CHAPTER 7

21 1 0
                                    

Kung gulat ako sa sinabi ko, mas gulat siya sa narinig. Pareho kaming nabigla dahil sa sinabi ko. Itong bunganga ko kasi eh!

Buti na lang at nauna akong bumawi mula sa pagkabigla. Mabilis kong hinarap ang pintuan ng sasakyan at nang mabuksan ko ito, papasok na sana ako ng may mga kamay na biglang humigit sa akin at isinandal ako sa sasakyan.

Gulat kong tinitigan si Vaughncent habang nagsisimulang tumambol ng malakas ang puso ko.

"M-mr. Cabreza..." mahinang usal ko ng mapansing ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin.

"What did you just called me, Ms. Alxandres?" halos pabulong at namamaos niyang tanong sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan ng i-corner niya ako gamit ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakahawak pa rin sa kamay ko.

Agad naman akong napalunok ng makita ang itsura niya na ganito pa kalapit. Napapalibutan kasi ang parking lot na ito ng mga ilaw kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha niya, di gaya nung sa terrace sa club dahil medyo madilim doon.

Namumungay ang mga mata niya. Makapal at maganda rin ang porma ng kilay niya. Kayumanggi rin ang kulay ng mga mata nito habang ang mga pilik mata niya'y mahahaba at makakapal. At ang ilong niya, katamtaman lang rin ang tangos. At ang mga labi niya...kulay rosas ito at parang malambot kung titingnan.

"Your eyes, Ms. Alxandres. Kung saan-saan tumitingin." aniya kaya agad akong napatingin sa mga mata niya. Sunod-sunod rin ang paglunok ko dahil sa kaba at sa maliit na distansya naming dalawa. Naramdaman ko rin ang pamumula ng pisnge ko nang mahuli niya akong pinagmamasdan siya. Yumuko ako at  napakagat na lang sa labi dahil sa kahihiyan.

"W-why did y-you f-follow me?" nauutal kong tanong sa kanya habang nakayuko pa rin ako.

"Look at me and I'll tell you why."

Hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa sinabi niya. Pag-angat ko nang tingin ay siya ring pagtama ng mga mata namin. Mas lalo tuloy bumilis ang pagtambol ng puso ko. Hindi ko alam kung kaba pa ba ang tawag dito o baka may sakit na talaga ako sa puso.

Tipid siyang ngumiti habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. At hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko nang makita ko siyang ngumiti. Is this the first time that he smiled at me?

"No wonder Tyron was attracted to you."

Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at marahan itong inangat papunta sa mukha ko.

Para akong naestatwa ng maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa mukha ko.

"You have such a beautiful eyes..." namamaos niyang sabi sabay haplos sa mata ko.

"A perfect nose..." aniya at marahang hinaplos ang ilong ko.

"A tempting lips..." halos pabulong niya ng sabi habang marahang hinaplos ang labi ko. Napaawang naman ang mga labi ko ng maramdaman ko ang paghaplos niya.

"And a beautiful face." aniya sabay haplos naman sa pisnge ko.

Parang sasabog naman ang puso ko dahil sa ginawa niya because this is a first time! I never let my boyfriends kiss me on the lips and I never even let them touch me like this on my face! Habang si Vaughncent na hindi ko naman boyfriend at kinaiinisan ko? Bakit ko siya hinayaan na ganituhin ako?

Bago pa ako madala sa mga pinanggagagawa niya ay mahina ko siyang itinulak palayo sa akin. Habol-habol ko rin ang hininga ko gayong hindi naman ako tumakbo. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin while I tried to composed myself.

She's A PlaygirlWhere stories live. Discover now