14

2 0 0
                                    

"I know you're not fine. But i'm all ears if you need me" sambit ni Julian habang nagtitimpla ng kape. Tulog pa raw yung dalawa pero hindi ko muna pinagising dahil baka napagod sila kagabi.

"Salamat. Pero yung pag punta nyo dito sobra na yon" sabi ko sa kanya at hinango ang pancit sa kalan.

"Is it okay if I ask?" tanong nya.

"Oo naman"

"Is Avery's full name is Averiane Florenza?" tanong nya at napakunot ang noo ko. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari bago ako pumunta dito sa probinsya.

"Ahh, oo, bakit?"

"Ohh, We saw her in the party. Remember the party where Mil and Ash are also invited?"

"Paano sya napunta doon? Parang wala namang involve na family members nya sa politics" nag aalangang sagot ko.

"I don't know. Just saw her there, seems like she's always in that kind of party though. Parang sanay na sanay syang makisalamuha sa mga tao sa politika" dagdag paliwanag pa ni Julian habang nagpupunas ng plato.

"Paano ba makisalamuha sa kanila?"

"Oh, hell"

***

"Hell, as it was" Ash said as we're heading back to the apartment.

"I told you to stay calm, idiot" inis na saad ni Julian.

"Can you please shut up?" iritadong sambit ni Ash bago binuksan ang gate.

"Huwag kayong mag away" sabi ko habang nakasunod sa kanilang dalawa.

We decided to visit the municipal office para subukang isangguni ang problema ng mga na interview namin. We failed to bring back our site. Nabuksan ulit namin ang site pero wala na ang mga videos na nai conduct namin, even the social media platforms. Lahat ay na erase.

But as we expected, sinabi lang ulit nila na tatawagan nila kami kapag if-follow up na ang report namin.

Well, we know how they work at alam naming hindi nila kami tatawagan ulit.

"Timpla ako kape" paalam ko bago magpunta sa kusina at naghanda ng tatlong baso.

Our class started. Avery and Megan dropped out. I don't care. They are not needed anyway. Some of my classmates got sad. Sabagay, madali silang pakisamahan, hindi nakakapag taka.

Pero sana, sana alam din nila na nawalan ako.

Ang daming nawala sa akin.

Walang bumalik, dumoble lang ang sakit.

Che decided to stop what we are doing. Naiintindihan ko naman sya, ayaw nya lang rin na mapahamak pa kami lalo at madamay ang pamilya namin. Nalaman nila na nawala na si lolo at pinagtangkaan ding wakasan ang buhay ko. Even Ruka and Mikee. That's why she decided to stop. But for the last thing that I can do, I compile all of the reports of those people and passed it to the municipal office. It's just... my heart belongs to serving people.

"Ayos ka lang?" tanong ni Ash na nasa tabi ko ma pala. Julian is busy. Nakaupo lang sya sa couch habang nagtitipa sa laptop. Maybe he's reviewing, malapit na rin ang prelims namin. Kailangan ko na ring mag review.

"Ah, oo" saad ko at sinimulan ko na ang pagtitimpla ng kape. Mabuti nga at nasanay na ako sa coffee maker ni Ash.

"Okay, pahinga ka na rin, Mau. Nakakapagod ang pinuntahan natin" sambit nya habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Thankyou sa pagsama nyo" pasasalamat ko sa kanila. Sabi kasi nila ay tuwing may kailangan ako ay magsabi ako sa kanila, hindi naman na daw ako iba kaya wag na raw akong mahiya.

"No worries. Got your back as always, okay?" nakangiting sabi nya bago bahagyang ginulo ang buhok ko bago bumalik sa sofa.

Pagtapos kong timplahin ang kape ay dinala ko na ito sa dining table. Nagpaalam ako saglit na magpapalit ako ng damit bago ako pumasok sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama dahil na rin sa pagod. Sandali kong ipinikit ang mata ko hanggang sa dinalaw na ako ng antok at nakatulog.

***

"She's sleeping"

"What? Akala ko ay magpapalit lang sya ng shirt? Kaya pala ang tagal na e hindi pa rin nabalik" rinig kong saad ng mga tao sa labas.

"Maybe she's tired"

"Yeah. Let her sleep"

"Vind je haar leuk?" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Julian. Nabubulol ba sya? Bahagya tuloy akong sumilip kung bukas ba ang pintuan ng kwarto ko. Nang masiguro ko na nakasara ay dahan dahan akong naglakad papalapit sa may pintuan para mas mapakinggan sila.

Lagot talaga ako kay lola, sobrang chismosa ko na.

"Ja. En jij?" Hindi ko talaga sila maintindihan.

"Ik was de eerste die haar leuk vond"

Huh?! Ano bang lenguahe ang pinagsasabi ng mga taong to? Kahit gusto kong isearch ay hindi ko naman matandaan ang lahat ng sinasabi nila! Ang bibilis nila at ang fluent nilang mag salita!

Ano ba kasing ginagawa ko noong bata ko? Sana ay nag aral na lang din ako ng ibang lenguahe hindi yung para akong dilis na nakikinig dito.

"Het gaat niet om de tijd, Lendele" seryosong sambit ni Ash pero hindi ko naman sya maintindihan.

"Je vindt haar gewoon leuk omdat je opgewonden bent, Ashanti"

"Neuk je. Spelen is niet mijn ding, Julian"

Wala talaga akong naintindihan. Sana pala ay natulog na lang ulit ako. Humiga ulit ako sa kama pero hindi na ako dinapuan ng antok kaya napagpasyahan kong maligo na lang dahil hapon na rin naman. Paglabas ko ay busy sa pagbabasa si Ash. Naalala ko tuloy yung usapan nila ni Julian kanina, mukhang umalis na rin si Julian dahil wala na rin ang mga gamit nya rito.

"I cooked Pork Steak. Gusto mong sumabay?" tanong ni Ash kaya naman tumango ako.

"Sana mayroon din ako ng skills mo" sambit ko habang nagsasandok ng kanin. Hindi pa kasi kami nakain pero amoy na amoy ko na iyong ulam. Amoy pa lang natatakam na ako.

"Really?" natatawa nyang saad bago ini ayos iyong salamin nya.

"Oo. Ang galing mo kaya" pagpuri ko sa kanya na ikinatawa nya. Habang nakain kami ay nagpatuloy lang kami sa paguusap tungkol sa pagkain. Sabi nya ay kung gusto ko raw matuto ay pwede nya naman akong turuan basta daw ay sabihan ko lang. Syempre natuwa ako ano! Gusto ko rin matuto.

Pagtapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Habang naghuhugas ako ng plato ay may biglang nagtext sa akin kay napatingin ako doon.

From: Unknown

Ayaw mo pa rin ba talagang tumigil? Hindi pa ba sapat ang pagkawala ng lahat ng meron ka? Bakit kaya hindi na lang ikaw ang mawala? Para naman mawala na rin ang problema namin.

From: Unknown

I'm warning you.

From: Unknown

If you believe in hell, then you should pray right now.

Kasabay ng pagbasa ko noon ay ang pagtagos ng bala mula sa bintana ng sala namin kaya naman bigla akong napaupo at napatakip sa ulo.

From: Unknown

Told you. Don't try me, Maurys.

Echoes of our ShadowsWhere stories live. Discover now