05

5 1 4
                                    


"Siguro kaya ko na mag start next week. Tatapusin ko lang talaga yung mga pending requirements natin tsaka magsasabi din ako kay lola" saad ko kay Julian habang nandito kami sa labas ng department namin. Kakatapos lang kasi ng qualifying exam namin at sana naman ay pumasa. Naibigay na rin ang grades namin at ayos lang naman dahil pasok pa rin sa presidential lister.

"Sure. Just chat me na lang. Btw uuna na pala ako, pupunta pa akong Marikina e" saad ni Julian bago nagpaalam sa akin. I just chat Karyle na mauuna na ako dahil kailangan ko pang tumulong kay lola sa palengke, nasa loob pa kasi sila at nagt-test pa.

"Hoy teh sabay ka na sa akin!" sambit ni Mil kaya naman tumango ako at sumabay na sa kanya palabas ng university. Nilakad na lang namin papalabas dahil nasasayangan ako sa pamasahe at uuwi din naman din sya dorm nya.

Nitong bakasyon ay si Mil ang lagi kong nakakasama dahil sila Avery at Megan ay busy sa kani-kanilang lovelife at si Karyle naman ay biglaang pumunta sa Canada dahil kinuha na sya ng mama nya. Medyo nakakalungkot dahil sya lang ang pinaka close ko  pero umalis na sya. 

Good thing dahil lahat kami ay naka pasa sa qualifying exam kaya nabawasan na rin kami ng kaba. September pa ang pasok namin kaya naman may isang buwan pa kami ni Mil para makapag part time dito sa Milktea Shop. Tita nya pala ang may ari nito at kaibigan ni Julian ang pinsan nya kaya na recommend nya ako dito.

"Pangit naman nung bumuli ang arte arte pa" inis na saad ni Mil pagka alis ng customer namin. 

"Hayaan mo na"

"Ay puta bes, no! Sa ugali na lang babawi di pa magawa e, kampon ata ni Dana yan e" sambit nya kaya napailing na lang ako.

Hanggang 8 lang ako dito si Mil naman ay hanggang 10 dahil sa kabilang bahay lang naman sya malapit dito nakatira. Nagpaalam kasi ako sa owner kung pwedeng hanggang 8 lang ako dahil sinusundo ko pa si lola sa palengke.

Pagsapit ng 8 ay nagpaalam na ako kay Mil. Nilakad ko na agad hanggang palengke dahil baka kanina pa naghihintay doon si lola. Mabuti na lang at pagdating ko ay tinitiklop nya pa lang ang telon at nireready ang bag nya pauwi.

"Nako naman talaga si Francesca, pumunta pa dito imbis na umuwi na sa bahay. Pagod ka rin naman, apo, sana ay nagpahinga ka na" saad ni lola pero tinawanan ko lang sya at tinulungan sa pagaayos.

"Okay lang yon, la. Saka tumawag pala si Tita Mylene, tinatanong kung gusto nyo na raw bang bumalik doon sa probinsya, hinahanap na rin ho kasi kayo ni lolo" pagk-kwento ko habang naglalakad kami pauwi.

"Apo, e paano ka-"

"La, naman. Kaya ko na po, malaki na po ako. Tsaka mas ayos po kayo doon sa probinsya kaysa dito. Tsaka hindi nyo po ba namimiss si lolo?" tanong ko.

"At bakit ko naman mamimiss ang matandang yon? Puro sabong ang inaatupag"

Si lola pabebe pa e. Nnandito na kami ngayon sa terminal pauwing Albay dahil inihatid ko sya. Kunwari pang ayaw umuwi e sa sobrang excited nga ay nag luto pa ng palitaw. Bago sya sumakay ay napaka dami nya pang bilin kaya panay oo naman ako. Sabi ko ay pupunta na lang ako doon pag nakaipon. Plano ko na ring umalis sa tinutuluyan namin ni lola at humanap ng mas malapit sa school na dorm. Mamimiss ko talaga si lola pero hindi naman ako maka sarili para ipag damot sya kala lolo, alam ko namang kaya lang nandito si lola dahil iniisip nya ako.

"Malungkot ka bes? Inom na natin yan" pang aasar ni Mil dahil napansin nya ata ang pananahimik ko.

"Free ka ba sa saturday?" tanong ko dahil sa kanya na lang ako magpapasama maghanap ng apartment.

"Free naman, bakit?" saad nya at humarap sa akin.

"Hahanap ako dorm" sambit ko. Sapat naman na siguro yung ipon ko para sa dorm. May iniwan din na pera sa akin si lola at nagbilin sya na magpapadala sila ni tita sa akin.

Pagsapit ng sabado ay pumunta na kaming Indang para maghanap hanap ng dorm. Maganda sana iyong nasa tapat lang ng cvsu pero dahil marami ring freshies na galing sa iba't ibang lugar ay maaga silang nagpa save ng slot kaya sa Bancod na lang kami tumingin. 

"Wala na talagang tawad yon, teh? 1600 na lang maganda naman yung kaibigan ko e" saad ni Mil kaya napa sapo na lang ako sa noo ko.

"1500, iha. Iyon na lang talaga ang pinaka maibibigay ko sa inyong tawad. Sa totoo lang ay hindi ko na dapat papaupahan iyong apartment na yon dahil may nagpareserve na doon. Pero nung tinanong ko kanina ay pumayag naman"

"Sino ba yon, teh? Parang ang yaman naman, sinolo yung dorm e, hindi naman halatang selfish?" walang tigil pa rin na pagtatanong ni Mil.

"Nako anak ng politiko iyon, pero mabait naman. Tsaka iha, lalaki nga pala iyon, kung nagw-worry ka sa safety mo ay pwede mo namang lagyan ng padlock ang kwarto mo" sambit ng landlady.

Saglit tuloy akong napaisip. Pero kasi ito na lang ang pinaka murang dorm na nahanap namin ni Mil. Sa dorm din sana ni Mil kaso lang ay puno na rin at 2100 ang monthly. Masyadong mabigat para sa akin kaya kung sa tutuusin ay ito na yung pinaka magandang offer na makukuha ko.

"Sige okay lang po yon" sambit ko. Dalawa naman ang kwarto sa apartment at may tag isang cr. Sala at kusina lang talaga ang pagsasaluhan namin kung sino man sya. 

"Sure ka na ba don?" tanong ni Mil habang naglalagay ng suka sa binili nyang kwek kwek. Ala sais na rin kasi, ginabi na kami kakahanap.

"Oo. Yun lang din kasi ang pasok sa budget ko, mags-second year na tayo, mas dadami na bayarin natin" saad ko bago uminom ng buko juice. Nilibre ko ng street food si Mil dahil inabala ko sya ngayong araw at ito lang ang maibibigay ko sa kanya. 

Pagkarating namin sa Trece ay nag ikot ikot na muna kami sa may Capitol bago kami pumunta sa SM. Maganda dito pag gabi dahil maraming pailaw at maraming sidewalk vendors.

"Ay, samahan mo muna pala ako sa supermarket. Bibili ako ng pearl e, paubos na stock sa shop" saad ni Mil kaya tumango naman ako. Kumuha na rin ako ng cart dahil mamimili na rin ako kahit kaunti, wala na kasi akong stock. Balak ko naman mag grocery bago lumipat sa dorm pero syempre next week pa ako lilipat doon kaya need ko rin muna ng makakain habang nandoon pa ako sa tinutuluyan ko.

"Hey" napalingon ako sa gilid ko dahil sa biglaang nagsalita.

Si Julian.

"Uy, kamusta" saad ko. 

Nakasuot sya ng brown na shirt at khaki pants. Mukhang galing syang bookstore dahil sa paperbag na hawak nya.

"Doing good. May binili ako sa bookstore... some stuff" saad nya at tumango naman ako sa kanya.

"Sinong kasama mo?" tanong nya at saktong dating naman ni Mil.

"HOY JULIAN!!" grabe ang lakas ng bunganga nya.

"Illea" saad ni Julian na kinatawa ko.

"Tangina mo, Lendele" inis na sambit ni Mil sabay middle finger.

"Nag dinner na kayo?" tanong ni JUlian.

"Kung ililibre mo kami, hindi pa. Pero kung nagtatanong ka lang, need na namin umuwi" baliw talaga tong si Mil. Pero dahil sa pangbuburaot nya ay napapayag nya si Julian na ilibre kami sa KFC.

Papunta na kami sa KFC nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya sabay sabay kaming napatingin doon at nag flash ang pangalan ni Yosh.

"Oh, hintayin ka na lang namin" sambit ni Julian bago sya naglakad papuntang KFC. Napatingin ako kay Mil na naka ngisi bago tuluyang sumunod kay Julian.

Kibit balikat ko na lang na sinagot ang tawag ni Yosh.

Echoes of our ShadowsWhere stories live. Discover now