06

5 2 3
                                    

"Opo, La, meron pa naman po akong ipon kaya wag na po kayong mag alala" saad ko kay lola habang kausap ko sya sa telepono. Pagkatapos nyang magbilin ay nagpaalam na rin ako na ibababa ko ang tawag dahil nag aayos na ako ng gamit ko. Mamaya kasi ay lilipat na ako doon at nandoon na rin yung ka share ko sa apartment. Sabi ng landlady ay lastweek pa raw nakalipat iyon kaya naman naayos na nya ang mga gamit nya.

"Ito lang ba lahat?" tanong ni Mil dahil dumaan sya dito sa akin at may dala pang milktea si gaga. Alam ko naman na naglilibang lang sya dahil break na sila ng girlfriend nya. Pinagpalit kasi sya sa lalaki.

"Oo, maliit lang din naman kasi ang kwarto ko doon tapos hindi naman ako pwedeng maglagay ng maraming gamit kasi may ka share ako sa kusina at sala" pagpapaliwanag ko habng tinitiklop ang mga towel.

"Nakapag grocery ka na, teh?" tanong nya.

"Baka mamaya na lang pagtapos kong iayos yung mga gamit ko doon?" sambit ko.

Kakaunti lang naman ang gamit ko dahil bumibili lang naman ako ng gamit pag alam kong kailangan ko yon. Nagkwentuhan muna kami ni Mil habang inuubos ang dala nyang milktea. Tinatago nya lang rin ang lungkot nya ng madako sa ex nya ang usapan namin. Sabi nya ay ipagpapalit nya rin daw sa lalaki ang ex nya para daw maramdaman ng ex nya ang hinagpis na naranasan nya.

Pagkatapos non ay nagpaalam na rin sya dahil sasamahan nya pa raw ang kapatid nyang mag enroll. Ako naman ay isinauli na ang susi ng tinutuluyan ko sa may ari dahil aalis na ako.

Dalawang sakay lang naman ako, mula sa amin pa Trece at Trece pa Indang. Pero dahil marami akong bitbit ay nagtawag na ako ng tricycle papuntang bancod. Pagkarating ko doon ay nakita ko agad ang landlady at nagsabi syang dumiretso na ako doon sa apartment.

Tatlong apartment ang mayroon dito. Yung dalawa ay pang apatan at itong isang isa lang ang pang dalawahan. Pagkalapit ko sa pintuan at kumatok ako ng tatlong beses. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng biglang bumukas ang pinto.

Hala.

"Ikaw si Maurys?" tanong ng lalaking kaharap ko ngayon. 

Naka salamin sya at may kamukha syang artista. Kamukha nya yung nasa team yey, si Marco ba yon? Pero adult version tapos naka salamin. Ang puti nya pa tapos hanggang tenga nya lang ako. Kung sa mga babae kasi ihahambing ay matangkad na talaga ako, pero pag dumikit ako dito sa taong kaharap ko ay magmumukha talaga akong maliit.

"Ah oo, ikaw anong name mo?" tanong ko. Napansin nya ata iyong bitbit kong mga bag kaya nilawakan nya ang bukas ng pinto at sinenyas na pumasok na ako.

"Ash na lang. Dyan sa right side ang kwarto mo then hati na lang tayo sa kitchen. You can use the drawers, I have basket naman" sambit nya sabay turo doon sa built in cabinet na walang laman.

"Then, you can put some foods in the ref, don't worry, hindi kita sisingilin for the ref" sambit nya at tumango tango naman ako.

"And for the sala, you can do whatever you want. We have different sched so that's your spare key, the pink one"

"Ay pink" wala sa sariling sabi ko kaya napatingin sya sa akin.

"Ayaw mo? We can exchange, wait" hindi pa ako nakakapag salita ay nawala na sya sa paningin ko. Maya-maya ay lumabas na sya ng kwarto nya habang haway ang kulay itim na keychain na may susi.

"You can have this" sabi nya.

"Huy okay lang sa akin yung pink, nagulat lang talaga ako sa kulay" sambit ko pero nagkibit balikat lang sya at naupo na sa sofa. Doon ko lang napansin na nagawa pala sya ng paperworks kaya hindi na ako nag usisa at nag ayos na lang ng gamit ko.

Sakto lang naman ang laki ng kwarto ko. Nasa kanang side ang kama ko habang malapit naman sa cr ang cabinet ko at may maliit na side table sa maygilid ng higaan. Alas kwatro na ata ako natapos mag ayos dahil nilagay ko rin ang ibang gamit ko sa kusina. Halatang mayaman si Ash dahil sa mga gamit nya dito sa kusina, iyong mga baso ko kasi kung hindi spiderman ang design galing sa birthdayan or binyag e.

"Ganda ng coffee maker" mahinang saad ko ng mapansin ang coffee maker katabi ng mini microwave. Anak mayaman talaga.

"Ohh, you can use that if you want. And Mau, I got you some padlocks, hindi naman kasi tayo magkakilala so yeah, better be safe right?" saad nya at inilapag sa may gilid ko ang binili nyang padlock. Titignan ko sana ang presyo para mabayaran pero punit kasi ito.

"Thank you!!" sigaw ko dahil pumasok na sya sa kwarto.

Napagpasyahan ko na munang maligo dahil ang lagkit na ng katawan ko. Kanina pa rin kasi ako nakilos. Pagkatapos ko dito ay balak ko ng mag grocery, malapit lang naman ang bayan dito. Pagkalabas ko ng kwarto ay nasa sala ulit si Ash may binabasa ulit. Wala pa namang pasukan pero siguro ay naga-advacnce reading sya.

"Is there any chance na lalabas ka? like right now?" sambit nya na parang nahihiya.

"Ah oo, lalabas talaga ako ngayon kasi bibili ako ng ilang stocks" sambit ko bago inilagay sa tote bag na dala ko ang wallet.

"Pwede bang magpasabay ng bili? Promise ngayon lang to, i just need to finish these stuffs" saad nya kaya tumango ako. Pinasulat ko sa kanya ang mga bibilhin, puro snacks lang naman at brearbrand choco? Ah basta ayoko i judge.

"Thanks so much" sambit nya bago ako lumabas.

At dahil gabi na, kakaunti na lang ang mga namamalengke dahil karamihan ay kumakain na lang ng street foods or di kaya ay napunta sa mga fast food chains. Nilakad ko na lang din pauwi dahil iyong ipapamasahe ko pang tricycle ay pang energen ko na bukas. 1000 lang ang ginastos ko para sa stocks ko ngayon, sana naman ay tumagal sa akin ito kahit dalawang linggo.

Pagkauwi ko ay ganoon pa rin ang itsura ni Ash, tumayo lang sya saglit at iniabot ko sa kanya ang pinabili nya, may sobra pa nga sa pinadala nyang pera kaya inabot ko na rin sa kanya.

"I cooked tinola, you can get if you want" saad nya ngunit hindi sya nakatingin sa direksyon ko. Ganito siguro talaga sya. 

Para syang robot na naka programmed ang lahat ng sasabihin.

"Thankyou, kumain ka na ba?" tanong ko habang inilalagay ang nabili kong stocks sa cabinet.

"Yeah" tipid nyang sagot kaya nagpatuloy na lang ako sa pag aayos. 

Pagkatapos kong ayusin ang mga pagkain ay kumuha na ako ng tasa at nagsalin ng tinola doon. Grabe kumpleto ang rekado at mainit init pa, kailan nya kaya ito iniluto? Parang ang bilis naman kasi.

Pagkatapos kong kumain ay niligpitan ko na agad ang pinagkainan ko at isinaman ko na rin ng ligpit yung mangkok na ginamit ni Ash.

Umupo ako sa kabilang side ng sofa at binuksan ang tv. Hininaan ko lang dahil may ginagawa si Ash at ayoko namang maka istorbo.

Tungkol sa pagtaas ng presyo ng bilihin ang balita ngayon at kinukuha ng reporter ang opinyon ng mga mamimili.

"Mau, what's your program?" biglaan nyang tanong kaya napatingin ako sa kanya. Sakto naman ay iniayos nya ang salamin nya.

"Social Studies"

"Oh, that's unusual, btw i'm a journalism student. What's your thought about that?" tanong nya sabay turo sa balita. Ipinaliwanag ko sa kanya ang stand ko at kung bakit iyon ang sa tingin kong tama. Tumatango lang sya sa akin na parang iniintindi ang lahat ng sinasabi ko.

"Ikaw ba, anong masasabi mo dyan?" tanong ko.

"Oh, for me? I think we shouldn't do promises if we're not able to do it. Maraming tao ang umaasa. Kahit ba may intention tayo na tuparin yon e alam naman nating hindi natin magagawa, bakit tayo mangangako?" he said before reading again. 

Echoes of our ShadowsWhere stories live. Discover now