CHAPTER 11

21 2 0
                                    

It was just a quick and soft kiss but I felt like he kissed me for a long time. Nakatulala lang ako dahil parang pakiramdam ko, lumulutang ako ngayon.

"D*mn." bulong niya matapos niya akong halikan. Sobra akong nabigla sa paghalik niya sa akin kaya di ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin o sabihin. At hanggang ngayon, gulat pa rin ako sa ginawa niya.

Dahan-dahan niyang inilayo ang sarili sa akin at marahang sumandal sa passenger's seat habang nakapikit.

I slowly touched my lips when I came back to my senses. I can almost hear my heart pounding so fast and hard and I felt some butterflies that tickles in my stomach.

Was that real? Did he just kissed me?! Hindi ba 'to panaginip? Why did he kissed me? Just why?!

"Sepphie."

Napapitlag ako ng marinig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko. Agad akong napatingin sa kanya habang hawak-hawak ko pa rin ang labi ko. Napansin kong napatingin rin siya doon kaya mabilis kong ibinaba ang kamay ko.

"W-what?" kinakabahan kong saad. Sh*t. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit di ko man lang magawang sumbatan siya dahil sa pagkakahalik sa akin? Baka ano pa ang iisipin niya at sabihin niyang ginusto ko rin yun. Naku talaga!

"Kumain ka na ba?" aniya na ngayon ay nakatingin na sa akin. Napakurap naman ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Did he just changed the topic? How about the kiss? Hindi ba siya magso-sorry or mag e-explain man lang kung bakit niya ako hinalikan?

"Won't you apologize to me first?" kunot noo kong tanong sa kanya. Tumaas lang kilay niya na parang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.

"For what?" taka niyang tanong kaya nainis ako ng kaunti. For what? For what?! Matapos niya akong halikan, for what lang?!

"You kissed me, Mr. Cabreza, for pete's sake! Hindi ka man lang ba hihingi ng patawad sa akin?!"

"You should thank me instead, Ms. Alxandres. Ako na ang gumawa ng first move. Alam ko naman na pinagpapantasyahan mo ako kanina habang natutulog ako kaya ako na ang gumawa ng paraan para makuntento ka sa pagpapantasya mo sa akin." aniya habang nakakalokong ngumingisi sa akin. Bigla namang kumulo ang dugo ko dahil sa narinig.

"Excuse me?! How dare you, Mr. Cabreza!"

"You know what, it wasn't a big deal after all. It was just a peck. I kissed you for just 2 seconds and here you are, overreacting like I kissed you for almost 10 seconds."

Mas lalo lang akong nainis dahil sa sinabi niya. He's a totally jerk!

"Ano naman sa'yo kung big deal sa akin yun?! That was my first kiss, Mr. Cabreza! How dare you kissed my lips without my permission!" inis kong sigaw sa kanya. Nabigla naman siya pero agad rin siyang ngumisi.

"First kiss, huh?" aniya habang nakakalokong ngumisi sa akin.

"So if I wanted to kiss you next time, I should ask you first then?" aniya na ikinapula ng pisnge ko.

"Mr. Cabreza!" suway ko sa kanya.

"There will be no next time, Mr. Cabreza. This will be the last time we'll see each other. At pwede ba? Bumaba ka na sa sasakyan ko! Sinayang ko lang ang oras ko sa paghatid sa isang lalaking tulad mo." madiin kong sabi habang seryoso ko siyang tinitigan.

Nakakainis! Imbes na mag sorry siya hindi niya pa ginawa! Ang lakas naman ng loob niya na halikan ako! At ang mas nakakainis, nakaramdam pa ako ng mga paru-paro sa tiyan ko kanina nung hinalikan niya ako! Anong ibig sabihin nun? Na gusto ko rin yung halik niya? Imposible!

Agad namang dumilim ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang matalim akong tinitigan sa mata. Unti-unti rin akong umaatras hanggang sa mapadikit na ako sa pinto ng driver's seat. Agad akong napalunok dahil sa maliit na distansya naming dalawa.

She's A PlaygirlWhere stories live. Discover now