CHAPTER 13

26 2 0
                                    

What is he doing here? Akala ko ba di siya sanay sa mga ganitong pagkain since anak mayaman siya? O baka akala ko lang pala yun?

"Heto na po ang order niyo, ma'am." singit ng waiter kaya napatingin ako sa kanya.

Inilapag niya na sa mesa ang in-order ko at natakam ako bigla dahil itsura pa lang ng pagkain, mukhang masarap na.

Nang umalis siya ay nag-umpisa na akong kumain. At grabe! Sobrang sarap talaga ng batchoy! Craving satisfied talaga!

Habang sarap na sarap ako sa pagkain ng barbeque, biglang lumitaw sa harapan ko si Vaughncent at umupo siya sa upuang kaharap ko. Buti na lang at hindi ako nabilaukan!

"Are you following me?" unang hirit niya pagkaupo niya. Nilunok ko muna ang kinakain ko tsaka ko pinunasan ang bibig ko.

"Excuse me? Ni hindi ko nga alam na pumupunta ka pala rito eh." pagsusuplada ko. He suddenly smirked and crossed his arms.

"Lagi akong nandito every weekends. Malapit lang rin ang Diamante Hotel rito. Maybe nakikita mo pala ako dito minsan pero nahihiya ka lang umamin."

Mabilis kong ikinipot ang labi ko para mapigilan ang pagtawa. Ang hangin rin ng isang ito!

"Stop assuming, Mr. Cabreza. For your information, ngayon lang ako ulit nakabalik rito after a year. Tsaka, anong tingin mo sa akin? Stalker mo?"

"Bakit? Hindi ba?"

Pigilan mong matawa, Sepphie!

"Look. First, bakit naman kita susundan eh hindi naman kita type? Second, my beauty is not worth for chasing someone. Mga lalaki mismo ang humahabol sa akin, Mr. Cabreza." ani ko at pilyo siyang nginitian ngunit agad ring nawala yun ng makita kong seryoso na siyang nakatitig sa akin.

"I'm not your type, really? Then why didn't you stop me when I kissed you that time?" aniya na ngayon ay pilyo na ring nakangiti.

Agad kong naramdaman ang pamumula ng pisnge ko nang maaala ko ang paghalik niya sa akin noong isang gabi. Mabilis kong nilagok ang tubig sa harap ko dahil pakiramdam ko natutuyo ang lalamunan ko.

"B-bakit? S-sino ba ang u-unang humalik? D-diba ikaw? Ang sabihin mo, y-you can't resist my charm kaya di mo na n-napigilan ang sarili mo! Siguro type mo ako no?"

Sh*t! Why am I stuttering?!

He slowly wet his lips and my eyes unconsciously followed it. Ano ba, Sepphie? Ang mata mo!

Seconds passed pero hindi pa rin siya nagsasalita. He was just staring at me at ako naman itong hindi mapakali. Bakit di niya pa rin sinasagot ang tanong ko? Ang hirap talagang basahin ang lalaking ito!

Magsasalita na sana ako ng biglang sumulpot ang waiter sa gilid ko.

"Here's your bill, ma'am."

Agad kong kinuha ang wallet sa bag ko ng magsalita si Vaughncent.

"Here." aniya sabay abot ng pera doon sa waiter. I was froze for a second. What is he doing?

Magsasalita na sana ako ulit ng bigla na lang siyang tumayo at nag-umpisang maglakad palabas. Mabilis ko siyang sinundan.

"Mr. Cabreza, wait!" ani ko ng medyo ilang metro na ang layo niya sa akin.

"Hey!!"

"Mr. Cabreza!"

"Wait, Mr. Cabreza!"

Naiinis na ako ha! Alam ko namang naririnig niya ako eh pero nagbibingi-bingihan lang siya.

Nakalabas na kami ng restaurant at di ko alam kung saan siya papunta pero sinusundan ko pa rin siya. Kailangan ko siyang makausap pero mukhang nagmamatigas ata ang isang ito. Tsaka, gabi na rin kung tutuusin at naka suot pa ako ng heels! Makakatikim talaga ang Cabreza'ng to sa akin kapag naabutan ko siya!

She's A PlaygirlWhere stories live. Discover now