Quin-12

3.6K 258 112
                                    

Q-12

Quin

"Multi million dollar contract was cancelled because of inefficiency of Ms. Cenvantes in managing models that would greatly impact companies hiring models in our country..."

I put my wine glass on the table and turned off the live news playing on my phone.

Saka ako naglakad sa paborito kong spot dito sa opisina, yung floor to ceiling glass sa likod mismo ng office chair ko kung saan kitang kita ang buong city. Dito ako madalas tumatayo pag gusto kong marelax ang isip ko.

I didn't know why I feel so tired.

Tired of all the bullshits of this modeling industry.

Tired of dealing with clients na maganda nga ang offer, may immoral theme naman.

Tired of my models na gusto lang tumanggap ng tumanggap ng deals lalo pag malaki ang offer, ay wala manlang pakialam sa coverage ng kontrata nila.

That's my job though, but here they are; protesting because of my decision to decline the biggest deal I would ever had after Alex left.

Mula kasi nang hindi na si Alex lang ang minamanage ko, nahihirapan na akong makakuha ng maganda at malaking deals. Ofcourse, Alex has a name na.

Samantalang nag uumpisa palang ang mga hinahawakan ko ngayon.

Lots of my models are calling me now. Cursing me, firing me as their manager, throwing words na hindi rin naman nila alam ang kanilang sinasabi. For them, every opportunity is worth accepting. Para saan pa at naging manager ako kung papayag ako sa lahat ng deals regardless of the theme ng campaign na sasalihan nila?

"Quin!"

Napalingon ako sa likod kung saan nanggaling ang boses ni Dylan.  As usual, may dala itong paper bag na alam kong pag kain.

Dati, hindi ko sya pinapayagan na basta nalang pumasok sa opisina ko ng walang paalam o pasabi. Pero heto ngayon, wala rin akong nagagawa dahil madalas na nya itong ginagawa kaya hinahayaan ko nalang.

Ako pa nga ang nadidismaya pag may mga araw na hindi sya nakakapunta. Parang nasasanay na kasi ako na palagi syang ganito.

"Kain tayo!" Masigla nitong inilapag yung dala nya sa table ko at doon pa nga sya umupo sa table habang inihahain ang mga bitbit nya.

"San mo inorder?" Umupo na ko sa upuan para sabayan na rin sya.

"Niluto ko!" Proud na sabi nya.

"You mean, inorder mo?" I teased. May times naman talaga na sya yung nagluluto. Inaasar ko lang mula ng mabisto kong order pala nya yung iba.

"Niluto ko nga! Promise." Inabutan pa nya ako ng spoon and fork saka umayos ng upo sa upuan.

"Let me guess, sa Antonio's mo inorder?" Matapos kong tikman ang ulam ay muli ko itong inasar.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Niluto ko nga. Pero kung iniisip mong inorder ko sa Antonio's, I'll take that as a compliment "

Hindi ako umimik at tinuloy ko lang ang pagkain.

Napapatingin sya sa cellphone kong sunod sunod na may tumatawag, text, emails at kung ano anong notifications.

"Okay ka lang?"

Maybe she heard the news at syempre, trending na naman ako sa socmed dahil sa pag pull out ko ng contract na malaki sana ang kikitain.

"Yeah. Better than ever." Sagot ko dito.

"I saw--"

I cut her off. "Yung mga hashtag sakin? I'm quite famous, aren't I?" Inunahan ko na ito sa sasabihin nya.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon