CHAPTER 21

42 2 0
                                    

Di ko pinansin ang text ni Vaughncent at dumiretso ako sa table nila. Pagkarating ko, isang malapad na ngiti ang agad na iginawad sa akin ni Elton habang ramdam ko naman ang malamig na titig ng kasama niya. Tumikhim ako bago magsalita.

"What do you want?" suplada kong tanong kay Elton. Tumayo siya at hinalikan ako sa pisnge na ikinagulat ko.

"Long time no see, babe."

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kinilig ako sa sinabi ni Elton, kundi dahil sa intensidad ng mga titig ni Vaughncent ngayon. I can't even look at him! Kinakabahan ako! So I took a few steps backward to avoid him being close to me.

"Just straight to the point, Elton. Marami pa akong gagawin."

"Elton...I miss that. I missed hearing your voice." aniya at agad na may lumandas na kakaibang emosyon sa mata niya na di ko mapangalanan.

"Tumatakbo ang oras, Elton. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."

"Oh, right. The reason why I'm here is because..." aniya at bahagyang tumingin sa gawi ni Vaughncent. Are they close?

"Hmm...wait. I'd like you to meet him first. Do you know him? He's one of the famous bachelor in town! He has the looks right? But nah, I won't let you date this guy if ever you find him interesting." aniya na ngayon ay nakatayo na sa tabi ni Vaughncent habang nakapatong ang kamay nito sa balikat niya. I rolled my eyes because of his last words. I can sense that he's still into me!

"Elton, will you just go the point already? Naiirita na ako." ani ko pero ang totoo, gusto ko na talagang umalis dito ngayon! I still can't look at Vaughncent although his stare is intimidating.

"Relax, babe. Kakakita pa lang natin, umiinit na agad ang ulo mo sa akin." Elton said before he chuckled.

"Anyway, for sure kilala mo na siya. He's Vaughncent Cabreza, the CEO of FoodaBest Inc. We had a short meeting here 'cause I'm the new ambassador of their company." aniya na nagpagulat sa akin bigla.

"You're staying for good?" Di ko na napigilan at natanong ko siya. The fact that he's staying here for good makes me irritated. He's the most stubborn among all of my boyfriends!

"Yes! And actually, balak ko nga sanang bumili ng condo dito sa hotel but the staffs said that there's no available room. They offer na apartment na lang ang kunin ko kasi may vacant naman but I declined. I want a condo. I'm not fit to live in an apartment."

Nang marinig ko ang sinabi niya, parang biglang uminit ang ulo ko. Ang yabang yabang ng lalaking to! Parang sinasabi niya rin na di maganda ang apartment ko ha! May araw ka rin sa akin, Elton!

Kinalma ko muna ang sarili ko tsaka bumuntong hininga.

"I'm glad that you're not going to stay here in our hotel." ani ko at nginitian siya ng pagkalaki-laki. Mahina siyang napatawa dahil sa sinabi ko.

"But I'll visit you every day, babe. My hotel was just a few blocks from here." aniya na mas lalong nagpakulo sa dugo ko.

Gusto kong sumigaw! Gusto kong ilabas ang lahat ng inis ko! Nakakainis! Nakakainis ka, Elton!

"By the way, do you have some free time today? Let's have a me-"

"Enough, Mr. Druke!" ma-awtoridad at puno ng pagtitimpi na singit ni Vaughncent. Sabay kaming napatingin ni Elton sa kanya.

"You came here for work, remember? Now, act like a professional one. I can't believe I accepted you as our newest ambassador...and I can't believe you have a f*cking annoying attitude." madiing sabi ni Vaughncent bago siya tumalikod at lumabas na ng hotel.

She's A PlaygirlWhere stories live. Discover now