Epilogue

5.1K 259 111
                                    

Epilogue-Quin

Epilogue

Quin

"Quin nasan ka na?" Nakaloud speaker ang phone ko dahil kasalukuyan akong nagmamaneho ng sasakyan papunta kina Alex.

Right, kina Alex. Bitbit ang ilang paper bags diapers, gatas ng bata, toys at kung ano ano pa.

"Malapit na ko."

"Bilisan mo! Miss ka na ni baby!" Sagot nito at naririnig ko pa nga ang iyak ng sanggol mula sa speaker ng phone ko.

Yung nag iisang linya ng aking labi at kunot na noo dahil sa inis at pagmamadali ay napalitan ng pag ngiti marinig ko lang ang cute na cute na boses ni Xyra.

"Okay, I miss her too." Nakangiti kong sagot bago inoff ang tawag.

It's been two years since. Ang dami dami nang nangyari. Kakagaling ko lang sa New York at halos isang buwan ako doon. Kaya naman siguro nararapat lang na ipag grocery ko ang mag ina na naghihintay sakin pabalik.

"Ma'am nandito na po si Ma'am Quin!" Sigaw ng katulong na sumalubong sakin para tulungan ako sa mga bitbit ko.

Habang ako naman ay excited makita si baby. Kaya nang matanaw ko si Alex na lumabas ng kwarto bitbit si Xyra ay naglakad ako ng mabilis at inagaw dito ang bata. Mabilis ko itong hinalikan sa matambok nyang pisngi na basang basa sa laway at luha pero ang bango bango pa rin. Parang automatic ding huminto ito sa pag iyak nung makita ako.

"You miss me baby?" Tanong ko sa bata na nakatingin din sakin at hinahaplos ang pisngi ko. Nasa walong buwan palang kasi ito pero parang marunong na itong kumilala ng tao.

"Thank you Quin! Love you!" Hindi ko napansin na nakanakaw na pala ng halik sa pisngi ko si Alex pagkatapos ay hinatak ako patungo sa living room para doon maupo at kung saan nandun din ang crib ng bata.

"Tsk!" Pinahid ko ng kamay ko yung parte na hinalikan ni Alex na ikinatawa nya ng malakas.

"Don't worry, wala akong lipstick. Geez, takot na takot sa asawa."

Right. I'm married now. Ofcourse with her bestfriend, Dylan. But why am I here? Bakit ako ang nag grocery ng mga gamit ng mag ina? Here, let me explain.

Xera's out of the country for some work. Naging active na naman sya sa kanyang trabaho bilang model since nagbuntis si Alex hanggang sa nagka baby na nga sila, sya na ulit ang naging busy sa pag tratrabaho.

Pwede namang driver at katulong ang gumawa nito di ba?

Well, kagagawan ito ng magaling kong asawa. Sya ang nag utos sakin na ipag grocery sina Alex. At sya pa mismo ang naglista ng mga bibilhin. Gosh, from New Yorker to grocery shopper real quick. Di naman ako makaangal dahil ayokong manuyo na naman ng isang buong linggo pag nagtampo ito.

"Hindi ako takot. Ayaw ko lang ng may humahalik na iba sakin. Disgusting." I banter back pero mas lalo lang ako nitong tinawanan.

"By the way, you look great pa rin. Di ko talaga masisisi si Dylan kung bigla bigla ka nalang nyang gustong itali para di ka makalabas sa sobrang pag overthink na baka may ibang babaeng lumapit sayo."

Napatingin ako ng matalim kay Alex. "Hey! How did you know about that?"

Oh my gosh. Pati yon pinag kwentuhan ng dalawa? Minsan kasi, ang lakas lakas ng toyo ni Dylan. May pupuntahan akong party and I need to do that for work. Para makakuha ng mga client at makakilala ng ibang malalaking tao. Nakabihis na ako at lahat lahat, biglang ayaw ni Dylan na palabasin ako. Doon lang daw ako sa kwarto at hindi pa nakuntento, tinali pa ako to make sure na hindi ako lalabas. Gosh, ano ba itong napasok ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

QUIN (GxG)Where stories live. Discover now