Quin-5

3.1K 200 79
                                    

Q-5

Dylan

Sakit na ng lalamunan ko kakapigil ng luha. Ayaw ko lang naman na mapahiya sa mga nakakakitang tao dito sa labas ng hotel, baka isipin kasi nila wala akong pera at kawawa ako.

Na totoo naman.

I'm down with my last five hundred pesos. Kung gagamitin ko ito pang taxi, wala na talagang matitira at wala pa rin akong mapupuntahan. Iniisip ko nalang na ibenta nalang ang cellphone ko at ilang gamit na mamahalin pero right now, I just need a place to spend the night at.

Until I saw a jeep, nakasulat doon yung lugar kung saan nakatira si Alex before. I know that place, medyo tirahan iyon ng mga mahihirap na tao and for sure, madaming bahay ang papayag magpatuloy sakin sa halagang five hundred just for a night or two.

I immediately grabbed my luggages papunta sa kinaroroonan ng jeepney but this unfamiliar car stopped in front of me. Montik pa nga akong masagi dahil masyado itong malapit sa kinatatayuan ko.

The car door opened kasabay ng pag tataray ko sa kung sino man ang sakay nito.

"Hoy! Montik mo na akong..." But my voiced faltered when a familiar woman stood in front of me. "...masagasaan."

Walang pasabing bigla nalang nitong kinuha ang dalawang luggages ko at inilagay sa trunk ng kanyang sasakyan. Pagkatapos ay pumunta na ito sa driver's side at nagtatakang tumingin sakin.

"Ineexpect mo bang pag bubuksan pa kita ng pintuan?"  Tanong nito na may inis sa boses. Palagi namang ganito si Quin. Mainit ulo at palaging nagsusungit.

But what is she doing right now?

"Ano? Tatayo ka nalang dyan?" Tanong nito muli kaya nataranta ako at basta nalang din sumakay sa kotse nya. Tila narinig ko pa itong bumulong ng 'stupid talaga'.

I sighed. Bahala na kahit sumama pa ko kay maldita. No choice na rin naman talaga ako at walang karapatang mag inarte.

"San tayo pupunta Quin?" Seryoso lang syang nagmamaneho. Hindi sya umimik kaya naalala ko yung kasama nya kanina. "Nasan pala yung babae mo?"

Tinignan lang ako nito ng parang iritang irita pero hindi pa rin umimik. Naiinis yata sa turan ko na 'babae' nya lang iyon.

"I mean, si Mac, nasan yung girlfriend mo?"

Hindi pa rin ito kumikibo at parang walang naririnig. Kumakalam na sikmura ko dahil ngayon ko nararamdaman ang gutom. Nahihiya naman akong mag sabi kay Quin. Baka mamaya tuluyan syang mainis at bigla nalang akong pababain sa sasakyan at iwan nalang basta sa kawalan. She can do that. She did that to Alex more than twice. Sira ulo at walang awa kasi to madalas.

Isa pa, wala naman akong pera. Sumandal ako sa upuan at kinuha ang komportableng pwesto ko. Kahit saan siguro ako dalhin ni Quin, sasama ako dahil wala akong mapupuntahan.

"Kumain ka na?" Makalipas ang ilang minutong byahe ay biglang naitanong nya. Pansin kong nasa tapat kami ngayon ng hanay ng mga mamahaling restaurant.

I bit the inside of my cheek. Gusto kong sabihin na hindi pa ako kumakain kaso natatakot akong mapahiya pag nalaman nyang wala akong pera at sya ang kaylangang magbayad. Baka mamaya ipahiya nya ako kaharap ng mga tao doon sa loob.

"Oo, kumain na ako." I lied.

"Sigurado ka?" Tanong pa nya habang nakahinto pa rin ang sasakyan.

"Tingin mo sakin? Mukha ba akong gutom?" Nakuha ko pa talagang magbiro. Mukha pa naman akong haggard at patay gutom, malamang, mukha na akong kawawa sa paningin nya.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon