Quin-39

3.7K 228 103
                                    

Dylan

"Okay ka lang ba? Ang tahimik mo."

Imbes na sumagot ay sinulyapan ko lang si Quin bago nag-iwas ulit ng tingin. "Oo."

Lalo tuloy nagtataka na umangat pa nga yung kilay nito matapos ibaba yung mga gamit namin sa sofa. Late na kasi natapos yung launching ng brand ng perfume ng bagong produkto ng kumpanya namin ni Ate Athena. Kaya late na din kami nakauwi ni Quin.

"Pagod lang ba yan o may problema tayo?" kalmanteng ulit tanong ni Quin na humalukipkip pa sa harap ko.

Tch.

"Wala. Pagod lang." Hindi ko na hinintay na makasagot ito bago ako nagdirediretsong tumungo sa kwarto namin. Este, kwarto lang pala ni Quin kasi bahay nya 'to.

Hinayaan ko lang na nakabukas yung pinto. Tutal alam ko naman na susunod na din naman din ito. Alangan naman syempre na matulog sya sa ibang kwarto di ba?

"I won't repeat myself thrice, Dylan. Anong problema?" nagpapasensyang ulit ni Quin na ilang segundo nga lang ay pumasok na sa kwarto at inilapat pasarado yung pinto matapos makapasok. "At huwag mong sasabihin na wala dahil kanina ka pa nakasimangot pauwi. Hindi ako sanay na tahimik ka dahil alam ko na may dahilan kung bakit ka ganyan."

"Sinabi na nga na wala nga. Ang kul—"

"Isa pang deny mo na wala nga, sisiguraduhin ko na hindi ka makakabangon bukas ng umaga sa kama na yan pag napikon ako sayo." hindi nagbibirong banta nito na itinuro pa yung malaking kama nito.

At sigurado din ako na hindi talaga ito nagbibiro. Pag sinabi pa naman ni Quin, ginagawa nga talaga nito.

Naiinis na sinalubong ko yung tingin nito bago kagat yung labi na nag-iwas ulit ng tingin. Habang tumatagal kasi na nakatingin ako dito, parang ice cream na natutunaw lang din agad kasi yung dahilan kung bakit ako naiinis.

"Dylan, Isa!" bahagyang may inis na din na sabi pa ni Quin.

"Uhm.." natutulirong pinagsalikop ko yung kamay ko sa kawalan ng sasabihin.

Paano ko ba naman kasi sasabihin dito na naiinis ako dahil alam na nga nito na busy ako kanina dahil nga sa dami ng investors na kinakausap ko. Hindi pa matapos tapos yung mga pinapakilala sakin ni Ate Athena. Feeling ko nga nagpapaltos na yung paa ko dahil sa tagal ko nakatayo at sa walang tigil na pag-iikot ikot kakahatak ni ate.

Tapos ito namang si Quin, sa tuwing lilingunin ko at hahanapin kung nasaan para icheck kung okay pa ba ito o kung hindi pa ba ito nababagot kasi nga normal na yata dito lagi yung pagiging mainipin. Alalang alala pa ako na baka sa sobrang inip ay bigla na lang itong umuwi. Kaso hindi ganoon yung eksena kanina.

Pero sabagay, paano nga naman ito maiinip at mababagot doon sa party kanina kung maya't maya naman yung dating at dikit ng mga babae nito dito? Kahit yata saang sulok ito magtago, tila may magnet na lagi itong nahahanap ng kung sino-sinong babae na may kinalaman dito.

Nung una si Ate Sam. Sumunod si Alex na panay ang kulit at tanong dito kung bakit at paano naging kami ni Quin. Tapos nagpaalam pa ito saglit na aalis muna at iikot dahil ayaw na nitong sagutin si Alex at dahil ayaw nga daw nito ng makulit. Pero, ayon, kahit saang sulok, lagi itong may kausap at kadikit na kung sino sinong babae. Siguro mga model nya o dating mga kafling nya pa.

"Hindi ka talaga sasagot?" inisang hakbang lang ni Quin yung pagitan namin. Madilim na yung mukha nito na hinawakan ako sa magkabilang gilid ng bewang. At feeling ko nga, plano pa ako nitong ibato sa kama sa sobrang inis na din dahil hindi ako sumasagot.

"Girlfriend na kita." Lakas loob na sita ko dito. Inangatan ko din ito ng kilay bago sinabit yung magkabilang braso sa leeg nito. "Hindi mo na ko pwedeng tratuhin na gaya ng ginagawa mo sa iba."

QUIN (GxG)Where stories live. Discover now