10

3 1 8
                                    

Nanatili lang ako sa kwarto hanggang sumapit ang hapunan. Mainit ang dugo sa akin nung Kyla, wala naman akong balak makipagtalo sa kanya at isa pa, kaibigan sya ni Ash kaya nagbasa na lang ako.

Lumabas lang ako noong 10 o clock na, masyado kasi akong na busy sa pagbabasa kaya nakalimutan ko ng kumain ng hapunan. Balak ko sanang bumili sa tindahan pero pagbukas ko ng pinto ay nag iinuman na sila.

"Mau, hindi ka pa nagd-dinner" sambit ni Ash at isinenyas ang kaldero sa kusina. Nagdadalawang isip ako kung ichecheck ko pa ba or magd-diretso bili na lang ako sa labas pero ang rude naman kasi kung hindi ko titignan.

Pagkapunta ko sa kusina ay nagluto pala sya ng Afritada, marami rami pa iyon dahil mukhang hindi pa rin nakain ang iba nyang mga kasama. Mas inuna ata ang pag iinom.

"Kain na"

"Uy" sambit ko kay Julian na naghuhugas ng kamay sa may lababo, hindi ko sya napansin.

"Late na dinner mo ah?" sambit nya at inabutan ako ng plato.

"Nakalimutan ko oras e, nagbabasa kasi ako. Kayo ba, kumain na?" saad ko at pumunta sa may lamesa para sumandok ng kanin.

"Yeah, sila Chad hindi pa, may tinatapos pa e" sabi nya bago hinawi ang buhok. Amoy alak na sya, pero mukhang hindi pa naman sya lasing. Parang hindi naman nalalasing ang isang to.

Naalala ko na naman tuloy yung text, sya kaya talaga yon?

Pero mukhang hindi ngayon yung tamang oras para tanungin sya e, mukhang marami syang iniisip.

"Mau? May ginagawa ka ba?" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Ash.

"Uh— kakain?"

"Pwedeng magpasama muna? Puro lasing na mga to e—"

"Hey, i'm not—"

"Fuck you, naka dalawang suka ka na"

Hala, nagmura?

"Shut up. Ano ba ang bibilhin? Ako na lang ang bibili" pag aalok ni Julian.

"Sige, pero ikaw lang hindi kasama si Mau?" natatawang saad ni Ash sabay tingin sa akin.

"What's wrong with you?" inis na sambit ni Julian.

Nag aaway na ba sila? Pero hindi ko naman kasalanan diba?

"Chad" tawag ni Ash at lumapit naman si Chad. Nginitian ako nito bago tumingin kay Ash.

"Patulugin mo na sila Kyla sa kwarto, dito na lang tayo sa sala. Kaya na naman nating tapusin yon. I'll buy more drinks" utos ni Ash at tumango naman si Chad. Mukhang hilo na si Kyla dahil hindi na sya nagmamaldita.

"Just... bilisan nyo na bumili" iritang sambit ni Julian bago bumalik sa sofa.

"Galit ba sya?" tanong ko kay Ash dahil mukhang galit si Julian. Inano ba sya? Kanina naman ang ayos pa ng mood nya.

"He's fine. Nagpapabebe lang yan" saad ni Ash at hinaya na nya akong lumabas.

May malapit namang convenience store dito kaya doon na lang kami nag punta. Hindi na rin ako nagbili ng pagkain dahil nagluto naman na pala sya. Pinakuha nya ako ng mga snacks dahil kukuha daw sya ng mga inumin. Iba iba ang kinuha ko dahil hindi ko naman alam ang taste nila.

"Okay na ba ito?" tanong ko at pinakita ang mga napili ko.

"Yeah, that will do. Thanks, Mau" pagkasabi nya noon ay nagdiretso na kami sa counter. Ang dami nyang biniling alak, siguro ay mga heavy drinker ang kasama nya.

"Grabe, mauubos nyo ba yan?" tanong ko.

"Yeah, tubig lang nila to" natatawang sabi ni Ash.

Pagka daan namin sa tindahan ay saglit na tumigil si Ash. Hinintay ko na lang syang maka bili dahil may mga bitbit din ako.

Yosi.

"Okay lang ba?" tanong nya at isinenyas ang yosi na hawak nya.

"Oo naman" saad ko dahil wala naman sa akin kung mag yosi sya. Nasa labas din naman kaya hindi makukulob yung usok. Kung magshashabu sya, yun ang hindi pwede, isusumbong ko talaga sya sa pulis.

"Anong lasa?" tanong ko at bigla syang napa ubo.

Kasalanan ko ba?

"Hala, sorry" natataranta kong saad. Baka nalunok nya yung usok.

"No, no... Wala tong lasa, Mau" pagpapaliwanag nya.

"Talaga? Pa try nga"

"Huh?!" taranta nyang tanong na ikina-kunot ng noo ko.

Try lang naman?

Ganito pala si Ash, mapag bigay sa ulam pero madamot sa yosi? Sige it-tweet ko sya.

"Nagrerebelde ka ba?" tanong nya.

"Huh? Hindi ah, gusto ko lang ma try"

"Bawal" saad nya sabay bato ng yosi sa damo. Madamot talaga sya.

"Bakit—"

"Hmm? Mahirap tigilan yan, Mau. Kaya hangga't kaya mong hindi simulan, wag na okay?" pagpapaliwanag nya sa akin. Mukhang hindi naman sya lasing pero para syang si lolo na nagbibilin.

"Sige, kailan ka ba natuto nyan?" tanong ko.

"I started smoking when I was 17" sambit nya habang tinatahak namin ang daan papunta sa apartment. Medyo malapit na rin naman kami.

"Ahh, yan na ba yung pinaka worst na nagawa mo?" tanong ko na ikinatawa nya lang ulit.

"What? No. I'll tell you but promise that you will keep this as a secret hmm?" hala lasing na talaga to, ramdam ko na sa tono e.

"Oo, promise! Kahit putulan mo ako ng daliri pag pinagsabi ko kahit kanino"

"Okay. When I was 14, I started drinking alcohols. 15, got my first piercing. 16, first tattoo. 17 I started smoking. 18, my unlicensed motor got bump into a truck. 19, I punch someone at the bar, and now 20, It seems like first heart break is approaching... Sana wag" pagpapaliwanag nya.

Hala, ang dami nya na palang kalokohang nagawa? Wala kasi sa itsura nya e.

"Nakaka turn off ba?" tanong nya.

"Huh?! Hindiii, parang iba lang kasi sa akin" saad ko.

"Ano ba ang sayo?"

"Hindi naman interesting pero nung 12 ako nanghampas ako ng bading, sinabihan kasing lumpong walang dulot si lolo e, syempre nainis ako, may sakit lolo ko tapos sasabihin nyang walang dulot, ayun hinampas ko talaga sya. Dumugo yung bibig pero hindi ako nakonsensya, nagsorry naman ako sa prayers pero kasi kung ayaw nyang mahampas sya sana maingat syang mag salita diba" pagpapaliwanag ko. Syempre inexplain ko nang maayos kasi baka sabihin ni Ash baliw lang ako.

"Well, you did nothing wrong. Yun lang ba ang nagawa mong hindi maganda?" tanong nya.

Napabuntong hininga ako.

Ayokong i share pero kay Ash lang naman at lasing naman sya.

"Meron pa, promise mo wag mo ikakalat ha"

"Promise"

"Kasi may nag chat na scammer kay lola non, wala namang alam sa cellphone ang lola kaya ako ang nag reply, ang ginawa ko binigay ko number ng kapitbahay naming mahadera, ayun sila ang na scam. Pero hindi ko talaga intention yon!!" 

Parang ang sama sama ko na.

"What?!" saad ni Ash at sobrang lakas ng tawa, grabe hindi ba sya naawa sa kapitbahay namin? Tandang pa naman ang ipinamusta nila sa scammer.

"Wag mo ako i judge—"

"Cutie. Uhhh!! I hope I won't get heart break at this age"

Echoes of our ShadowsWhere stories live. Discover now