12

4 1 5
                                    

Ilang araw na lang ay pasukan na ulit. I know that there's something wrong about our site. Gusto ko mang tumigil katulad ng kagustuhan ni Che, I don't want that thing to stop us from what we are doing.

Hindi lang site namin ang nawala, pati na rin ang pag asa ng mga tao na umaasa sa amin.

I witnessed it all. How they crave for freedom, justice and fair treatment. Kaya ngayon, I'm going to bring back our site. Alam ko na rin kung sino ang gumawa para mawala iyon.

I investigated it all. Ako lahat ang kumilos, nakakapanghina lang dahil pagkatapos kong malaman kung sino ang mga gumawa nito, hindi ko mapaniwalaan. Patuloy pa ring tinatanggi ng utak ko na sila yon.

Nakakatawa lang dahil hindi ko akalain na kakayanin pala nyang gawin yon para sa pera.

Money over friendship. That's what she is.

"Mau? Anong ginagawa mo rito? Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka—"

"Avery, pwede ba kitang makausap?" tinitigan ko sya sa mata. Walang bago, ganon pa rin, parang wala syang ginawa.

"Huh? Oo naman, pasok ka"

Tahimik lang akong pumasok sa bahay nila. Sya lang ang laging tumatao dito dahil busy ang mga parents nya. Ang mga kapatid nya naman ay may kanya-kanya ng pamilya.

"Juice or Coffee?" tanong nya pagka pasok namin sa bahay nila

"Ikaw pala yung nag tip para ma crack yung website namin" saad ko. Nakita ko ang pagkagulat mula sa mata nya ngunit mabilis nya iyong binawi at bahagyang ngumiti.

"Ha? Hindi ko alam—"

"Gaano kalaki, Avery? Million ba? Hanggang ngayon kasi hindi ko pinaniniwalaan na ikaw e. Parang ang hirap ipasok sa utak ko na ikaw yung makakagawa non, kaibigan kita e" I tried to hold my tears. Na practice ko na to e, ayokong umiyak ako sa harapan nya. Ayokong paganahin ang emosyon ko ngayon dahil dyan ako laging natatalo.

"Mau naman. Hindi ko alam ang sinasabi mo" nanginginig nyang saad bago umupo sa sofa.

Nanatili akong nakatingin sa kanya.

Ang sakit. Ang sakit pala kapag napagtaksilan ka ng kaibigan mo. Pero ayos sana kung ako lang, kaso yung ginawa nya naapektuhan din yung ibang tao e. Paano ko sasabihin kay Che na kaibigan ko pala yung nag crack ng site namin?

"Avery, umamin ka na... Baka, baka pag umamin ka mapatawad pa kita" saad ko at tinitibayan ang boses ko.

Tumingin sya sa akin. Tila pinapakiramdaman kung magsasabi ba sya ng totoo or hindi.

"Sorry"

Ramdam ko ang pag kirot ng dibdib ko kasabay ng paghapdi ng mga mata ko. Iniisip ko pa rin kung bakit nya nagawa sa akin yun e. May nagawa ba akong mali? Lagi naman akong nandoon tuwing may kailangan sila. I never failed being their friend.

Kahit alam ko minsan na isasama lang nila ako sa lakad nila pag may kailangan sila.

"Gago, kulang tayo sa member?"

"Kunin nyo si Mau para may taga gawa tayo ng script"

"Mau sa amin ka na lang, wala kaming taga gawa ng script e"

"Si Mau ang leader"

"Marami akong gagawin—"

"Kaya mo yan!! Tayo tayo lang naman e"

"Okay. Pwede nyo bang maisend yung part nyo before monday? Ip-proof read ko pa kasi tsaka irerevise"

"Monday? Pwede bang tuesday na lang, wednesday pa naman ang pasahan e"

"Oo nga, may gala pa kami e"

"Bakit, Avery?"

"Sorry, Mau..." naiiyak nyang saad.

"Tangina, Avery!! Buti sana kung ako lang yung nawalan e. Kung may galit ka sa akin, tangina, ako na lang sana ang ginawan mo ng masama!!" hindi ko na kinaya.

Hindi ako madalas magmura pero punong puno na kasi ako. Hindi ko maintindihan bakit magagawa nya sa akin ito.

"Mau, sorry. Si papa kasi... baon na kasi kami sa utang, Mau. Si mama iniwan na kami, yung mga kapatid ko hindi ko mahingan ng tulong..." pagpapaliwanag nya habang naiyak.

Wala akong pakialam. Kung dati ay iisipin ko ang kapakanan nila, ngayon ay hindi na.

"Hindi mo ba naiisip na maraming tao ang nawalan sa ginawa mo? Putangina, Avery. Yung iba doon mahahatulan na ng habang buhay na pagkakakulong kahit wala naman silang ginawang masama!"

"Tangina bakit ba galit na galit ka?! Site lang yon, Mau! Putangina matatalino naman kayo diba? Edi ibalik nyo!! Bawiin nyo pabalik! Lintik parang ang laki naman ng nagagawa ng site nyo? Hindi naman kayo abogado e, ano kayo mga gustong maging bayani?!" saad nya habang dinuduro-duro ako.

Sarkastiko akong napatawa bago hawiin ang buhok ko. Hindi na nga siguro sya ang kaibigan ko.

"Site lang? Yang site na nila-lang mo ang nakuhanan mo ng pera para mabayaran yung utang ng tatay mong adik!"

Mabilis syang lumapit sa akin at inambaan ako ng sampal pero nasalya ko ang braso nya.

"Ako pa ang sasampalin mo? Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa ang mayabang, tanginang ugali yan basura!" inis kong saad sa kanya.

"Yung sinasabi mong site lang? Tangina pag asa yon ng mga taong kapos. Pag asa yon ng mga taong hindi nakaranas pakinggan. Nagbabakasakali kasi sila na sa pamamagitan ng interview na ginagawa namin maririnig sila ng mga taong may kakayahan. Pero nasaan na? Tangina naglaho lahat dahil sayo!" wala na akong pake kung anong mararamdaman nya.

Alam kong masasakit ang salitang binitawan ko pero hindi ko naman iyon sasabihin kung wala syang ginawang mali.

Pagod na pagod na akong isipin sila bago ang sarili ko.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Mau" mahinahon na nyang saad. Pansin ko pa rin ang pag agos ng luha nya pero wala na akong maramdaman na awa.

"Ako pa ang hindi maka intindi? Naisip mo ba yung mga posible kong maramdaman dahil na crack yung site namin? Lahat ng bigat napunta sa amin kasi hindi namin natulungan yung mga tao na lumapit sa amin. Ang mas masakit pa roon ay kaibigan ko pa... Ikaw pa mismo ang dahilan"

"Hindi ko naman gagawin yon kung hindi ako nangangailangan..."

"Avery naman, alam mo namang maling gawin yon. Alam mo rin na mali pang ipagtanggol ang tatay mo. Pero ginawa mo pa rin. Tangina, ikaw pa ba yan?"

Saglit na nanahimik ang bahay nila. Hikbi nya na lang ang naririnig ko.

"Sana, sana hindi na kita makita ulit. Kasi baka hindi na ako makapag pigil" saad ko bago lumabas ng bahay nila. Inayos ko ang damit ko at pinigilan ang mga luha na gusto ng bumagsak mula sa mata ko.

Hindi pa ako nakakalayo ay biglang tumunog ang telepono ko.

"Hello—"

"Iha..."

"La? Bakit ho kayo naiyak?" alalang tanong ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko.

"Ang lolo mo... binaril"

Echoes of our ShadowsWhere stories live. Discover now