08

7 1 2
                                    

"Wala na ho kayo sa mga desisyong ginagawa ko kaya sana ho ay hayaan nyo na lang ako" umagang umaga ay may naririnig akong ingay sa labas. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng kwarto para sana pakinggan kung anong nangyayari.

"Nagmamalaki ka ba ngayon? Ashanti, we all know that your money is from hardwork of your dad" boses ng babae.

Hala.

"Hard work? " sarkastikong sambit ni Ash.

"Baka dirty works? And please, Tita Rei, wag mong ipagtanggol si dad dahil may nakukuha kang pera sa kanya"

"For pete's sake, Ashanti! Lahat ng nakukuha kong pera ay napupunta sa kapatid mo, can't you understand that?"

"He's not my brother" ramdam sa tono ng boses ni Ash na naiinis na sya.

"Ganyan ka bang pinalaki ng nanay—"

"For fuck's sake tita, don't you dare mentioning my mom here. You know nothing"

"Bakit? Namimiss mo pa rin ba ang nanay mo? She's gone, Ashanti" nangiinis na saad ng kausap nya.

"Can you just please leave? Before I tell to my dad that you're still sleeping with the father of your son"

"How—"

"JUST FUCKING LEAVE!! Hanggang may natitira pa ho akong respeto sa inyo"

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago ako lumabas. Narinig ko na rin naman ang pagsara ng pinto kaya sigurado akong nakaalis na ang kausap ni Ash kanina. Hindi ko lang alam kung tama bang lumabas na ako or mamaya na lang.

Napagpasyahan ko na lang tuloy na maligo muna agad bago lumabas. Pagkalabas ko sa kusina ay nasa sofa lang si Ash at kaharap ang laptop nya.

"Morning" saad ko bago dumiretso sa kusina.

"Morning" maikling saad nya.

Nagluto na lang ako ng hotdog at sinangag. Nag bearbrand siguro sya kanina dahil mayroon pang mainit na tubig. Inihain ko na ang nailuto sa mesa bago tinawag si Ash.

Umupo sya sa may upuan sa harapan ko pero tumayo din sya at mukhang magtitimpla muna ng inumin nya.

"Mau, sorry kanina. Alam kong nagising ka sa ingay" sambit nya habang nakatalikod sya.

"Ahh, ayos lang yon" saad ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Thanks for the breakfast" sambit nya at nagsimula ng kumain.

Buong umaga tuloy lutang ang isip ko. Wala akong pasok ngayon sa shop dahil day off ko. Tinawagan ko na rin sila lola para mangamusta. Naisipan kong mag laba na lang kahit kaunti pa lang ang maduming damit ko. Wala kasi akong budget pampa laundry, ngayon ngayon nga lang ako nakakatipid dahil libre lagi ni Ash ang hapunan.

Nagsabi si Ash na baka gabihin raw sya ng uwi kaya i padlock ko na lang raw ang pintuan kapag matutulog na ako. Maghapon lang akong nag ayos ng kwarto at naglinis na rin sa sala at kusina. At dahil wala si Ash ay nag luto na lang ako ng pritong manok. Dalawa na rin ang pinrito ko dahil baka hindi pa sya nakakakain pag uwi nya.

Pagkatapos kong magluto ay kumain na rin ako. Sakto naman na tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito agad.

From: Unknown

Hi, this is Julian. Got your no. from Illea, is Ashanti there?

Hala buti na lang may load ako.

To: Julian

Hello. Umalis sya e, kaninang umaga pa.

From: Julian

Do you have any idea where he is?

Napaisip tuloy ako. Hindi naman kami close ni Ashanti. Madalas ko lang syang nakikitang nagawa ng paper works, nagl-laptop, nagluluto o di kaya ay nanonood ng netflix.

Basic knowledge lang ang alam ko sa kanya na kahit sinong tao ay mahahalata kapag kasama sya.

To: Julian

Hindi ko alam e, ang sabi nya lang baka late na raw sya maka uwi.

From: Julian

Thank you, Mau. Enjoy your dinner

Hindi ko na sya nireplayan pagkatapos non. Paubos na kasi ang text to all networks ko. Iuupdate ko pa naman sila lola.

Habang nanonood ako sa sala ay biglang nagchat si Che. May random email daw syang natanggap. Noong una daw ay akala nya ay interested participant pero noong binabasa nya raw ay parang nahingi ng tulong kaya ifinorward nya ito sa akin.

From: SanchezMrry

Open for consultation po ba kayo?

Hello po, alam ko po weird yung first message ko sa inyo pero panakip lang po iyan para hindi po mahalata ng boss ko. Gusto ko rin po kasi sana magpa interview sa inyo kaso po ay hindi po ako pinapayagan ng boss ko, ang sabi nya po ay wala naman daw po akong mapapala kahit pa magpa interview ako sa inyo. Pero kasi po kahit meron o wala ay gudto ko pa rin pong subukan.

Isa po kasi akong kasambahay dito sa maynila, ulila na po kami ng kapatid ko na nasa Cagayan. Pinabantay ko po kasi sya sa tita ko. Noong una naman po kasi ay maayos ang trato sa kanya roon at mabait naman po ang tita ko. Pero nagsimula pong hindi ko na ma contact ang kapatid ko noong nagkabentahan na po ng lupa. Malaki po kasi ang parte ng lupa ni tatay doon. Tinawagan po ako ng tita ko kung gusto ko raw bang ibenta dahil may bumibili na. Hindi po ako pumayag dahil balak ko pa pong pa taniman yon kapag nakaipon po ako. Pagkatapos po ng araw na yon ay hindi ko na po nakakausap yung kapatid ko, sinubukan ko na po lahat ng way pero wala po talaga. Tapos nagulat na lang po ako may dumaan sa feed ko about sa lupain sa Cagayan, kasama po doon yung property namin at tatayuan na raw po ng mall. Sana po ay matulungan nyo ako, kahit sa pag reach out na lang ng kapatid ko, salamat po

Pagkatapos kong basahin ang email ay tinanong ko kay Che ang balak nyang gawin. Sabi nya ay kung kaya ko daw bang gawan na lang ng article ito at i-post na lang namin sa page. Simula kasi nung mag trend ang interview na ginawa namin na dapat pang project lang, maraming nagcomment na gumawa na lang daw kami ng page or youtube account para mag operate ng mga ganoong klaseng video. Sobrang hands on naman si Che dahil nagdagdag din sya ng ibang tao para sa grupo namin. Kinuha nya si Mikee na syang nagm-manage ng Social Media platforms namin at si Ruka para sa pag aasikaso ng mga respondents, at syempre ako, katulong nya ako minsan sa pags-shoot at kadalasan ay gumagawa din ako ng articles.

Kinuha ko ang laptop sa kwarto ko dahil balak ko ng umpisahan ang article. Paglabas ko ay inilapag ko muna ang laptop sa sala bago nagtimpla ng kape. Nakaka akit kasi yung coffee maker ni Ash parang ang ganda ganda gamitin. Sabi nya naman okay lang daw na gamitin ko e.

Alas diez na ako natapos magtimpla ng kape dahil hindi pala sya madaling gamitin. Pinatay ko na lang ang TV. Dahil need ko na rin namang magsulat. Actually ay wala namang binigay na deadline si Che pero gusto ko lang din na tapusin na.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ay bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon.

"Bakit gising ka pa?" tanong nya na parang nagulat bago sinara ang pinto. 

"Ahh, may tinatapos lang na article" saad ko.

Napansin kong may hawak syang sigarilyo pero mabilis nyang itinapon iyon sa basurahan. Gulo-gulo din ang buhok nya pero wala namang bago doon.

"Sorry hindi ko nasabi na hindi ako makakapagluto ng dinner" sambit nya bago dumiretso papunta sa kusina.

"Okay lang. May manok pa dyan, nagluto kasi ako kanina. Baka hindi ka pa nakain" saad ko habang  binabasa ang article na ginagawa ko.

"Ohh, thank you" sambit nya.

"Oo nga pala, Ash. Hinahanap ka ni Julian kanina" sambit ko ng maalala ang text ni Julian.

"Huh" tila naguguluhan nyang tanong kaya napalingon ako sa pwesto nya.

"Oo, tinatanong kung nandito ka daw sa apartment e" pagpapaliwanag ko.

"But, I'm with him?" tila gulong gulo nyang saad.

"Huh" ako naman ngayon ang napa huh.

"Magakasama kami kanina. Private party" saad nya na lalong nagpagulo sa isip ko.


Echoes of our ShadowsМесто, где живут истории. Откройте их для себя