Prologo 2 : Ang Susi

375 41 3
                                    

Prologo 2 : Ang Susi


"Nabibingi ka na kahit bata ka pa." sabi ni Aj na ikinahawak ng kamay ni Hestia sa mukha ni Aj habang nakatayo ang batang babae sa harapan niya, at nakaupo pa rin si Aj sa buhangin ng baybaying dagat.

"Huwag kang magsisinungaling, iyon ang pinakaayaw ng batang tulad ko. Ang sabi ni daddy kapag nagsinungaling ang isang tao, malalamatan ang pagkilala nito sayo. Mas okay ng mapahiya at magkamali kaysa magsinungaling. Mas okay tumanggap ng kamalian kaysa mabuhay ka sa kasinungalingan." sabi ni Hestia na ikinatitig ni Aj dito.


"Nag-aaral ka na ba?"
sabi ni Aj habang nakatitig kay Hestia, at muli hindi siya magtataka kung ganoon magsalita si Hestia dahil ganoon magsalita ang mga bata sa Amerika, mas matured mag-isip kaysa sa mga kabataan sa Pinas.

"Homeschool." sabi ni Hestia.


"Bakit?"
sabi ni Aj.

"Natututo naman ako kaya okay lang." sabi ni Hestia.


"Mas matututo ka pa kapag nasa school ka."
sabi ni Aj.

"Kapag nag-school ako sasamahan mo ba ako?" natawang sabi ni Hestia.

"Hahaha! Big girl ka na dapat matuto ka mag-isa sa school kahit wala kang kasama." sabi ni Aj.

"Sabi mo kanina bata pa ako, tapos ngayon big girl na ako. Ang gulo mo rin kausap." sabi ni Hestia.

"Bata ka pa pero kailangan ng steps para matuto ka, big girl ka na kasi nakakapag-isip ka na. Nakuha mo?" sabi ni Aj.

Umiling si Hestia na ikinangiti ni Aj.

"Uuwi na ako, iiwan na kita." sabi ni Hestia sabay layo ng bahagya kay Aj.

"Maging mabait kang bata." sabi ni Aj.

"Opo kuya." sabi ni Hestia saka ito ngumiti.

Napatitig si Aj kay Hestia na ikinangiti lalo ng batang babae dito.

"Kanina ka pa titig ng titig, pagdalaga na ako gaganda pa ako. Sabi ni Daddy, kamukha ka daw si Mommy pero kapag tumitingin ako sa salamin iba ang nakikita ko. Maganda si Mommy kaso iyong mukha ko iba, pero sabi ni daddy pareho lang na maganda." sabi ni Hestia na ikinatikhim ni Aj.

"Kamukha mo si Tita Shimmer, may hawig ka nga kay Fayra. Maganda." sabi ni Aj pero ang totoo tama si Hestia, habang lumalaki ito iba ang mukha nito. Nakita na niya ito dati ang akala nga niya ibang bata dahil iba ang mukha nito, at ng malaman niyang anak ng ina ng pinsan niyang si Hades nagtaka siya pero kalaunan naisip niya na baka kamukha si Hestia ng ama nitong namatay.

"Salamat." sabi ni Hestia saka ito yumuko ng ulo at umusal.

"Huling paalam ko na po. Aalis na ako, sana kapag nagkita po tayo masaya na ang mga mata mo." sabi ni Hestia saka ito tumayo ng tuwid at may kinuha sa bulsa nito.

Napatingin si Aj ng ilabas ni Hestia ang kamay nito mula sa bulsa ng shorts.

"Sabi nila paborito mo ang berries. Kinuha ko ito kanina sa Franxie Resto babaunin ko sana kaso nakita kita kaya sayo na lang." sabi ni Hestia na ikinatitig ni Aj sa pula at asul na nasa palad ni Hestia.


"Berry katunog ng merry. Sayo na."
sabi ni Hestia saka nito kinuha ang palad ni Aj at inilagay ang dalawang uri ng berries sa kamay ni Aj.

Nakatitig lang si Aj sa berries na nasa kamay na niya ngayon na ikinangiti ni Hestia.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora