CHAPTER 26

41 3 0
                                    

"Sepphie, Gram is looking for you in the lobby." sabi ni Anya ng makapasok siya sa office ko.

Buong hapon akong nasa office and di ako naka suot ng employee's uniform. Tamang-tama at malapit na ang out ko kaya napag desisyonan kong umuwi na.

"Uuwi na ako. Ikaw na bahala rito." ani ko bago tuluyang lumabas ng opisina.

I'm wearing a white long sleeve polo and a black pants paired with white sneakers. Hindi halatang mayaman kaya kampante akong harapin si Gram.

"What are you doing here?" suplada kong sagot ng makita ko siya sa lobby.

"S-sepphie, please. Just this once...help me." nagmamakaawa niyang sabi.

"No." diretsahan kong sabi tsaka ko siya nilagpasan. Papalabas na sana ako ng hotel ng may humapit sa kaliwang kamay ko. Pagkalingon ko, bumungad sa akin ang mukha ni Win.

"Hi!" masigla niyang bati. Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang matatagalan ako sa pag-uwi. Gusto ko ng magpahinga!

"What?" bored kong sabi sa kanya.

"So, uhm...uuwi ka na?" aniya sabay kamot sa ulo niya na para bang nahihiya.

"Yes." tipid kong sagot at tinalikuran na siya.

"Wait!"

"If okay lang sa'yo, I can give you a ride. Lalabas rin kasi ako so...baka gusto mong ihatid kita." aniya habang sinusundan ako.

"It's okay. I don't need a driver today." ani ko habang diretso pa rin ang lakad. He chuckled softly.

"Sepphie-" Mabilis akong lumingon para harapin siya.

"Stop it. I have my own car so please?" I cut him off. Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero mabilis rin siyang ngumiti.

"You know what, I think I like you." out of the blue niyang sabi kaya napanganga ako.

"What?"

"I'm starting to like you, Sepphie." seryoso niyang saad. Napakurap ako ng ilang beses habang pinoproseso ang sinabi niya.

"N-no. I can't accept you, Mr. Win." ani ko habang unti-unting umaatras.

"Why?"

"Because I'm already in love with someone else." ani ko at mabilis na umalis sa harapan niya. Rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit di ko siya nilingon.

NANG makauwi ay agad na tumawag si Vaughncent sa akin. I put it on a speaker while blow drying my hair.

"Hey."

"Hi!"

"How are you?"

"Too tired from work. How about you?"

"Heto...nami-miss ka pa rin." Agad akong napakagat sa labi ng marinig ko ang sinabi niya.

"How about your work? Marami ka bang meetings kanina?"

"Yes, but my mind isn't with me even though I'm physically present." aniya na ikinataka ko.

"What? Why?"

"It's because you're in my mind the whole day." aniya dahilan kung bakit nagsisimulang mamula ang mga pisngi ko.

"Vaughncent!" saway ko sa kanya habang nakangiti. Wala eh, di ko talaga mapigilan ang kilig.

"What? I'm just being honest." aniya habang tumatawa sa kabilang linya.

"Stop it. Mas lalo tuloy kitang na-miss." ani ko at hininaan ang huling sinabi.

She's A PlaygirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora