Quin-13

3.7K 244 83
                                    

Q-13

Dylan

"It's okay Alex. Mapagtitiisan ko pa naman ang demonyita mong pinsan, slash ex fiance. Pero yung safety mo, hindi makakapag hintay!"

Kavideo call ko si Alex ngayong umaga. Hindi kasi ito natuloy sa pag sundo sakin kagabi. Lilipat na dapat ako sa condo nya at lalayasan na si Quin but something came up last night. Montik na pala syang ma-abduct ng mga hindi pa kilalang grupo ng lalaki. Hindi na rin ako pwedeng tumuloy sa unit nya dahil hindi pa rin safe. Baka daw pagkamalan ako ng mga iyon na sya pag tumira ako doon.

"Yeah, yeah, but I'm safe now. Sorry, hindi ko lang pwedeng sabihin kung nasan ako ngayon for my safety." Halatang kakagising palang nya pero bakit ang ganda ganda pa rin? Wala namang nagbago kundi ang paiba ibang kulay at style ng buhok nya but she's more gorgeous now. Halatang mamahalin.

"Hoy! Dy! Okay ka lang?" Sigaw ni Alex sa kabilang linya. Nag aalala pa yung mukha nya sa screen. Di ko tuloy mapigil na hindi mapangiti. Ang ganda ganda ng bestfriend ko. Sinong hindi maiinlove sa mukhang yan?

"Yeah, I'm okay. Napapatitig lang ako kasi ang ganda mo babe..." Niyakap ko ang tuhod ko habang nakaupo sa upuan sa harap ng vanity mirror. Nakabihis na ako dahil may importante akong meeting mamaya.

I'm working my way up from scratch. Sariling sikap para magkaroon ng pangalan. Pag mag tuloy tuloy yung success ng bagong brand ng perfume na ilalabas ko, mababayaran ko na si ate at makakabalik sa kumpanya namin. At kung swe-swertihin, makakapag tayo na rin ako ng sariking kumpanya. Pero iyon ay kung makokombinsi ko ang investor na tumaya sa paumpisa palang na katulad ko.

"Sheesh Dylan, bakit ngayon mo lang na-realized yan? Sana sinabi mo agad na pinag nanasahan mo ko para tayo nalang dalawa ang nagkatuluyan." Saka sya tumawa ng malakas. Typical Alex. Nakakamiss yung bonding namin lalo nung mga estudyante pa kami na kahit nonsense ng topic, pareho kaming tawa ng tawa at sobrang carefree.

"It's okay Alex. Di pa naman ako tulad nyong bumabaliko. For the record, lalake pa rin ang nasa wild dream ko." Biro ko dito.

"Babe, di ka sure dyan. Nakatikim ka na ba ng lalake?" Tanong nya sa kabilang linya.

"Hindi pa."

"See?" Umupo sya sa bed na parang interesadong interesado sa usapan namin. May yakap pa syang unan. "Hindi mo pa natry sa lalake, at mas lalo sa babae. How would you know right? Did you ever experience kissing a girl?"

Napangiti ako. Yes I did. Alam ko na feeling na mahalikan o makahalikan na babae. Si Quin di ba? Nung kinidnap ako ng mga tao nya, at montik syang mawala sa katinuan. Ay, wala naman pala talaga sa katinuan ang babaeng iyon.

But I dont think Alex knew that.

"I did." Sagot ko.

Biglang nanlaki ang magandang mga mata ni Alex at inilapit pa ang mukha sa camera.

"Hoy! Sino?? Bakit di ka nagsasabi. Who's the girl?" Sunod sunod na tanong nya.

I put my hands under my chin. Halos same sa posisyon ni Alex na akala mo nakikinig ng magandang kwento. "Wala. She's just a random girl, alam mo naman na mahilig akong mag bar."

I lied. Gumawa nalang ako ng kwento kasi kung aaminin ko na si Quin yon, hindi ako makakaalis kakakulit ni Alex sa mga detalye.

"Who's the girl?"

Bigla akong napatingin sa nakabukas na pinto ng room ko kung saan nakatayo ang nakakunot ang noo na si Quin, nakacross arms pa at mukhang iritang irita. Napaka aga, ang sungit sungit na naman ng awra.

"Anong oras ka nakauwi kagabi?" Sa halip sagutin sya, ay iba ang tinanong ko. Kagabi kasi, bigla nalang itong umalis at nagmamadali pa nga. Akala ko pa naman hihintayin nyang dumating si Alex sa pag sundo sakin kasi nga aalis na ako at lalayasan na sya. Medyo nahurt ako doon.

QUIN (GxG)Where stories live. Discover now