Quin 36

3.8K 227 25
                                    

Q-36

Quin

FLASHBACK

It's March, patapos na ang school year at magsisimula na ang summer. Papaano ko na naman kaya aaksayahin ang oras ko? Panigurado, mag isa na naman ako sa bahay dahil busy naman si mama sa trabaho. Nabanggit ni Alex na magbabakasyon sila ng pamilya nya sa isang probinsya kaya baka hindi rin kami magkasama.

I sighed. Nakakalibang panoorin ang  mga dahon ng puno habang isinasayaw ng hangin sa pag uumpisa ng tag araw. May ilan na nalalaglag sa damo, at ilan na basta hinahangin nalang hanggang sa mawala sa kawalan. Napayuko ako sa test paper kong hindi ko na sinagutan ang kalahati dahil alam kong pasado na ako ngayong taon. Kung sasagutan ko lahat, baka masali ako sa top 10 na pinaka ayaw ko dahil wala naman din akong kasamang aakyat sa stage.

Muli nalang akong tumingin sa bintana habang hinihintay matapos mag exam ang mga bobo kong classmates at patuloy lang na lumilipad ang utak sa kung saan.

Ang ilan sa mga kaklase ko ay nasa labas na at masayang nag kukwentuhan tungkol sa mga sagot sa exam. Tch! Walang respeto sa mga bobong naiwan sa classroom na tagaktak na ang pawis, wala pa ring maisagot.

Mula sa panonood sa puno sa labas ay wala sa sariling napokus ang atensyon ko sa isang babaeng naubusan na yata ng dugo sa mukha sa sobrang pamumutla. I bet, wala syang maisagot at dito nakasalalay ang grades nya kung papasa sya sa subject na ito o hindi. Kawawang nilalang.

Dalawa nalang kaming naiwan sa classroom na hindi pa nag papasa ng papel. Ako dahil, gusto ko lang. Wala naman akong gagawin pagkatapos ng klase. Sya naman, dahil, mahina lang talaga ang utak nya.

Napatingin sya sa paligid at nakahinga ng maluwag ng makitang hindi sya nag iisa sa classroom. Samantalang ang prof namin ay bagot na bagot kakahintay matapos ang oras.

Ang cute nya palang magpunas ng pawis sa noo, mag paypay gamit ang kamay habang nakasubo sa bibig yung dulo ng pencil nya at titig na titig sa exam paper nyang hindi pa rin matapos tapos sagutan. Isama pa ang buhok nitong naging messy na tignan kakakamot nya ng ulo pag hindi alam ang isasagot.

I crossed my legs, and arms while tilting my head habang pinapanood ang kawawang nilalang. Surprisingly, I was amused. I was smiling without even noticing it.

"Last 5 minutes!" Sigaw ng prof.

Napatingin si Dylan sa teacher namin at tarantang napapadyak ng bahagya ang mga paa sa sobrang kalituhan at pressure sa exam.

Napangiti ako at napatingin sa test paper ko. At saka ako nagsimulang sagutan lahat ng tanong na iniwan ko kanina para nga hindi ko ma perfect ang exam. At dahil hindi ko pa naisusulat ang pangalan ko, hindi ko alam kung bakit eto ang inilagay ko.

DYLAN CER...

Saka ko binura yung surname at montik pa akong mamali. Inulit ko ito at ang inilagay ko ay

DYLAN MERCADO
G-12-Diamond

Napangiti pa ako dahil maiyak iyak na si Dylan sa pag aakalang babagsak na ito. Malungkot itong tumayo at dahan dahang magtutungo sa table ng teacher kaya mabilis akong tumayo at sinabayan ko ito. Bago nya pa mailapag ang papel nya sa table ay mabilis ko itong kinuha at saka ko ipinatong ang papel na hawak ko.

"Hoy! Test paper ko yan!" Angal nya sa ginawa ko. "Ma'am!"

Agad kong ibinulsa yung papel nya.

"Ano yon?" Mula sa pagtingin sa cellphone ay lumingon samin ang prof.

"Si Quin po kinuha ang test paper ko." Sumbong ni Dylan.

QUIN (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon