Quin-7

3.2K 246 210
                                    

Q-7

Quin

It's 10 in the morning at napangalahati ko na ang trabaho ko para sa araw na ito. Puro emails lang naman, draft of contract, schedules of rehearsals lang ang aayusin.

I stretched my arms and legs. Tumayo muna ako. Hindi pa ako nag breakfast kaya naisip kong bumaba and treat myself a nice meal sa labas.

But then, sa lobby palang napukaw na ang atensyon ko ng isang babaeng pamilyar. Mukhang nakikipag talo ito sa isa pang babae at na may kasama pang dalawang guards.

What's with the commotion and what is she doing here?

Iniwan ko sya sa bahay na tulog pa. Maaga kasi akong umalis para maaga ring matapos ang trabaho ko. Then, why is she here? May kaylangan kaya ito?

"Gusto ko lang kausapin si ate Athena! Mahirap ba yon? Bakit di mo muna kasi sabihin sa kanya na nandito ako! Baka sakali naman na makinig yon sakin!" Galit na sigaw ni Dylan sa babae.

"Hindi nga pwede! Wala ka nang authority na pumasok sa building na ito." Angil naman ng kaaway nya saka ito bumaling sa dalawang guards. "Guard, ano pang hinihintay nyo? Palabasin nyo ang babaeng yan at mang gugulo lang yan."

I crossed my arms and clenched my jaw, and moved my head left and right na parang nag e-exercise. Parang trip ko kasing manuntok sa mukha, too bad, ayaw kong manakit ng babae.

"Nancy? Kung umasta ka akala mo ka kung sino. Mercado ako! May ari pa rin ako ng kumpanya na pinapasukan mo at empleyado ka lang. Aba! Gusto mo yatang mabura yang mukha mo kasama ng makapal mong make up!"

At hindi ko alam kung bakit umangat ng kusa ang sulok ng labi ko sa narinig. I stayed at my post, ayaw kong makialam. Pero gusto kong makinig sa kung ano ang nangyayari sa kanila.

Wala sa sariling napahawak sa mukha nya si Nancy, yung kaaway ni Dylan. Tama naman si Dy, makapal ngang mag make up ang huli.

"Wala ka ngang authority! In short, wala ka nang kinalaman sa kumpanya ng ate mo." Binigyang diin pa nya yung salitang ate. "At in short, hindi na rin kita boss. Kaya tsoo! Alis na."

I looked at Dylan, hoping she could banter back at the girl at wag pumayag na basta nalang magpatalo sa isa.

Ang pula pula na ng mukha nito at parang iiyak na habang masama ang tingin sa babae.

Oh no girl, wag kang iiyak. Yan ang wag na wag mong gagawin. Not here, not now.

Not in front of her. I told myself as if maririnig nya ako. Ayoko lang syang mapahiya pa lalo. Alam ko namang puro kapalpakan ang ginagawa nito sa buhay pero hindi naman ako natutuwa na basta nalang sya ipinapahiya ng iba.

"Ano? Wala kang masabi kasi totoo di ba?" Sabi ulit ng babaeng makapal ang make up.

"Ang kapal kapal ng mukha mo! Kasing kapal ng make up mo!" Sigaw ni Dylan saka nagpahid ng luha. Tumalikod ito at itinulak pa ang mga guard saka sya lumabas ng building.

Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan. I'm disappointed.

Then I just found myself walking towards the direction na tinahak ni Dylan. I just...

I just cant control my feet. Bakit ko ba sinundan ang babaeng ito?

Para sermonan, right.

Hinawakan ko sya sa braso bago pa sya makalayo.

"Dylan!"

Pag lingon nya sakin, may luha pa rin ito sa pisngi kaya bigla syang tumingin sa ibang direksyon para pagtakpan ang kanyang mukha. Balak pa akong takasan dahil pilit nitong binabawi ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ko. Pero mas lalo ko itong hinigpitan.

QUIN (GxG)Where stories live. Discover now