Quin-14

3.4K 248 65
                                    

Q-14

Dylan

Maghapon lang kaming nag stay sa bahay ni Quin at nagkulong sa kanya kanyang kwarto.

How did I know? Wala kasi akong ginawa kundi pakiramdam sya sa kabila, kung lalabas ba sya ng room, o aalis ba para sa trabaho katulad ng palagi nyang ginagawa. Nung tanghali naman, nagluto, I mean, nagpa deliver ako ng pagkain pero hindi pa rin ito lumabas ng room nya. Halos ugatin na nga ako kakatok.

May susi ako ng room nya pero hindi ko ginamit dahil last time I did open her door, naabutan ko syang half naked. Naitapon ko tuloy yung hawak kong juice. Nasermonan tuloy ako ng malala.

Baka natutulog sya maghapon kasi halatang pagod at puyat sya kaya hinayaan ko nalang. At ngayon, gabi na. Kakatapos ko lang mag dinner pero hindi pa rin sya lumalabas ng room nya.

Di ko tuloy mapigil na hindi mag alala. Alam kong badass si Quin at kayang kaya nito ang sarili nya. Pero nagtataka din ako sa sarili ko, bakit ganon? Bakit palagi ko syang naiisip?

Tulad ng nangyari kanina. Dapat binubungangaan ko sya ng malala. Aba! Nabastos nya ako. Pero hindi ganon ang nararamdaman ko.  Mas nananaig sakin yung pagdating nya kanina sa meeting para i-save ako sa mga dogs na kameeting ko.

Lately, I'm not okay. May bagay na gumugulo sa isip ko. I've felt it before, akala ko, okay na, nag fade na, pero, bumabalik pa rin pala.

"Where's your best friend?"

Mula sa tahimik kong buhay kung saan kuntento na akong mag sketch ng mga gowns and dress habang bakante sa school, ay tumigil ang mundo ko nang may isang matangkad na babaeng bigla nalang pumasok sa room na pinag tataguan ko. Seryoso ang mukha, nagsasalubong ang maganda at perpektong kilay. Prominent jaws na nagbibigay ng bossy awra nya. At boses na buong buo, kaya mapapatanga ka nalang talaga pag nakita sya.

"Bingi ka? I'm asking you, where's your best friend?" She asked again.

Bigla akong nakaramdam ng takot. Sa boses nito kasi, masyado syang seryoso at mukang walang gagawin na matino.  Tipong pag sumagot ka ng pabalang ay malalagot ka nalang dito.

Kakatapos ko lang umiyak dahil natatakot akong mapagalitan ni ate Athena, pero heto, naiiyak na naman ako sa hindi malamang dahilan.

Kumunot muli ang noo nya nang malipat ang paningin nito sa papel na hawak ko kung saan may naka sketch na gown.  At lumipat ulit ang paningin nya sa isa pang papel na nasa loob ng transparent envelope na nasa tabi ko.

It's my math test paper kung saan, ang score ko ay zero.

Napaka laki pa naman ng pagkakasulat non gamit ang pulang ballpen kaya kitang kita.  That's why, hindi na ko sumama kay Alex mag lunch sa takot na baka hinahunting na ako ni ate Athena ngayon. Paniguradong makakatikim na naman ako doon.

"Stupid." Narinig kong bulong nito.

"Hoy! Maka-stupid to, close ba tayo ha?" Mataray kong tugon dito. Hindi ko nga sya kilala eh pero may idea ako. Sya siguro si Quin, yung crushie ni Alex na pinipilit na nyang iwasan dahil sobrang maldita daw nito.

At nagulat ako ng bigla nitong hablutin ang sketchpad ko at tignan ang mga laman non. Saka sya tumingin sakin ng matalim.

"Where's Alex?" Tanong nya.

"Hindi ako hanapan ng nawawalang Alex!" Mataray ko ulit tugon dito.

She grins. Saka nya pinag punit punit ang mga pads ng sketchpad ko. Wala akong nagawa kundi pagmasdan ang mga piraso non na bumagsak sa sahig kasabay ng pagtulo ng luha ko.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon