Quin-19

3.6K 258 187
                                    

Q-19

Dylan

"Ano? Kaya pa?" Nanunuyang tanong ng kaklase naming varsity sa basketball pero pang wrestler ang katawan. Partida, babae pa yan. Literal na maangas nakapagsuot lang ng varsity jacket kahit di naman malamig sa gym.

Hingal na hingal akong halos gumapang at sumandal sa wall. Di nga ako makalakad ng maayos sa sobrang pagod. Ayaw talaga sakin ng sports. Masyado akong lampa para dito. Ang bilis ko pang mapagod, pawisan, at kapusin ng hininga na parang hihikain.

Pinunas ko gamit ang braso, yung noo kong namamawis at halos buong muka ko na nga, basang basa na nito. Saka ko kinapa ang duffle bag ko para kuhanin ang tubig na binili ko kanina pero wala akong makapa dito. Hindi ko alam kung saan ko nailagay or baka naipatong ko sa kung saan but I'm so tired to look after it.

Nasan ba si Alex? Hihingi nalang ako ng tubig--

And right after I turned to her direction, I saw her with Quin. Quin put white towel on Alex's shoulder saka nya inagaw yung bottled water kay Alex at sya ang nagbukas nito saka nya binigay sa isa. While Alex is drinking water, Quin wipes Alex's face with towel, saka ito pumunta sa likod nito, and she put that towel inside her tshirt on her back side.

I let out a sigh. Saka ko muling inusisa ang bag ko, looking for a clean towel, kaso, wala na. Puro maduming damit na pala yung natira kasi palit ako ng palit everytime papawisan.

I guess I have to go home dirty and messy with my own sweat. And I guess I have to walk alone again. It's wednesday kasi, and every wednesday, maaga ang uwian so kung saan saan pa pumupunta si Alex at Quin.

Pinilit kong tumayo, at isinukbit sa balikat ang duffle bag. Para akong hihimatayin sa uhaw at pagod kaya kaylangan ko pang dumaan sa cafeteria para bumili ng malamit na tubig.

At sakto naman, pag talikod ko, nabunggo ko yung mayabang na babaeng naka varsity jacket na hindi naman kagandahan pero feeling nya siguro, astistahin sya dahil sa varsity jacket nya. Sus, mukha syang boksingera.

Okay na sana, kaso natapunan ng juice na iniinom nya yung pinagmamalaking jacket nya.

Napatingin sya doon at di makapaniwala, at nanlilisik ang matang bumaling ang tingin sakin. "Tangina kang lampa ka! Tignan mong ginawa mo sa jacket ko!" Sigaw nito habang papalapit sakin at gusto akong tirisin. "May lakad ako, hanep naman oh, may victory party kame tapos dahil sa katangahan mo.... Dude, ang tanga mo, alam mo ba yon?!"

Naibato nya sakin yung juice na hawak nya na nakalagay sa plastic cup. Ang lamig nga dahil sapol ako sa dibdib, may yelo pa man din yon.

Ang lamig pero di ako nakareact agad kasi mas nangibabaw sakin yung pagkapahiya. Lalo pa't ang daming tao dito sa gym ngayon.

Napahawak ako sa thirt kong basa para ilayo ito sa aking balat lalo sa bandang dibdib. Marami pang sinasabi si ateng mukhang sumo wrestler pero hindi ko na napapakinggan. Pigil na pigil akong wag tumulo ang luha sa nangyayari sakin ngayon.

"Fvck you ka! Tanga--ouch....ouch masakit ano ba!!" Sigaw nito kasabay ng impit na pamimilipit ng braso na inikot ni Quin dahilan para mapaluhod ito sa sahig.

"Sino ka? Di mo ba ako kilala-- Aaaray! Hoy!" Sigaw nito muli pero mas lalo lang pinilipit ni Quin yung braso nya.

"Before anything else, mukha kang bisugo. Girl, hindi mo ikina cool at ikina ganda yung varsity jacket na suot mo. Mukha kang turon na binalot sa foil. Nagmukha kang inihaw na bangus."

Gasps from students were heard around the area. Hindi ko na napansin na ang dami nila and we've created quite a scene na. But I felt not so alone now.

QUIN (GxG)Where stories live. Discover now