02

10 1 5
                                    

"Nab-blangko ako, Mau. Baka pwedeng pa kopya na lang ako para sa quiz natin mamaya" antok na saad ni Karyle habang nakikipagtitigan lang sa reviewer nya.

Wala iyong dalawa dahil busy sa lovelife.

"Kung nagsisimula ka ng mag basa edi may maisasagot ka mamaya" saad ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pagh-higlights ng notes. Meron kaming exam mamaya sa inclusive ed. Medyo nakakalito dahil marami ang sakop ng quiz. Hindi ko nga alam kung sasapat ang review na ginagawa ko e, pero sana naman ay mataas ang grado na makuha ko.

"Maurys" sabay kaming napalingon ni Karyle sa lalaking nag salita sa gilid namin. Si Julian.

"Buti dumating ka, Julian! Kanina pa ko uhaw na uhaw e, hindi lang ako maka alis kasi walang kasama tong si Mau. Una na muna ako ha? See you na lang sa quiz mamaya" paalam ni Karyle kaya kinawayan ko sya paalis.

"Bakit?" tanong ko kay Julian na ngayon ay naka upo na sa harapan ko.

"May organization ka na ba na sinalihan?"

"Ahh, wala e. Hindi ko na balak mag org kasi balak ko mag part time if maka adjust ako sa schedule natin" pagpapaliwanag ko.

"Work? Do you need money?" tila curious na tanong nya.

"Oo, kailangan sa maintenance ni Lola e. Magpapadala rin ako kala ninong kapag naka ipon"

"Ohh, Can you cook? Anything na kaya mong gawin?" pagtatanong nya.

"Oo, marunong ako mag luto. Marami naman akong kayang gawin, nahihirapan lang ako sa paghahanap ng trabaho kasi hindi ko pa gamay yung schedule natin" pagpapaliwanag ko.

Siguro ang iba ay mamamahangha kapag marami kang kayang gawin, but for me it's not that amazing. Kapag marami kang kayang gawin parang nag eexpect na yung mga tao sayo. Yung tipong kapag may hindi ka magawa, matatanong ka nila na "Akala ko ba magaling ka?" tapos ang tingin na nila sayo 'hindi kagalingan' expectations really destroy people.

Julian and I ended up exchanging our instagram accounts dahil marami daw syang alam na part time na pwede kong subukan. He will send me the deets after class.

The whole afternoon is full of rants. Lahat ata ng subject ay nasumpa na ng mga kaklase ko maski na ang nstp dahil sobrang demanding daw. Almost all of us choose cwats, kakaunti lang ang nag rotc sa amin.

"Si Brian na lang ang mag-group sa atin ha. 10 groups tapos tagf-four members" saad ni Phara bago kami pinayagang umuwi. Isesend na lang daw ang groupings sa gc namin.

It's been a long day pero pagkatapos kong magligpit ng pinggan ay dumiretso na ako sa study table ko. Pinatay ko ang ilaw at binuksan na lang ang bigay na kandila sa akin ni Yosh para makatipid sa kuryente.

Inilabas ko ang notes ko sa Panitikang panlipunan namin at nagsimula ng mag scanning, nang biglang tumunog ang messenger ng cellphone ko. Nagbaba na pala si Brian ng groupings namin para sa nstp at ka group ko si Arvin, Cheska at Julian. Wala akong ka group sa mga kaibigan ko pero feel ko naman kaya na nila iyon. Sa isla kami naka assign, magdadala kami doon ng mga cangoods at iba pang pagkain na makakatulong sa mg taga isla. Ang iba ko namang mga kaklase ay sa prison, health center at iba pang lugar naka assign.

Dumating ang sabado at 5am ang calltime namin. 4:30 pa lamang ay nakahanda na ako, naabutan ko pa si lola na paalis na sa bahay dahil ala singko ay napwesto na sya sa palengke.

"Mag-iingat ang apo ko ha" saad ni lola bago humalik sa noo ko at nagpaalam na umalis. Magkaiba kami ng dadaanan kaya hindi na ako sumabay. Pag sapit ng 4:40 ay umalis na ako sa amin.

Pagdating ko sa campus ay nandoon na si Julian, Cheska at Arvin. Mamamasahe na lang kami papunta sa daungan pa isla dahil apat lang naman kaming naka assign doon.

Echoes of our ShadowsWhere stories live. Discover now