CHAPTER 31

41 2 0
                                    

It's almost 1 o'clock pero di pa rin kami nakakakain ni Vaughncent hanggang ngayon. Ano ba naman kasi, panay niyang sinasabi na hindi pa daw siya nabubusog sa "appetizer" niya. Jusko! Ginawang appetizer ba naman ang labi ko! Kung hindi ko pa siya pinilit na kumain na, hindi niya tatantanan ang labi ko.

Kaya lumabas na muna ako ng opisina niya at pumunta ng restroom para mag-ayos. May sariling bathroom naman daw ang opisina ni Vaughncent pero ayoko nga. Baka mamaya saan pa kami umabot, charot!

Nang matapos ay sumakay na ako ng elevator dahil nagugutom na rin ako. Papasara na sana ang elevator ng may biglang pumasok na dalawang babae. Ngumiti sila sa akin at nginitian ko rin sila. Nasa unahan ko sila kaya nakatalikod sila sa akin.

"Kumusta pala ang meeting niyo kanina?" tanong nung babae na nakatayo sa kaliwa ko. I don't want to eavesdrop but I can totally hear their conversation because they're both speaking loud.

"Di pa rin ina-approve eh. Baka nga matagalan kami. Pero wala namang mas better pa na venue sa Diamante Hotel, diba? Ewan ko kay sir Cabreza kung bakit ang tagal niyang mag decide." sabi nung nasa kanan ko. Did I heard it right? Did she just mentioned my hotel?

"Oo nga. Halos lahat daw ng nasa meeting kanina eh boto sa Diamante Hotel?"  tanong nung nasa kaliwa ko.

"Oo. Diamante Hotel na kaya ang pinaka sikat ngayon. Maraming mga bigatin and even models na rin ang naka-stay dun. Teka, nakapasok ka na na dun?"

"Wala pa eh. Ikaw ba?"

"Oo pero isang beses lang. May pinsan kasi ako na nagtatrabaho doon and may hinatid lang ako sa kanya that time. But you know what? Sobrang ganda talaga ng hotel na yun! Ang laki pa! Aakalain mong nasa ibang bansa ka sa sobrang ganda at linis!"

I pressed my lips to hide my smile.

"Wow! Talaga ba? Nakaka-inggit ka naman." nakanguso niyang sabi.

"Kaya nga todo convince kami kay sir eh. Kasi feeling namin, papatok at sisikat talaga ang new product natin kapag doon sa Diamante Hotel natin ila-launch." huling sabi nung babae bago bumukas ang elevator. Lumabas na sila at ako ang naiwang mag-isa.

Ilang segundo lang ay nakarating na ako sa floor ng opisina niya. Habang naglalakad pabalik ay napapa-isip ako. May bago silang ila-launch na product and di pa sila nakaka decide kung saan ito ihe-held? But, according to that girl earlier, halos lahat daw ng teams ay sang-ayon sa Diamante Hotel. So bakit si Vaughncent lang ang hindi? Is he against of their idea?

Pumasok na ako ng opisina niya at nakita ko siyang nag-aayos ng pagkain namin.

"You're here. What took you so long?"

"Madami kasing tao sa restroom." pagdadahilan ko bago umupo sa tabi niya. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko bago ibinigay sa akin.

"Let's eat." nakangiti niyang sabi bago nag-umpisang kumain. Kumain na rin ako.

Ilang minuto lang ay tapos na akong kumain habang siya ay hindi pa. I brought chicken adobo, fried fish and rice for us. Simple meal pero sobrang nabusog ako. Pero siya, mukhang sarap na sarap siya sa niluto ko.

"You look like you haven't eaten for a week." natatawa kong sabi. Mukhang balak niya kasing ubusin lahat ng dala ko.

"You're a nice cook, Sepphie. You deserve to see this boxes empty." aniya, tinutukoy ang mga tupperware na pinaglagyan ko. Napangiti ako dahil nagustuhan niya ang niluto ko.

Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siyang kumain. Siya na rin ang nag ligpit ng pinagkainan namin dahil ayaw niyang mapagod daw ako. As if naman di ako sanay sa gawaing bahay.

She's A PlaygirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin