13

4 1 4
                                    

"Kumain ka muna, kahit kaunti lang"

"Mamaya"

"Sinabi mo rin yan kahapon. Hanggang ngayon hindi ka pa nakain, Mau" inilagay ni Mil ang bento box sa may gilid ko bago sya umalis.

Wala na si lolo.

Nakokonsensya ako. Kinakain yung utak ko ng guilt dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya to. Na trace siguro nila kung sino ang pamilya ko kaya dinamay nila.

Kinagabihan ay naka recieve ako ng text na may nag attempt naman daw sumaksak sa kapatid ni Che at may nagpapadala daw ng mga death threats kay Ruka at Mikee.

"Apo... hindi ka ba inaantok?" naramdaman kong tumabi sa akin si lola. Marami na ang tao sa loob pero ayoko munang pumasok. Hindi ko kayang makita si lolo sa ganoong sitwasyon e.

"Hindi pa, la. Kayo ho ba? Magpahinga na ho kayo doon, ako na muna dito kasama ko naman sila Rose" saad ko.

"Ilang araw ka pa lang dito sa probinsya ang laki na ng ipinayat mo... Malapit na ang pasukan nyo kailangan mong makabawi ng tulog" pag aalala nya at hindi pinansin ang sinabi kong magpahinga na sya.

"Natutulog naman ako, la. Sige na ho at magpahinga na kayo. Ako na muna dito, nandyan naman ang mga pinsan ko" niyakap lang ako ni lola.

Wala syang sinasabi pero mabigat ang mga paghinga nya. Tinawag nya ang isa kong pinsan para magpahatid sa bahay nila tita. Doon muna kasi sya natutulog panandalian dahil nandoon si Mil sa bahay namin.

Noong nalaman ko kasi ang nangyari kay lolo ay si Mil ang unang nakaalam. Nakita ko sya sa sa may bus stop at imbis na dumiretso sya sa QC ay sumama sya sa akin. Hindi ko naman sya napigilan noong mga panahong iyon dahil sabaw na sabaw ang utak ko. Umuwi lang sya kahapon para kumuha rin ng mga damit ko at kakabalik nya lang kanina. Pinapabalik ko na nga sya sa Cavite pero tigilan ko raw sya at baka masampal nya lang ako.

Napabuntong hininga ako bago kuhanin ang cellphone sa bulsa ko. Nandito ako sa labas at presko naman ang hangin. Pagkabukas ko ng cellphone ko ay maraming message.

From: Julian

Mau, I overheard that you got fight with Avery?

From: Julian

Is it about the site? I can help

From: Julian

Are you there?

From: Julian

Wala ka pala sa apartment nyo. Is everything okay?

From: Julian

Is it okay if I ask Illea where are you?

From: Julian

Okay I will ask her. It's been 3 days since the last time I messaged you.

Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko naman naramdaman na nag text sya. Sabagay ay hindi ko naman hawak ang cellphone ko. Maghapon din akong nagbabantay dito. Pag punta ko sa message ay meron pang unknown number.

From: Unknown

Hey. Well this is Ash, just wanna ask if you're alright? Hindi ka pa nauwi magmula kagabi

From: Unknown

Ps. I got your number from landlady

From: Unknown

I cooked adobo for dinner

From: Unknown

Still not going home yet? Pagtabihan na lang kita sa tupperware.

From: Unknown

Your friend went here. Condolence, Mau. Do you want some company?

From: Unknown

We're on the way there. I'm with Julian

From: Unknown

Ps. Mil gave the address hehe

Pambihira! 3 hrs ago pa yung huling text, baka mamaya ay nandito na ang mga yon. Papatayo na sana ako para puntahan si Mil nang bigla na lang may humawak sa balikat ko.

"How are you?"

"Uy" saad ko ng makita ko sila. They are all look so worried. Sinamahan ko sila papunta sa loob. They greet some of my family members bago sumilip kay lolo. Tahimik lang akong nakaupo at ganoon din sila. Pagtapos ng ilang minuto ay iginaya ko na sila palabas. Dalawa naman ang kwarto sa bahay namin at kung gusto nila ng presko ay pwedeng doon sila sa sala.

"Kumain na ba kayo? teka... Rose" tawag ko sa pinsan ko.

"Bakit, Ate?" tanong nya at napatingin sa mga kasama ko.

"Kuha mo nga sila ng makakain doon" sabi ko at tumango naman sya.

"Samahan kita, beh" sambit ni Mil at sumunod kay Rose. Ako tuloy ang naiwan sa dalawa.

Hindi naman kalayuan ang bahay namin. Sadyang madilim lang sa daan papunta dito gawa ng mga puno.

"Upo kayo" saad ko bago binuksan ang bentilador.

Parang mga baliw hindi nagsasalita.

"Kumain na ba kayo? Kumain na muna kayo ha, nagpakuha ako ng pagkain. Tsaka nag commute ba kayo?" sunod sunod kong tanong.

"No. Sasakyan ni Julian"

"My dad's" sambit ni Julian at inirapan lang sya ni Ash.

"Bukas na kayo umuwi, anong oras na rin" sabi ko habang kumukuha ng unan at kumot sa kwarto ko. Hayaan mo na kay Mil yung dora na unan ko, magkaibigan naman kami.

"Yeah. Is it okay if we stay until you're here?"

"Huh?" takang tanong ko.

Wala bang gawain ang mga ito?

"Yeah. We cleared our sched, Just want to accompany you" pagpapaliwanag ni Ash.

"Uhh. Oo naman ayos lang, kung wala naman pala kayong gagawin e" sabi ko dahil wala rin naman akong magagawa. Nag effort na nga sila na pumunta dito e.

Pagbalik nila Mil ay may dala na silang pagkain. Isinumbong pa ako sa dalawa na hindi raw ako nakain. Sermon tuloy ang inabot ko sa dalawang yon. Baliw kasi si Mil.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga muna sila bago matulog. Bumalik ako kay lolo at saglit syang sinilip bago ko napagpasyahan na umidlip. Naalimpungatan ako at napatingin ako sa orasan, alas kwatro pa lang pala. Tatlong oras lang ang tulog ko pero ayos lang yon.

Saglit akong umuwi sa bahay para silipin ang mga kaibigan ko. Mahimbing pa ang tulog ni Mil ng silipin ko sya sa bintana at ganoon din ang dalawa na magkatalikuran pa sa kama. Napailing na lang ako bago magsimulang maglakad pabalik.

Bago ako makarating doon ay may narinig akong bumubulong sa may likod ng manukan ni Tito Fred. Dahan dahan akong pumunta doon. Hindi ko alam kung anong taglay kong kachismosohan at pumunta pa talaga ako doon.

"Opo, Sir... Dumating na rin ho yung anak nila senator... Pero—.... Sige po, Sir" rinig kong tinig mula sa babaeng nakatalikod.

Kahit nakatalikod sya ay ramdam at alam ko kung sino sya.

At sa puntong ito, napatunayan ko na wala talaga akong maaasahan sa mga kaibigan na tinuring ko noong una palang.

"Kaya ko pong gawin yon, Sir... Hindi—hindi... ko po sya kaibigan"

Ang daming tumatakbo sa isip ko, takot, kaba, paghihinala. Pero bago ako umalis sa kinalalagyan ko ay nakumpirma ko na ang boses na naririnig ko ay galing din sa taong hindi ko inaakalang matatalikuran ako.

Megan.

Echoes of our ShadowsWhere stories live. Discover now