Quin-20

3.6K 245 114
                                    

Q-20

Dylan

I closed my eyes when I felt Quin's lips on mine.

I was expecting the same type of kiss that I am used in receiving from her. Yung laging pagalit at mapagparusa. Yung akala mo lagi akong may ginawang kasalanan at iyon lang yung paraan para patahimikin ako. And somehow, I am getting accustomed in liking that kiss.

But not right now.

She's not moving her lips. Nakadampi lang iyon sa mga labi ko. Ibang-iba sa mga nauna. Dahilan tuloy para mapamulat ako ng mga mata.

I was greeted by her intense chocolate brown eyes that are staring on me intently. Pakiramdam ko ako yung tinutunaw niyon.

Nilayo ng bahagya ni Quin yung mga labi nya. "Move."

Teka, sinasabihan nya ba akong umurong? Eh, sya nga itong siksik ng siksik sakin.

Akmang tatayo ako para makaurong ng upo nang hatakin ako nito pabalik. Tila sinasadya pa nga na imbes na sa sofa ay sa lap pa nito ako bumagsak.

Hindi ko tuloy malaman kung anong sunod kong gagawin. Bakit ba kasi ang engot ko? Hindi ko man lang naisip na puro kalokohan naman madalas yung tinuturo ni Alex. Gusto ko na lang tuloy lumubog sa kahihiyan.

Animal ka talagang Alex ka! Kasalanan mo 'to!

At sigurado akong kung nandito lang si Alex, kanina ko pa iyon hinahabol ng baseball bat sa sobrang inis.

Naputol lang yung mga iniisip ko nang maramdaman ko yung mga daliri ni Quin na hinahaplos yung labi ko habang mataman na nakatingin doon.

Lalo lang tuloy akong nakaramdam ng pagkailang.

"May gagawin pa pal—"

"No." Putol ni Quin sa mga sinasabi ko. Dama ko pa yung paghigpit ng kapit ng kaliwang kamay nito sa likuran ko habang hinahapit ako palapit. "Move your lips, Dylan. I want a real kiss."

Napaawang na lang yung bibig ko. Ano daw? Inuutusan nya ba ko na halikan sya?

At gaya kanina, unti-unting lumapit na naman yung mukha ni Quin. Pero dahil natataranta na nga ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ay sakto naman na tumama yung noo ko sa noo nya. Pareho tuloy kaming napasigaw.

"Damn." Inis na reklamo ni Quin na nakasimangot na naman habang hinahaplos yung nasaktang noo. "Why are you so clumsy, slow, and stupid?"

Ako naman ay siguradong pulang pula na yung mukha sa sobrang kaba at pagkapahiya.

Naiiyak na nakagat ko na lang yung pang-ibabang labi ko. Masakit din kaya yung noo ko. Bakit ba kasi sya lapit ng lapit? Ang luwag luwag naman kasi ng sofa.

"I just want a real kiss, Dylan. Hindi ko sinabing umiyak ka sa harap ko."

Ayan, nagsisimula na naman syang mairita. Ang simple simple na nga ng pinapagawa nya, di ko pa magawa. Ang engot ko talaga.

Nahihiyang napayuko na lang ako ng ulo habang nilalaro yung mga daliri ko.

"Tsk." Dinig ko pang palatak ni Quin bago kinabig yung pisngi ko paharap dito. Bago ko pa maintindihan kung anong pinplano nito ay huli na.

I am once again under her mercy.

She's claiming my lips in a full searing kiss. Nang hindi ako tumugon ay pinisil nito ng mariin yung baba ko para maibuka ko yung bibig ko. And when I did, she started tasting my mouth.

Not just the typical brushing of lips. It is a full grown-up kiss. Yung dama ko yung bawat paggalaw ng mga labi nito. Yung nakakaliyong lasa ng halik nito na para bang inuudyukan ako na wag magpatalo. The kind of kiss that's owning and marking me. Yung halik na nagpapakilala na pag-aari ako nito at walang pwedeng umagaw na kahit sino.

QUIN (GxG)Where stories live. Discover now