Kabanata 8 : Role Play

267 36 2
                                    


Kabanata 8 : Role Play

...............

Hours Later

Aj's House, El Paradiso


"Bakit ganoon? May nangyari bang ganoon?" sabi ni Hestia kay Sisi ng mabasa ang script sa role play kung saan si Sisi ang gumawa.

"Siyempre hindi naman natin alam kung ano talaga ang naganap sa kasaysayan kaya nag-isip ako ng posibleng naganap." sabi ni Sisi.

Tahimik lamang si Aj at apat na batang lalaki habang binabasa ang script na ginawa ni Sisi.


"Parang ayoko niyan."
sabi ni Hestia.


"Hestia, sa panahon ng Kastila at Hapon talaga malupit ang mga pangyayari at sa mga panahon na iyon may mga bida na tulad sa nobela at may mga kotrabida at minsan ang bida nagiging kontrabida."
sabi ni Sisi.

"Ayoko." sabi ni Hestia.

"Okay na ito." sabi naman ni Aj na ikinatingin ng apat na batang lalaki dito.


"Aj."
sabi ni Hestia.


"Ito ang kasaysayan ng bansa namin kaya hindi natin mababago iyon."
sabi ni Aj kay Hestia na ikinakunot noo ni Sisi sa sinabi ni Aj.

"Namin? Bansa namin?" nagtatakang sabi ni Sisi sa isip.

"Ginawa lang naman ni Sisi na si Julio Nakpil ang nagpapatay kay Andres Bonifacio. Walang nasusulat na ganoon sa kasaysayan na kahit nga ang panggagahasa kay Gregoria De Jesus ay hindi napatunayan kahit siya mismo ang nagsabi nito." sabi ni Hestia.

"Nagbasa ka?" napangiting sabi ni Aj na ikinatahimik ni Hestia.

Nang matahimik si Hestia muling napangiti si Aj at umusal.

"Tama ang ginawa mo, magbasa ka kaso hindi lamang pagbabasa dahil kailangan mo rin ng kaalaman sa pagsisiyasat sa mga naganap noong unang panahon kung ano nga ba?" sabi ni AJ

"Pero Aj, kapag ako ang kamag-anak ni Julio Nakpil at nabasa ko ang script ni Sisi magagalit ako. At panigurado babagsak kami dahil ang ginawa niya ay walang ebidensya at hindi nasusulat." sabi ni Hestia.

"Tama, pero sinabi ba ng guro mo kung ano ang do's and don'ts sa role play?" sabi ni Aj.

"Hindi, pero ang kasaysayan ay dapat na makita ng katotohanan ng makakapanood nito." sabi ni Hestia.

"Ang kasaysayan ay sinulat lamang ng isang tao na puwedeng sinulat niya ng iba sa totoong naganap." sabi ni Aj.

"Aj, para mo naman sinabi na ang sampung utos ng Diyos ay hindi totoo dahil galing lang ito sa bibig ng isang tao na isinulat papunta sa iba." sabi ni Hestia

Nakikinig lang at nanonood ang apat na batang lalaki at si Sisi kay Aj at Hestia sa pagtatalo ng mga ito.

"Ang usapan ay kasaysayan at bakit ba big deal sayo ang sinulat ng kaklase mo na kung si Sisi nga hindi natatakot sa sinulat niya." sabi ni Aj kay Hestia.


"Hindi ako natakot kasi naisip ko bakit ang mga palabas sa tv ay kakaiba din na hinaluan ng hindi naman totoong naganap. Fiction na ginawa nilang kasaysayan."
sabi ni Sisi na ikinangiti nI Aj

"Tama, at iyon ang pagpapahayag na may tapang." sabi ni Aj na ikinakunot noo ni Hestia.

"Hindi naman big deal sa akin ang sinulat niya kundi nilagyan niya ng imahinasyon lamang niya ang kasaysayan at mali iyon." sabi ni Hestia.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWhere stories live. Discover now