Kabanata 18 : Isang Pagkakamali

270 37 7
                                    


Kabanata 18 : Isang Pagkakamali

Aj's House


"Oh! Shit. Tingnan niyo." sabi ni Dustin ng ilusot nito ang cellphone sa bintana ng kuwarto ni Hestia.

Mabilis na nagsitago ang apat na batang lalaki at tiningnan ang video na nakuhanan ni Dustin.

"Ohhhhh! Grabe." sabi ni Gary ng makita sa video si Hestia na nakataklob ng kumot habang yakap ni Raven.

..................

Hestia's Room

"Magbihis ka na, tapos magpahinga." masuyong sabi ni Raven kay Hestia.

"Sorry." sabi ni Hestia kay Raven.

"Para saan?" sabi ni Raven

"Kasi mahal ko si Aj, kasi pakiramdam ko niloko kita." sabi ni Hestia.

"Hindi mo ako niloko." sabi ni Raven.

"Niloko kita pero niloloko niya rin ako." sabi ni Hestia na ikinatiim ng bagang ni Raven.

................

STU Lab

"Mahal ko si Hestia." sabi ni Aj sa mahinang tinig na ikinatingin ni Nayumi dito.

"Kaso bata pa?" sabi ni Nayumi sabay tingin sa ginagawa ni Aj dahil kahit nagsaalita si Aj at maraming gumugulo sa isip nito nakikita niya ang kamay ng binata ay tila may sariling utak.

"Gusto ko siya matuto. Gusto ko maramdaman niya lahat ng sakit, ng sa ganoon maging matibay siya." sabi ni Aj

"Gusto mong maging sadista o masohista ang batang iyon." sabi ni Nayumi

"Siguro. Tsss! Pitong taon pa. Ang tagal pa ng hihintayin ko, pero sa mga taon na dadaan gusto ko maramdaman niya na mahal ko siya." sabi ni Aj.

"Mahal mo siya pero ang dami mong ikinakama." sabi ni Nayumi.

"Gusto ko makita ang tiwala niya. Gusto ko mahigitan niya ang..." udlot na sabi ni Aj saka nito hiniwa ang laman ng bangkay na ikinaiwas ng tingin ni Nayumi.

".....gusto ko makita niya na siya ang nasa katawan ko." sabi ni Aj na ikinatingin muli ni Nayumi dito.

"Si Camora ang pininta nila sayo at hindi si Hestia." sabi ni Nayumi na ikinatingin ni AJ dito.


"Si Hestia ito."
sabi ni Aj.

"Alam mong hindi kasi ang layo." sabi ni Nayumi

"Nanay niya si Camora kaya magkamukha." sabi ni Aj.

"Kahit mag-ina may pagkakaiba at tingin mo hindi iyon makikita ni Hestia." sabi ni Nayumi.

...................

Aj's House

"Si Camora, siya iyong nakapinta sa katawan ni Aj." mahinang sabi ni Hestia ng makabihis na ito.

"Gusto kita, pero kahit anong gawin ko ngayon hindi ako makapasok, hindi na ako makasingit. Ngayon pagmamasdan na lang kita, at ang pangarap ko makahanap ng tulad mo." sabi ni Raven na ikinatingin ni Hestia dito.

".....si Kuya Aj na ang laman ng utak mo, napasok niya at nasakop niya pati puso mo na hindi mo namamalayan. Mahirap na talunin ang isang damdamin na nabuo niya sayo at kahit bata ka pa alam ko na ang pagmamahal na nararamdaman mo ay mahirap talunin." sabi ni Raven.

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWhere stories live. Discover now