CHAPTER 3

32 1 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong umalis ng mansion dahil bibisitahin ko ang isa sa kompanyang iniwan ni Sir Alxandres, ang FoodaBest Inc.

Isa itong business tungkol sa mga pagkain. Gumagawa ang kompanya niya ng iba't ibang klase ng pagkain na puros masusustansya at affordable pa. Madalas mag export ng product ang kompanya dahil patok na patok ito ngayon sa ibang bansa. Meron ring ilang franchise ang naitayo sa ibang bansa at meron rin dito sa Pilipinas.

Marami pang mga produkto ang naiimbento ng FoodaBest Inc. dahil matatalino at magagaling ang mga empleyado rito. Mahigit dalawampung taon na rin ang kompanya. Matagal-tagal na rin ito dahil sa magandang pamamalakad ni Sir Alxandres. Ngunit ngayon, ganun pa rin naman. Malakas pa rin sa masa ang FoodaBest Inc. ngunit hindi ako ang namamahala rito. Bago kasi mamatay si Sir Alxandres, sinabi niya sa akin na ipapamana niya ang FoodaBest Inc. sa malayong pamangkin nito ngunit bibigyan niya pa rin ako ng shares sa kompanya kaya may nakukuha pa rin ako rito.

Only child lang kasi si Sir Alxandres and siguro close sila ng malayong pamangkin na tinutukoy niya kaya iniwanan niya ito ng mana.

And dahil hindi naman ako masyadong pumupunta sa FoodaBest Inc., hindi ko kilala kung sino ang namamalakad nito. Matagal na nung huli akong pumunta sa kompanya at yun ay noong buhay pa si Sir Alxandres at bata pa ako nun. Kaya hindi ko na alam kung ganun pa rin ba ang itsura ng kompanya mula nung huli kong punta rito o baka may nagbago na.

Hindi ko na rin inabala ang sarili na kilalanin pa ang pamangkin ni Sir Alxandres dahil nasa mabuting kalagayan naman na ang iniwan niyang kompanya at maganda ang pamamalakad ng pamangkin niya.

Suot ko ngayon ay kulay krema na damit na hanggang tuhod lang ngunit hapit na hapit sa katawan ko. Pinaresan ko rin ito ng kulay krema na sandals na tama lang ang taas habang ang maalon kong buhok ay hinayaan ko lang na nakalugay. Hindi na rin ako nag-abala pang maglagay ng make up dahil hindi rin naman ako magtatagal. Gusto ko lang talagang bisitahin ang kompanya ni Sir Alxandres dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta rito.

Nandito na ako ngayon sa labas ng kompanya at tinatanaw ko ngayon ang isang napakataas na gusali at pawang nagniningning ito na parang bituin dahil na rin sa sinag ng araw.

Biglang pumasok sa isip ko si Sir Alxandres kaya napangiti ako. Halos wala namang nagbago sa labas ng kompanya. Sa bawat gilid nito ay may nakatanim pa ring mga halaman. Sa mga katabing gusali naman ay may mga puno pa rin doon. Ano na lang kaya pag pumasok na ako? Siguro sa loob ay marami ng nagbago.

"Excuse me, ma'am. Ano pong sadya nila?" tanong ng guard na nasa entrance ng building.

"Can I get inside? I just want to know the progress of the financial status of this company."

"May appointment po ba kayo?"

"N-none. But I am a shareholder here."

Panandalian muna siyang tumitig sa akin bago may sinabi sa walkie talkie niya. Hindi ko marinig kung anong sinasabi niya kasi medyo lumayo siya sa akin.

"Ano raw pong pangalan nila?"

"Sepphie Zamante."

Totoong pangalan ko ang ginamit ko para walang makakaalam na ampon ako ni Sir Alxandres. Ganun rin sa mga "boyfriends" ko. Mostly, pangalan lang ang alam nila sa akin pero kapag nagtatanong sila ng apiledo ko ay Zamante ang sinasabi ko kaya hindi nila kilala ang Sepphie Alxandres.

"Sige, ma'am. Pasok po kayo."

Nginitian ko lang ang guard at pumasok na ako. Inilibot ko ang mga mata ko sa malawak na palapag na ito at hindi ko mapigilang mapamangha dahil hindi gaanong binago ang loob. Merong iba na wala na, meron namang dinagdag ngunit halos maliit lang na porsyento ang binago.

She's A PlaygirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang