Kabanata 2 : Tiwala

373 50 3
                                    


Kabanata 2 : Tiwala


"Gusto ko ilayo si Hestia sa mga tulad nila." sumeryosong sabi ni Aj sabay turo sa labing anim na taong gulang na sixtuplets na natahimik ng tingnan sila ng matalim ng kuya nila.

"Bakit naman?" sabi ni Heaven.


"Gusto ko kahit na may anak kami ni Hestia, maranasan niya maging bata. Kaya nga nilihim natin ang sanggol di ba? Para na rin sa proteksyon niya pero kung ganito lagi ang makikita niya at maririnig hindi iyon makakatulong sa kanya."
sabi ni Aj.

"Ikaw naman ang may gawa ng sanggol, dapat naisip mo iyon bago mo siya inano." inis na sabi ni Heaven.

"Tama ako nga, kaya bakit ba ako nagpapaalam sa inyo kung anong gagawin ko sa mag-ina ko. Pasalamat nga kayo sinasabi ko pa." sabi ni Aj na ikinatalim ng mata ni Heaven kay AJ.

"Bastos ka ha. Hindi porque nasa iyo ang anak ng asawa ko may karapatan kang umasta ng ganyan. Tandaan mo menor de edad pa lang iyan at kung gugustuhin namin makukuha ng asawa ko ang anak niya" sabi ni Heaven na ikinangisi ni Aj.


"Anak niya...."
sabi ni Aj sabay turo kay Shimmer na ikinatahimik ng lahat


"....tama ka, anak niya, anak ng asawa mo kaya hindi mo anak. Naririnig mo ba ang sinasabi mo tito kung paano mo sabihin kung sino si Hestia sa buhay ng pamilya mo. Anak lang siya ng asawa mo, ni hindi mo nga matawag na anak si Hestia."
mapanuyang sabi ni Aj kay Heaven.

"Aj! Anak, tama na." sabi ni Chhaya kay Aj.

"Tama naman ako di ba? Mabuti nga sinasabi ko sa inyong lahat kung anong plano ko sa mag-ina ko. Na kung tutuusin dapat hindi na ako nagpapaalam... Ahh! hindi pala paalam ito kundi nagrereport lang ako kasi nga naman menor de edad ang asawa ko." sabi ni Aj.

"Bastos ka talaga. Kaya ang media at buong Cheung Clan ayaw sayo, mas kinikilala nila si Amon kaysa sayo." sabi ni Heaven.

"Tama na Heaven." sabi ni Shimmer sa asawa.

"Wala naman akong pake sa mga sinasabi mo. Nabuhay ako na AKO lang kasama ng mga kapatid ko. Kaya kong tumayo sa paa ko." sabi ni Aj kay Heaven habang pinagmamasdan lang ni Autumn ang anak na si Aj.

"Talaga lang ha? Kaya pala kinuha mo lahat ng mana mo. Biruin mo mautak ka. Ginamit mo ang anak ng asawa ko para makuha ang gusto mo.

Tapos ano ang sinasabi mo? Malayo ka sa amin, sa Lopez at sa Valiente? Huh! Kahit ang Cheung Clan hindi mo kinikilala. Ang tibay mo rin eh 'no. Eh kung tutuusin hindi ka mabubuhay kung wala ang magulang mo. Mas mabuti pa at mabait ang anak ko kaysa sayo, at kung tutuusin mas may karapatan siya maging leader ng grupo niyo kaysa sayo." sabi ni Heaven na ikinatahimik ng lahat bukod kay Aj na napangisi at hindi man lang nakanti sa sinabi ng tiyuhin nito.


"Sinabi ko bang lahat ang sinabi mo, o talagang nakikita mo lang. Ito ako, at hindi ko kailangan magmagaling para umupo sa puwestong AYOKO at pinipilit lang naman sa akin.

Pumunta ako dito para sabihin lang ang plano ko sa pamilya ko. Paggalang ang tawag doon, at hindi ko hinihingi ang opinyon niyong lahat. Magkaiba ang paggalang sa sasabihin lang ang pakay sa pangingialam sa buhay namin ng pamilya ko." sabi ni Aj na ikinaiwas ng tingin ng sixtuplets sa takot ng makitang seryoso na si Aj.

"Ilang taon ka pa lang pero ang yabang mo na." sabi ni Heaven


"Ano bang kinayabang ko? O baka natamaan ka lang sa sinabi ko. Kaya nga ayaw sa inyo manatili ni Hestia kasi nararamdaman ng bata na hindi mo siya tinuturing at ituturing na anak."
sabi ni Aj.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWhere stories live. Discover now