Quin-9

3.1K 248 71
                                    

Q-9

Quin

It's 11 o'clock in the evening already nung makauwi ako sa bahay. I was expecting Dylan to be asleep at this hour kaya pagbukas ko ng pinto, hindi na ako nag taka ng salubungin ako ng madilim na living room.

I turned on the light, and headed towards the fridge para kumuha ng malamig na tubig pero ang nakakuha ng atention ko ay ang dalawang plate na nakatakip sa ibabaw ng table. May note pa iyon at nakalagay ay:

"MAY LASON YAN! WAG MONG KAKAININ!"

A smiled formed my lips ay napailing habang ilang beses binabasa paulit ulit ang nakasulat sa note. Naka all capital pa para intense?

Pag tanggal ko ng plate na nakatakip doon, nakita ko ang adobo na walang sauce, at maraming quail eggs with potatoes pa. Hindi ako mahilig sa adobo pero kumalam ang sikmura ko ng makita ang itsura nito. It looks and smells palatable. Lingid sa ineexpect kong hindi nito kayang magluto ng masarap at totoong pag kain.

I removed the plate cover of the other at bumungad naman sakin ang fried rice. Hindi na sya mainit pero mukha rin itong masarap. Amoy na amoy dito ang garlic na nakahalo sa sa ibat ibang sahog na inilagay nya. Amoy palang, nakakagutom na.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong naghahatak ng upuan at humawak ng kutsara para kumain. I didn't realize I was this hungry kundi ko lang nakita ang pagkain na nakahain sa lamesa. Balak ko na nga sanang matulog agad dahil  nakakapagod maging baby sitter ng broken hearted ba barbie.

I scooped my first spoonful of my food ng biglang bumukas ang ilaw kaya mas lalong lumiwanag sa dining area. Hindi ko tuloy natuloy isubo ang pagkain na nasa tapat na sana ng bibig ko.

"Gusto mo nang mamatay?"

Her voice was heard coming from my back.

"Gusto mo?" I asked. Gets ko naman kasi ang ibig nitong sabihin, na may lason nga daw ang pagkain at wag kong kainin.

When I turned my back, I saw her leaning on a wall, naka cross arms. Namumula ang mata na parang kakagising lang, o kakaiyak? She looks mad.

"Buti naisip mo pang umuwi?"

I raised a brow. "Of course uuwi ako. The last time I check, bahay ko to, right?"

Mas lalong sumama ang tingin nito sakin. "Di ba sabi mo maaga ka uuwi?"

Gusto ko sanang mag banter back at sumagot ng sarcastic but for some reason, nakaramdam ako ng guilt. Maaga naman talaga dapat ako uuwi eh. Hindi ko lang maiwan si Kaylee sa ganong kalagayan nito.

Kaylee made me feel something na aaminin kong nagustuhan ko. That something is, she made me feel I am needed. For the first time in a long time, someone out there came to me and ask for my help, even if it's just my mere presence.

Sanay kasi ako na kinamumuhian ng iba at nilalayuan. Nobody wants to befriend me.  Hindi nila ako pipiliing makasama kung may choice pa silang iba. They don't like me, they only like what I can do to them. Job opportunity, money, connection, and fame, you name it. Even sex.

Hindi ako ganon ka big time tulad ng iba but I can build a name, power, and fortune, from scratch because I'm smart.

Siguro kaya pumapayag nalang din ako kay Kaylee kahit may times na naiilang ako sa kinikilos nya, kasi kahit pinapakita kong tinutulak ko sya palayo, hindi sya nagpapaapekto. Pinipili nya pa ring sumama sakin kahit may iba naman syang option.

Na hindi sayang ang oras nya na ako ang kasama. At hindi sya nagmamadali na matapos ang araw. Ibig sabihin, she likes to spend it with me.

I sighed. "Kumain ka na?"

QUIN (GxG)Where stories live. Discover now