gitna ng mga iyak ko.


































-Author-

Hi guys! Sorry kung ngayon lang ako nakapag update dahil ngayon lang nakaluwag luwag sa oras. Bibitinin ko muna ulit kayo para mas marami pang mag vote at mag follow hahaha ^^v

Anyways, sobrang thank you sainyo mga readers ko sa patuloy na sumusuporta at sa mga nagvote at nag follow!


Keep voting and following!

I'll make you mine, my Tomboy Wife (R-13) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن