07

6 1 9
                                    

"Sige, Che, Tawagan na lang kita kung kakayanin kong makasunod. Wala kasing kapalitan magbantay ng shop si Mil kaya hindi ko talaga sigurado" sambit ko habang nakahawak sa telepono ko. 

Tumawag kasi si Che at nagtatanong kung kaya ko daw ba syang matulungan ngayon. Kaso ay need kong bumalik sa shop dahil walang kapalitan si Mil. Weekdays pa naman at paniguradong maraming customers ngayon.

"Morning" sambit ko kay Ash na kakalabas pa lang ng kwarto. Kakabangon nya pa lang pero hawak nya na agad ang clipboard nya at ibang mga papel. Grabe, hindi ba sya nagpapahinga?

"Yeah..." parang lasing nyang sagot.

"May sinangag dyan tsaka ham, hindi ko alam ang inumin mo pero nagpakulo naman ako ng tubig kung gusto mong mag kape" saad ko at nagpunta sa shoe rack.

"Thanks. May pupuntahan ka?" tanong nya at umupo na sa lamesa.

"Trabaho" maikli kong sagot.

"Oh, goodluck. Thanks for the breakfast" saad nya at tinanguan ko naman sya.

Papunta na ako sa shop ng biglang mag text si Mil at bilisan ko raw ang pagpunta. Kinabahan naman ako kaya halos takbuhin ko na ang papunta sa shop.

"Hindi nga ho sa amin binili yan, tignan nyo nga parang luma na yung basong ginamit dyan e" rinig kong sabi ni Mil. Nasigaw sya kaya naman tinakbo ko na ang papunta sa kanya.

"PINAPALABAS MO BANG SINUNGALING ANG ANAK KO?" sigaw ng babae.

"Kung kayo ba naman ang nanay, malamang sa malamang" matapang na saad ni Mill.

"Teka po, ano po bang nangyayari dito?" mahinahon kong sambit.

"ITONG TINDAHAN NYO ANG PROBLEMA! NAGBEBENTA KAYO LASANG AMAG PA?" sambit ng babae.

"Hindi ho sa amin yan. Ang cup po na gamit namin ay 16 at 32 oz lang, yang cup na hawak nyo po ay 35 oz. At hindi rin po ganyan ang packaging namin" pagpapaliwanag ko

"E sabi ng anak ko dito nya raw binili e, hindi naman sinungaling ang anak ko" ayaw nya pa ring magpatalo.

Pero hindi talaga sa amin yon.

"Kung sa amin kayo bumili, baka hindi lang amag ang inilagay ko dyan, baka damo at itlog pa ng sawa" inis na sabi ni Mil. Halata sa mukha ng babae ang pagkainis kaya naman naglakad na sya palayo.

"Tangina nya, teh. Akala ata nyan hindi ko sya papatulan" sabi ni Mil kaya inabutan ko na lang sya ng tubig.

Alas otso na rin ng gabi kaya nagpaalam na ako kay Mil. Hindi ko talaga natulungan ngayon si Che dahil hindi na rin kaya ng time ko pero okay lang naman daw. Dumaan muna ako sa palengke bago umuwi para bumili ng bigas. Pambihira kasi, nakalimutan ko pa yon bilhin kahapon?

"Tatlong kilo po dito" saad ko at ini ready ko na ang eco bag na dala ko. 

"Ito, iha" saad ng tindera at ini abot sa akin ang binili ko. Paalis na sana ako ng may marinig akong sumamid sa gilid ko.

"Uy, Julian" saad ko at maliit syang ngumiti.

"Ginabi ka na ah?" tanong nya at sinensyas na mag lakad na ako.

"Oo, galing ako sa shop, wala na kasi akong stock ng bigas" saad ko.

"Nakalipat ka na raw sabi ni Illea"

"Ah oo, kahapon lang. Balita ko magd-dorm ka na rin daw?" 

"Yup, doon lang ako sa may tapat ng tapsi king, kakalipat ko lang din nung thursday" wow, mayaman talaga sya. Karamihan sa mga nagd-dorm doon puro 3k-5k ang monthly.

"Ahh, balita ko nga magaganda ang dorm doon, kaso hindi ko afford e, kaya sa bancod na lang kami naghanap ni Mil" sambit ko at sinenyasan sya na tumawid.

Echoes of our ShadowsWhere stories live. Discover now