Quin-15

3.4K 268 84
                                    

Q-15

Quin

I opened my eyes, feeling better than last night. Pero hindi pa rin nakakarecover fully ang katawan ko. Malaking tulong lang na hindi na ako nilalagnat tulad kagabi.

I remember last night, I survived the night kahit nag dedeliryo ako sa taas ng lagnat, because someone took care of me. Hugged me too tight dahil nilalamig ako at hindi sya umalis sa tabi ko.

I thought it was Alex.

Then, realization hits me again. Gone are those times na nga pala.

Dylan slept beside me. Hindi na ako nagtaka kung bakit sya nandito. Bukod sa  twing may bagyo o malakas ang ulan, she always sneak into my room at kahit anong pagpapalayas ko, hindi yan aalis kundi mas lalo pa ngang sisiksik sakin.

Because, she's the one who really took care of me last night.

It's 8am pero tulog pa sya. Siguro nga ay napagod at napuyat ito kakaalaga sakin. Binihisan nya pa ako ng bagong damit dahil hindi ko na nagawang magpalit pagkasundo ko sa kanya kahapon.  Pinainom ako ng gamot at pinakain ng soup. I felt better because of her.

Nakatalikod sya sakin at nakatagilid. So I turned to face her back and hug her. Nilalamig pa rin kasi ako kahit mas maayos ang pakiramdam ko.

But then, she moved her shoulder at halatang nagulat nung bigla akong yumakap sa likod nya. Hanggang sa tuluyang syang nagising at nakita nya akong nakaharap sa kanya.

Agad nyang dinama ng likod ng kanyang palad ang noo at leeg ko at kakatwang hinuli ko lang ang kamay nya at mahigpit na itinago sa bandang leeg ko. It's just so comfortable that someone is right here with me.

Sanay kasi ako na kahit may sakit, mag isa lang ako kahit pagkabata. Gumagaling nga ako nang hindi nalalaman ng mom ko na nagkasakit ako. Busy kasi ito masyado sa work pero okay lang. I know I'm tough enough to take care of myself.

Pero iba pa rin pala pag may kasama ka habang may sakit ka. Nakakawala ng takot at sobrang komportable sa pakiramdam.

"Medyo mainit ka pa." Agad umupo si Dylan pero mabilis kong idinagan ang braso ko sa kanyang tyan para di sya matuloy umupo. At wala itong nagawa kundi humiga muna sa tabi ko.

"How are you feeling now?" She asked.

"Better." Sagot ko dito.

"Uhm. Good." Sagot nito at iniaalis ang braso ko sa tyan nya.

"Let me. I like the warmth of your body." Hindi ko hinayaan na tanggalin nya ang kamay ko.

"Uhm, kung nilalamig ka, pwede ko naman hinaan ang AC." Muli nitong tinanggal ang kamay ko sa tyan nya.

Nakakapag taka dahil twing pupuslit sya dito sa kwarto ko, palagi syang nagtatago sa mga bisig ko. Sinasadya nyang ipalibot ang braso ko sa katawan nyo at tila iyon yung ginagawa nyang shield. Sya pa mismo ang kukuha ng braso ko para iyakap sa kanya at magbabalot pa yan ng kumot at unan.

Nakakainis nga nung una kasi ang init. Para kaming nagbabahay bahayan sa dami ng nakapalibot samin. Pati pillow nya sa room nya dadalhin nya pa dito para kumpleto. Pero nung bandang huli, nasasanay nalang din ako at hindi ko na sya pinapaalis.

"Just let the AC." Tinignan ko sya pero hindi sya makatingin sakin.

"Magluluto ako ng pagkain mo para makainom ka ng gamot." Tinanggal nya ang kumot at akmang bababa pero hinawakan ko sya sa braso at pilit na pinapahiga sa tabi ko. "Quin, nilalamig ka pa ba?" Pilit pa rin nyang iniaalis ang sarili sa tabi ko at hindi makatingin sakin.

QUIN (GxG)Where stories live. Discover now