Kabanata 4 : Isang Gabay

326 33 0
                                    

Kabanata 4 :  Isang Gabay

University Canteen


"Kapatid ni Hades si Hestia kaya huwag mong pahirapan ang bata na kahit hindi Lopez si Hestia kilala natin ang mga na Valiente bawal hawakan ang grupo nila." sabi ng isang guro sa guro ni Hestia habang nanananghalian ang mga ito sa canteen ng paaralan kasama ang ibang guro ng paaralan.

"Grabe hinintay ko pa kanina umalis kaso iniwan ko rin dahil gutom na ako. Ang batang iyon lumaki sa Amerika kaya may awrang... alam niyo na parang easy girl." sabi ng guro ni Hestia.


"Hahaha! Huwag kang masyadong mataray sa batang iyon at magsalita ng pangit dahil baka may makarinig sayo. Ikaw din baka makarating iyan sa mga Cheung."
sabi ng unang guro na si Mrs Hernandez.

"Mukhang maarte ang bata. Ahmmm! Ano ba? Paano ko ba sasabihin? Kasi kanina magkausap sila ni Aj tapos Maam, iba ang pagkakalapit nila. Itong batang babae... parang... parang... Hays!" hindi maituloy na sabi ni Mrs Paule, guro ni Hestia, isang Trainee pero naka-assign na sa Grade 6. SumaCumlaude sa STU kaya binigyan ng opportunidad na magtrabaho agad kahit na hindi pa ito kumukuha ng exam sa pagkaguro o licensed teacher.

"Lumaki kasi sa Amerika. Ikaw naman maraming ganyang bata dito, at dito ka nag-aral kaya alam mo dapat iyon." sabi ni Mrs Hernandez na tila nanay ni Miss Paule.

"Hay naku Maam, alam kong maraming mayayaman dito at maarte pero iba ang maarte sa maharot dahil si Hestia mukhang maharot dahil hinalikan pa ni AJ sa ulo kanina." sabi ni Miss Paule.


"Hahaha! Sa noo lang naman hinalikan ni Aj, halik magkapatid lang iyon. O baka naman... baka nagseselos ka lang."
sabi ng isa pang guro na si Mrs Garet.

"Uyyyy!" tudyo ng ibang guro na nasa mesang iyon kay Miss Paule.

"Maam, hindi 'no. Napapansin ko kasi na hirap siya makisama. Iyong awra niya nakaka-intimidate. Hays! Alam kong bata pa iyon at hindi tama ang iniisip ko sa bata lalo na estudyante ko kaso iba talaga siya." sabi ni Miss Paule.


"Baka naninibago lang, dapat masanay ka na lalo na at isa ka ng guro na dapat gumabay at hindi magpakita ng kawalang gana sa estudyante mo. Tayong mga guro ang isa sa huhubog sa pagkatao nila. Magiging kabahagi tayo sa kung ano sila paglaki nila, kaya ikaw na bilang guro ni Hestia dapat tingnan mo siya sa sitwasyon na ikakaganda ng daan niya." sabi ni Mrs Hernandez.


"Tama si Maam Hernandez, ako nga kahit inis na ako sa mga estudyante kong pasaway tinitimpi ko. Kahit naaartehan ako sa iba todo ang pagpipigil ko na huwag magsabi ng pangit.

Kailangan ko kasi ng pagpipigil para hindi ako makasabi ng masakit na magiging hadlang sa pag-unlad ng mga estudyante. Ganoon dapat kasi tayong mga guro, kaya pag-aralan mo Miss Paule ang salitang pagpipigil at pagpasensya na sobrang kakailanganin natin sa ating propesyon." sabi ni Mrs Garet.

"Ginagawa ko naman kaso tao rin lang naman tayo." sabi ni Miss Paule.

"Kaya nga tao tayo pero guro tayo na kailangan mag-adjust sa pagiging tao." sabi ni Mrs Garet.

"Masyadong mahirap makihalubilo o magturo sa mga batang ayaw mo, na darating naman talaga sa atin iyon, na may mga estudyanteng ayaw tayo o ayaw natin, pero bilang guro isa sa trabaho natin ang hubugin sila sa mas magandang imahe." sabi ni Mrs Hernandez na ikinatingin ni Miss Paule sa dalawang senior teachers ng paaralan na iyon at hindi na ito umimik.

.................

College Building

One hour later

The Queen's King : Book 1 - Berries  4th Gen Series # 7 : Aj and HestiaWhere stories live. Discover now