01

7 2 0
                                    

"Sino nga ulit yung estudyante ni Socrates?" tanong ni Megan habang nakahawak sa sintido nya, badtrip kasi sya dahil hindi sya nakasagot sa recitation kanina at may quiz kami sa UTS.

"Si Socrates, ang student nya ay si Plato, tapos si Plato naman, student nya si Aristotle" pagpapaliwanag ko kay Megan at agad nya naman iyong ni notes.

Second Sem na agad kami, at nakakalula pala talaga ang mag educ. Partida ay hindi pa ito major sub. Nakaka overwhelm, second sem na pero nao-overwhelm pa rin ako. Parang naf-feel ko na bobo ako.

"Puta, hiramin ko na lang utak ni Mau. Bobong bobo na ako sa inaaral natin, pareparehas lang naman ng concept! May naiba lang na mga element" inis na saad ni Avery habang walang tigil sa pagh-higlight.

"Akin si Mau, kay Julian ang utak na hiramin mo" pairap na saad ni Megan.

"Crush mo siguro si Julian, pwede namang si Arvin ang ituro mo pero si Julian pa talaga ha? Ang kire naman, Megan" pang aasar naman ni Karyle habang pa chill chill lang na kumakain ng oreo sa upuan nya.

"Issue ka kamo"

Mabuti na lang at nagstart na kaming mag quiz. Identification ang quiz kaya halos mapadasal sa lahat ng santo ang mga kasama ko. Kabisado ko naman, kaya thankful ako.

"Parang bobo e, sabi ko uno sa card hindi uno sa quiz" badtrip na saad ni Avery bago iuntog ang ulo sa upuan.

"Ditong singko lang ako natuwa" mayabang na saad naman ni Megan at idinikit pa sa noo ang yellowpad para maiyabang nya kay Avery.

"Paano naman si Mau, perfect ampota" usisang saad ni Karyle. Inilingan ko na lang sila bago nagligpit ng gamit. May 3hrs vacant kami bago ang sts class namin mamayang 6pm. Sa library ako natambay dahil ang tatlong kasama ko naman ay nauwi sa dorm nila.

Sumabay ako palabas sa kanila dahil may bibilhin ako sa 7/11, hindi na kasi nago-operate ang U-Mall namin kaya karamihan sa mga estudyante ay sa 7/11 na lang nabili o di kaya'y sa bayan.

Bumili lang ako ng kape dahil ayokong antukin. Dinownload ko na rin ang balita kaninang umaga dahil hindi ko iyon natapos. Maaga kasi ang klase namin kaya hanggang oil price hike lang ang napanood ko.

"Salamat po" saad ko bago bitbitin ang kape at lumabas sa 7/11. Medyo tinatamad akong maglakad kaya naman naisipan ko na lang na mag tricycle, tatlo na ang pasahero sa loob kaya naman nagpunta ako sa likuran at doon umupo. Akala ko ay aalis na ngunit nagulat ako ng biglang may tumabi sa akin.

"Uyy" yun lang ang nasabi ko sa kadarating lang na si Julian. May hawak rin syang kape at ilang folders. Napatingin ako doon at nakitang advance topic namin iyon sa STS. Paano ko nalaman? Kinabisado ko ang course guide.

"Lib ka rin?" tanong nya at tumango ako.

"Library, kuya. Dalawa po" saad nya at iniabot ang 50 pesos sa driver. Hindi agad nag sink in sa akin pero noong binabayaran ko sya ay ayaw nyang tanggapin. Ayoko ring mag pilit kaya hinayaan ko na lang. Kung ayaw edi ayaw, next time ko na lang sya bayaran.

Pagbaba namin ng Library ay tahimik lang kaming naglakad papunta doon. Hindi naman kasi kami close. Ang alam ko lang ay matalino sya at mamaw sya sa recitation. Ayoko rin kasi lumapit dito dahil baka sabunutan ako ng mga fangirls nya.

Pagkapasok namin sa lib ay kakaunti lang ang tao. Sa may dulo ako umupo dahil balak ko lang namang manood ng balita bago mag review. Inilagay ko ang earphone ko sa cp ko bago ko pinlay ang balita.

"Philippine inflation eased to 7.6 on march"

"Pig pen conditions at NCHM mirror state of PH mental health care"

Echoes of our ShadowsWhere stories live. Discover now