Kabanata 20 : Pagwasak ng mga Hadlang

360 40 4
                                    


Kabanata 20 : Pagwasak ng mga Hadlang

STU, Office of the President

El Paradiso Island


"Hindi ko naman siya papatayin ipapalayo ko lang." sabi ni Ion.

"Huh! Ipapalayo? Pero sa Mafia mo pa ipapagawa." sabi ni Aj.

"Sa unang sinabi mo, nasa media ang angkan ni Eye at ito ang pinagkakakitaan nila. Sa tv station nila sa news department maraming nasagasaan ang mga tauhan niya lalo na ang tatay niya na isang batikang reporter." sabi ni Ion.


"Hmmmn. Kaya ba sa Mafia ka lalapit para palabasin na ang pagkawala ni Eye ay puwedeng dala ng mga nasagasaan ng ama niya. O baka naman gusto mo rin palabasin na ang pagkamatay ng magulang niya ay dala ng Mafia o mga taong binangga nila."
sabi ni Aj

"Hindi sa ganoon." sabi ni Ion.

"Alam mo tito Ion sa mga taon ko sa kurso ko at sa pagtatrabaho bilang trainee sa iba't ibang ahensya ng pamahalan lalo na sa Green Island naisip ka na ang pag-ambush sa pamilya ko ay gawa-gawa lamang." sabi ni Aj na ikinatitig ni Ion dito.

"Talaga?" sabi ni Ion dahil hindi naman lingid sa grupo na kaya pumasok si Aj at kumuha ng kurso nito sa kolehiyo para malaman ang dahilan ng hindi matukoy pagpatay sa pamilya nila at dahil sa nobya nito na sinasabing miyembro ng Mafia.

"Tulad mo, gusto mong palabasin na mawawala si Eye dahil sa nabangga niya pero ang totoo nasa tabi lang niya ang salarin o malapit sa taong pinagkakatiwalaan niya." sabi ni AJ.

"Uulitin ko hindi ko siya papatayin, ipapalayo ko lang. Tatakutin, kapag natakot siya for sure lilipat siya ng lugar kung saan hindi na niya makakasama si Uno. Bagay na mapuputol ang komunikasyon nila." sabi ni Ion.

"Natanong mo na ba si Uno kung bakit nakadikit ang babaeng iyon sa kanya na kung susumahin ilang taon ang tanda sa kanya." sabi ni Aj na ikinakunot noo ni Ion.

"Hindi. "sabi ni Ion.

"Hindi? Kailan mo tatanungin o binalak mo bang kausapin ang anak mo tungkol sa reporetr na kasama niya? O baka naman lumayo na si Uno sayo kasi naramdaman niya na ayaw mo ang paglapit niya kay Eye." sabi ni AJ

"Sandali nga, ano bang gusto mong sabihin at ipakahulugan?" sabi ni Ion.

"Bukod sa memo na gusto kong ibaba mo, naisip ko kasi hindi kaya taktika ni Eye na dumikit sa anak mo para sa proteksyon niya." sabi ni Aj.


"Anong ibig mong sabihin? Kasi naguguluhan ako sa dami ng sinasabi mo at paksang sinasabi mo."
sabi ni Ion na naiinis na.

"Ang mga sinasabi ko ay magkakarugtong. Alamin mo sa anak mo kung bakit nakadikit si Eye sa kanya, o baka may alam ang anak mo." sabi ni Aj.

"Saan naman?" sabi ni Ion na naguguluhan na talaga sa takbo ng usapan.

"Hindi ko alam o siguro takot si Eye na siya ang isunod ng pumatay sa magulang niya o sabi nga nila namatay ang magulang nito dahil sa eskandalo ni Eye. Pero ang tanong saan ba galing ang eskandalo?" sabi ni Aj.

"Mukhang ang dami mong iniisip Aj at inaalam." sabi ni Ion.


"Kasi kailangan, kasi ang pinsan ko ay nakadikit kay Eye na gusto mong papatayin."
sabi ni AJ.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWhere stories live. Discover now